Tuesday, October 11, 2016

Cafe DeApati : Coffee and Events Place

Cafe DeApati

Coffee and Events Place


Matagal tagal ko na din nadaraanan ang Cafe DeApati sa barangay Makinabang, Baliwag. Akala ko noon ay isa lamang itong pangkaraniwang coffee shop na madalas pinupuntahan kapag gusto ng tahimik na lugar para makapag basa, makipag "bonding" sa pamilya, kaibigan, kaklase o mga kasamahan sa trabaho. Pero sa pagpasok ko sa kanilang coffee shop... napaka luwang ng kanilang lugar, komportable ang mga upuan, magagarang mga muwebles at nagustuhan ko rin ang "interior decorations" nila. Napaka presko ng paligid at sa tingin ko, kahit ilang oras pa ay pwede akong "mag-relaks relaks" pagkatapos ng buong araw na trabaho. Mayroon din silang malakas na WiFi, sa tingin ko ay isang bentahe rin ang pagkakaroon ng malakas na internet connection para sa mga coffee shops.


At alam ko na ito na ang pinakaaabangan ninyo, kamusta naman ang mga pagkain sa Cafe DeApati? Maaaring nakita nyo na sa aking naunang post ang "teaser video" ng aking pagdalaw sa Cafe na sinasabi ko. Kung hindi pa, dali at i-click nyo na para mapanood nyo na!



Natakam ba kayo sa mga pagkain nila? Iisa-isahin ko ang mga natikman kong mga putahe at lalagyan ko ang bawat isa ng aking hatol. 


Sweet and Sour Fish Fillet
Inaasahan natin madalas na kapag sinabing gawa sa isda ay lasa mo ang "lansa" ng isda na ginamit, pero sa aking pag tikim, wala ako nalasahan na kahit anumang "lansa" kahit na sa "after-taste" o yung kapag nalunok mo na ang pagkain ay doon mo malalasahan kung may maiiwan na lansa sa iyong dila. Nakaka-relate ba kayo sa sinasabi ko? 
Ang sauce ay naghahalong tamis at hindi masyadong maasim na kahit bata ay magugustuhan ito. 
Stars : ★★★

Boneless Bangus
Sinubukan ko ang kanilang Boneless Bangus, boneless naman talaga siya! Tama lang asim ng pagkakatimpla ng bangus, malutong ang balat at hindi sunog ang pagkakaluto. Bagay sa garlic rice at nagustuhan ko ang gulay (pipino, kamatis at letsugas). Isa ito sa kanilang "All-day breakfast menu".
Stars: ★★★★

Salisbury Steak
At sino naman ang hindi maglalaway makita pa lang ang kanilang Salisbury Steak na may napakaraming sauce! Malambot at "Juicy" ang patty at malasa ang sauce. Maraming mushroom na naka dagdag lasa sa pagkain na ito. May kasama itong potato wedge, kamatis at broccoli. Ito pa lang ay hindi ka na maghahanap pa ng kanin. Malaki ang serving at tiyak na ito pa lang ay busog ka na.
Stars: ★★★ 

Steak

Ito naman ang kanilang steak na maari kang mamimili ng tamang luto, kung rare, medium rare o well done. Pinili ko ang well done na pagkakaluto. Masarap at fresh ang mga gulay na kasama nito, malambot at malasa ang karne ng baka, pero parang may hinahanap pa ang aking panlasa. Hmmm marahil ay naghahanap lamang ako ng sauce na katambal nito. Mas masarap siguro kung may gravy o steak sauce na kasama.
Stars: ★★

Fresh Fruit Sampler

Para naman sa mga health conscious ay bagay ang panghimagas na ito, may saging, apple, melon, kiwi, whipped cream at cherry. Tamang tama para sa pagbalanse ng lasa sa lahat ng aking natikman.
Stars: ★★★★


Blueberry Cheesecake

Para sa mga may mga "sweet tooth" o yung mga mahihilig sa matatamis na pagkain, tara na at subukan ang kanilang Blueberry Cheesecake na lasang lasa ang cream cheese na hinalo dito kaya naman napaka lasa nito. Sa tingin ko, babalik-balikan ko ito!
Stars: ★★★★★

(pwede pa bang humirit ng isa pang  para dito?!? ðŸ˜„😄😄 )


Red Velvet Cake

Kaya pa ba? Narito pang ang isa sa mga masasarap na cakes nila... ang Red Velvet cake. Hindi gaanong matamis at napaka-moist o hindi dry ang pagkakagawa ng cake na ito. Hindi ka mahihirinan kahit na ang bawat subo ay talaga namang napakalambot. Ang mga filling at frosting na ginamit ay tama lamang ang tamis. Bagay sa kape, mainit man o malamig. 
Stars: ★★★★★

 
Watermelon Shake
Apple Carrot Shake
Caramello MilkTea
  Watermelon shake, apple carrot shake at Caramello Milktea na talaga namang pamatid uhaw at FRESH ang kanilang mga prutas at gulay na ginagamit para para dito. Walang masyadong asukal kaya naman nakakasiguro na mapaka healthy ng mga inumin na ito. 
Stars: ★★★★★


Nasabi ko kanina na ang kanilang lugar ay malaki ang espasyo. Sa katunayan sa gawing kaliwa sa harapan ng kanilang coffee shop ay may lugar na pwedeng laruan ng mga bata. Safe ang laruan na ito dahil may mga sahig na hindi delikado sa mga bata sakali mang sila ay matumba o madapa. Malawak din ang kanilang parking area at hindi mahihirapan ang mga bisita kung sakaling may gaganaping birthday, kasal, debut o meeting at seminars.

Mayroon din silang venue sa likod ng cafe, magandang ayusan ito para sa mga kasalan, birthday o debut. Para naman sa mga seminar o meeting may tatlo silang kwarto na maaring gamitin. May LED TV na pwedeng gamitin para sa mga presentations, classroom type naman ang tawag kung gustong gamitin ang kanilang whiteboard. Para naman sa mga ikakasal (at pwede rin naman sa debut / birthday) Hindi na mahihirapan ang bride, groom at ang kanilang buong entourage sa paghahanda at pagme-makeup dahil komportable nilang magagamit at rentahan ang dalawang kwarto sa itaas na may aircon bago ang kanilang pinakahihintay na araw ng kasal.

Ang Cafe DeApati ay nagmula sa pinagisang mga pangalan ng pamilya ng mga may ari na si Ms. Anne at Doc Dennis de Dios. (Cafe De (DEnnis), A (Anne), Pa (Paul), Ti (Timothy) ) Noong simula ay isa lamang itong simpleng coffee shop na may iilang mga putahe ng pagkain, nakita nila kung ano ano ang kailangan ng kanilang customer kaya naman padagdag ng padagdag ang kanilang mga amenities para sa kanilang mga customers. Naglagay ng laruan para sa mga bata, kuwarto para sa mga seminar, venue para sa kasal, at maging mga maayos na kuwarto para sa paghahanda sa pinakaimportanteng araw sa buhay ng mga ikakasal o magdadaos ng kaarawan.



Isa sa mga kwarto nila sa ikalawag palapag

Pati naman ang kanilang washroom at Comfort Room ay napakaganda at malinis din.
Ang lugar na maaring ayusan para sa kasal o ibang okasyon
Nagkakaroon din sila ng mga promo o buffet na sinasamahan pa ng mga "live performances" kaya talagang hindi lang masasarapan ang mga kakain kundi mag eenjoy din sa mga mapapanood nila. Sa katunayan sa darating na Oktubre 30 ay magkakaroon sila ng "Halloween Buffet" mula 11am - 2pm at 6pm - 9pm. Sa halagang 199 pesos ay maari mo nang matikman ang kanilang pagkain at may bonus pang live performances

Kaya tara na, yayain ang pamilya, hatakin ang tropa at sama sama sa Cafe DeApati!




Cafe DeApati
Location: 099 Calle Rizal Street, Makinabang, Baliuag, Bulacan
Phone number: 0927 545 3375
I-follow sila sa kanilang FB Page: Cafe DeApati




Sunday, October 9, 2016

Ang Pagbubukas ng Bahay Pagbabago

Ang Pagbubukas ng Bahay Pagbabago
Baliwag Drug Reformation Center


Oktubre 7, 2016 (Biyernes) sa saktong ika-100 araw ng panunungkulan ni Mayor Ferdie V Estrella ay binuksan ang Bahay Pagbabago o ang Baliwag Drug Reformation Center na nasa loob ng Barangay Tiaong, Baliwag. Sa pangalan pa lang ng lugar na aking nabanggit, siguro ay may konti na kayong ideya kung tungkol saan at para saan ang lugar na ito. Ngunit hayaan nyo akong ikuwento at idetalye sa inyo ang tungkol dito.

Hindi pa man nagsisimula ang panunungkulan ng ngayong ating President Rodrigo Roa Duterte, ay pinaigting na niya ang kampanya laban sa droga. Sinimulan ang Oplan Tokhang na hango sa salitang Cebuano na "Toktok-Hangyo" o ang ibig sabihin ay katok at pakiusap. Mula noon ay marami na ang mga sumuko na mga gumagamit at lulong sa bawal na gamot. Ngunit pagkatapos nilang sumuko, ano na ang mangyayari sa kanila? Paano sila makapagbabagong buhay?


Kaya naman dito sa ating bayan ay kaisa natin ang ating Mayor Ferdie V Estrella at ang buong puwersa ng Baliwag sa pagpapatupad ng "all out war against drugs". Sa kasalukuyang datos ay mayroon tayong 519 na surrenderees o mga sumuko na. Sa programa, ay nagbigay ng kanyang talumpati si Ginang Emieh Romulo, ang butihing maybahay ng Barangay Captain ng Tiaong, Ricky "RR' Romulo. Nagpaabot ng kanyang mensahe na ang Barangay Tiaong ay nagpasasalamat at patuloy na susuporta sa layunin na sugpuin ang mga nalulong sa droga at tulungan ang mga ito na makapagbago. Naroon din ang si Police Superintendent Froilan Uy at Deputy Regional Director for Operations na si Graciano Mijares para kay Chief Superintendent Aaron Aquino. Sabi nga nila, dito sa bayan ng Baliwag ang "One of the Best" na programa sa pagsugpo sa droga. Alam ba ninyo na ang presyo ng bala ng baril ay "bente pesos" lamang? Ngunit pinahahalagahan nila ang bawat buhay ng tao kaya naman ang kapulisan ay nakikiisa sa hangarin na mapagbago ang mga surrenderees.




Ayon naman kay Doktora Mary Joanne Dinglasan MD, sa laban ng kampanya laban sa droga, tayo ay may dalawang programa sa gobyerno. Ang Rehabilitation at Reformation. Ano ba ang kaibahan nito? Ang Rehabilitation ay ang mga pasyente na masyado na nalulong sa bawal na gamot at kailangan na ng mga gamot upang matulungan sila. Ang Reformation naman ay mga surrenderres na hindi pa masyadong lulong at kailangan lamang ng gabay para kanilang pagbabagong buhay. Sa ganitong programa, ang mga surrenderees ay kusang loob na papasok sa Bahay Pagbabago. Simula na sa Lunes, Oktubre 10, 2016 ay magsisimula nang tumanggap ng mga pasyente. Ang unang batch para sa programa ay 40 na surrenderees, at hangad nila na madagdagan pa sa mga susunod na batch. Sisimulan ito sa Registration, Counselling, aalamin kung may special concerns ang pasyente gaya ng medikal o kinakailangan ng Psychiatric / Psychologic services. Pinapaalala nila na, "ang Bahay Pagbabago ay hindi isang kulungan, kundi maayos na tirahan para sa mga surrenderees na gustong magbago."

Hangad ng ating Mayor Ferdie V Estrella na matulungan ang mga surrenderees para makapagsimulang bagong buhay. Para sa mga sasailalim sa 2 months program sa loob ng Bahay Pagbabago, sila ay matututo umiwas na sa droga at tuturuan na maging produktibo para naman sa kanilang paglabas, ay hindi na sila muli pang babalik sa kanilang bisyo at magkaroon ng bagong pananaw sa buhay. Sa kanilang paglabas sa Bahay Pagbabago, sila ay bibigyan ng tulong pinansiyal para makapag tayo ng kanilang maliit na negosyo.


Pinapangako ni Mayor Ferdie V Estrella ang kanyang buong pusong tulong at suporta para sa mga surrenderees. Tinignan at ininspeksiyon ni Mayor Ferdie at Municipal Admin Eric Tagle ang buong lugar ng bahay Pagbabago. Narito at ipasisilip ko sa inyo.



Sama sama at tumulong tayo sa pagsugpo ng droga dito sa ating bayan. Makiisa at tulungan natin ang mga nalululong sa droga dahil hangad ng ating Mayor ang serbisyong may malasakit para sa mga mamamayan ng Bayan ng Baliwag. 


Tuesday, October 4, 2016

Gusto nyo ba ng "Confident" Smile?

Gusto 'nyo ba ng "Confident" Smile?


Mga Baliwagenyo! Nahihiya ba kayo ngumiti minsan dahil may "stain" o mantsa ang inyong ngipin dulot ng madalas na pag-inom ng kape, softdrinks, o wine? Tayong mga Pinoy ay mahilig sa "huntahan" o kwentuhan. Sa mga nagtratrabaho sa opisina, hindi ba't mas mainam kung maganda rin ang inyong ngiti? May kasabihan nga na "First impressions last" kapag ikaw ay nakangiti, yan na yung matatandaan ng mga tao tungkol sa iyo. Sa pag ngiti mo din, gumagaan ang paligid na kahit gaano pa kadami ang problema, "keri" lang 'di ba? Sa mga nagnenegosyo kailangan din ang maganda at matamis na ngiti sa iyong mga buyer. Sa mga binata, sigurado ako mapapasagot mo ang nililigawan mo makita pa lang ang "killer smile" ika nga. Lahat ng edad, kahit anong trabaho mo pa, at kahit nag-aaral ka pa lang, 'di ba't gusto mo rin na maging maayos ang inyong mga ngipin?


Alam nyo ba kung ano ang sanhi ng "Discoloration" o pag-iba ng kulay ng ngipin? Heto at iisa-isahin ko sa inyo.

  1. Pagkain at Inumin - (kape, tsaa, softdrinks, alak at alam nyo ba na pati ang mga prutas at gulay gaya ng mansanas at patatas ay pwedeng mag-iwan ng mantsa sa iyong ngipin?) 
  2. Tobacco o ang paninigarilyo.
  3. Poor dental hygiene - o ang pagiging pabaya na hindi pagsisipilyo ng madalas.
  4. Mga karamdaman - nakakaapekto rin ang mataas na radiation at Chemotherapy.
  5. Medications - paggamit ng mga antibiotics, antihistamine, gamot na may tetracycline at doxycycline.
  6. Dental materials - kagayan ng amalgam restorations.
  7. Pagtanda.
  8. Genetics o nasa lahi.
  9. Ibang produkto gaya ng toothpaste, mouthwash o kadalasan sa tubig na ginagamit.
  10. Trauma

Naranasan ko rin ang ilan sa mga nabanggit ko. Kaya nga naghanap ako ng pwede kong gamitin para maibalik sa maputi, makinang at higit sa lahat ay malinis na ngipin. Hanggang sa madiskubre ko ang kakaibang toothpaste na aking sasabihin sa inyo. May ibabahagi ako sa inyo na litrato ng aking kaibigan na nasubukan naring gumamit ng Whitening Fluoride Toothpaste.

Nakita nyo ba ang pagkakaiba? Para higit kayong maniwala pati naman ang litrato ng mga ngipin ng aking anak noong unang beses pa lamang nila na gamit ay kapansin pasin na ang pagbabago. Safe ito para sa mga bata, ganun din para sa mga buntis.

Lahat ng yan ay dahil sa isang produkto...



Kayo rin pwedeng gumanda o gumanda pa lalo ang inyong mga ngipin at magkaroon ng "Confident Smile" at handa lagi sa "Selfie"! Para sa iba pang mga detalye, mag-comment o i-message lang ako sa aking facebook page. https://www.facebook.com/BaliwageNews/




Monday, October 3, 2016

LUIS Grill and Restaurant

LUIS Grill and Restaurant
Sarap na #OnlyAtLuisGrill


     Naniniwala ako na bawat barangay dito sa ating bayan ay may kanya kanyang pinagmamalaki. Matatandaang minsan ko na rin ipinakita sa inyo ang mga kainan sa San Jose, Poblacion, Pagala at ngayon naman ay napadpad ako sa barangay Tangos. Di kalayuan sa munisipyo ng Baliwag habang binabagtas ang kahabaan ng B.S Aquino Avenue, Barangay Tangos, sa bandang kanan ay may pumukaw ng aking pansin. Marahil dahil sa ito ay maraming ilaw at lutang na lutang ang ganda ng kanilang lugar lalo na kung gabi. Kapansin pansin din ang kanilang "ihaw-ihaw stand" sa harap ng kanilang tindahan. Sa isip ko, pwede palang kumain ng iyong paboritong mga inihaw na pagkain na nabibili madalas sa plaza at kainin sa kanilang napaka gandang restaurant na may aircon pa! Ang tinutukoy ko ay ang LUIS Grill and Restaurant. Hayaan ninyong kwentuhan ko kayo sa pagpunta ko sa kanilang restaurant.

     Pagpasok ko pa lamang sa kanilang tindahan, masasabi kong simple ngunit elegante ang disenyo mula sa kanilang mga dekorasyon, mga gamit, kurtina, telebisyon na maaari kang manood o mag-videoke at may gitara rin sila kung gusto ninyong magkantahang magpapamilya, magkakaklase, magkakatrabaho, o magbabarkada. Malamig din at magiging kumportable ang inyong pagkain at pag-bonding dahil malakas ang kanilang aircon at mayroon pang malakas na WiFi.





     Una kong sinubukan ang kanilang Coffee Shake with Ice Cream. Inumin palang ay alam ko na, lalo ako natakam sa mga iba pa nilang putahe. Sa pagkakataong iyon, gusto kong kumain ng kakaibang lutuin. Halos lahat ng aking nakita sa kanilang menu ay katakam-takam talaga. Una nilang ihinain ang "LUIS Palabok Rice", namangha ako dahil para ka talagang kumain ng palabok at kanin na pina-isa. Tiyak kong bago para sa ilan sa inyo ang "Sizzling Beef Sinigang". ----- Ha??? Sinigang na, ginawa pang sizzling? Oo, tama ang nabasa ninyo. Maski naman ako ay hindi ko naisip na pwede pala na pagisahin ang sinigang at sizzling. Ano namang ang lasa? ----- may sarsa siya na kapareho ng mga ordinaryong sizzling ngunit may lasa ng sa sinigang, may gulay ng sinigang at ang baka na ginamit ay talaga namang napaka lambot. (sa tingin ko, babalik-balikan ko ito!) Isa pang specialty nila ay ang "Seafood Kare-Kare" na pinagsama-samang tahong, calamares (pusit), hipon at Cream Dory. At alam nyo kung ano ang katambal ng Kare-Kare? ----- Bagoong! Sila mismo anng gumagawa ng kanilang masarap na bagoong kaya naman naisipan rin nilang magbenta ng mga naluto nang bagoong. Ang kanila namang "Buffalo Wings" (klase ng luto sa manok) na kombinasyon ng tamis at kaunting anghang sa bawat piraso ng manok. Ilan lang ito sa napakaraming putahe na kanilang inihahain sa LUIS Grill. Akala ko ay tapos na ang aking pagkain nang makita ko ang kanilang dessert na "Crunchy Caramel Saba with Vanilla Ice Cream". Sa pangalan palang ay sigurado kong hindi ko na kailangan pang isa-isahin ang mga isinahog dito. Tamang tama ang saging na saba upang mabalanse ang lahat ng kinain ko. Sobrang nabusog talaga ako at hindi ko natiis na bumili at mag-uwi pa nng kanilang bagoong.

Coffee Shake with Ice Cream

LUIS Palabok Rice

Sizzling Beef Sinigang

Seafood Kare-Kare

Spicy Buffalo Wings


Crunchy Caramel Saba with Vanilla Ice Cream
Ang kanilang napakasarap na Bagoong

     Iniisip nyo rin ba kung bakit LUIS Grill and Restaurant ang ipinangalan sa kanilang kainan? Sino si Luis? Naghanap ako ng kasagutan at napag-alaman ko na ang may-ari ng restaurant na ito ay si Mr. & Mrs. Michael at Mariss LUIS. Ayun naman pala, apelyido pala nila ang ginamit. Dahil sa pagbibiruan ng kanilang pamilya patungkol sa pangarap na magtayo ng negosyong kainan, hindi nila akalain na magiging totoo ipapanganak ang LUIS Grill and Restaurant noong Pebrero ng taong kasalukuyan (February 2016). Sabi nga ng may ari na si Mr. Michael Luis, kailangan sa pagnenegosyo ang lakas ng loob at tiwala sa Diyos.

Natakam ba kayo sa mga nabanggit ko rito? Punta na tayo sa LUIS Grill and Restaurant. Tikman ang sarap #OnlyAtLuisGrill




Bukas ng LUIS Grill and Restaurant araw-araw mula 9am-10:30pm, tumatanggap rin sila ng catering para sa kasal, binyag, birthday, seminar, anniversary o anumang okasyon. 

Tawagan lamang sila sa kanilang contact number: 0943-1291006 / (044) 797-3486


I-follow na sila sa kanilang Facebook page: LUIS Grill and Restaurant
Bencar Building, Stall 1 & 2, Brgy. Tangos, Baliwag, Bulacan

Friday, September 30, 2016

CHEF BOB's BURGER

CHEF BOB's BURGER
Flavors of the World in a Bun


     Siguro ay inyo nang napanood ang video ng aking pagpunta sa Chef Bob's Burger at aminin ninyo na marami sa inyo ang talagang natakam kahit sa mga larawan ng burger pa lang. Maraming tindahan ng mga masasarap na hamburger dito sa ating bayan, ngunit may isang pumukaw ng aking atensyon at gusto ko malaman kung ano ang kaibahan nila sa ibang gumagawa ng burger dito sa atin. Para sa mga hindi pa napapanood kung ano ang binabanggit ko na video, ito po iyon.


     Dumayo ako sa Chef Bob's burger dito sa Baliwag na nasa loob ng A&C Building, B.S. Aquino Avenue. Masasabing kong maganda at maaliwas ang kanilang tindahan, hindi air-conditioned ngunit presko naman ang paligid na sinabayan pa ng malamig na simoy ng hangin habang ako'y naroroon bandang hapon.



     Agad akong binigyan ng kanilang menu. Natakam ako sa lahat ng burger na nakita ko, sa menu pa lang nila kitang kita mo kung ano ang itsura at laman ng bawat oorderin mo. Sa pagkakataong iyon, gusto ko matikman kung ano ang kanilang "specialty". Maraming espesyal na burger, may malalaki pa ngang burger na tatlong patong ang "patty" pero pinili ko ang sa tingin ko ay tama lang sa akin dahil balita ko na malalaki ang burgers nila. Classic Cheese Burger ang napili ko dahil gusto ko malaman ang kaibahan nila sa ordinaryong cheese burger na akin nang natikman. Nagorder din ako ng "The Hangover Burger" - sa pangalan pa lang hindi ba't magiging interesado ka rin kung ano ang lasa nito? Ang kanilang Hungarian sausage raw ay masarap kaya akin din itong tinikman. Sawa na ba kayo sa ordinaryong French Fries? Mayroon silang Potato Wedges na napakamura, sulit ika nga! Naku, hindi ko na mahintay ang mga order ko.

Hindi ko na kayo bibitinin pa at ipakikita ko na sa inyo ang mga inorder ko.

Classic Cheese Burger - P115
Classic Cheese Burger - Hinati ko ito para makita rin ninyo ang nasa loob nito.

The Hangover Burger - May itlog at bacon - P155
Cheesy Hungarian Sausage - P65
Potato Wedges - P95

     At totoo nga... napaka laki at madami ang kanilang serving, talagang sulit ang ibabayad mo! Sa kanilang patty pa lang na "Half Pound" ay talagang mabubusog ka. Sa katunayan, sa sobrang laki ay kakailanganin ko pa ng tulong para maubos ito. Sariling recipe ng patty ang ibinebenta nila pati ang kanilang mga tinapay at cheese ay sila rin mismo ang gumagawa. Kaya makakasiguro tayo na walang preservatives o ibang pampalasa na nilalagay rito. 100% puro na beef o baka na pinong iginigiling at tiyak na bago ito araw araw. Niluluto ng walong minuto at pitong minuto naman pagkabaligtad ng mga niluto na patty. Bukod sa napakalaking burger ay ang kanilang Potato Wedges na sobrang masustansya dahil walang anumang ihinahalo dito kundi asin at basil. Eksakto ang lasa lalo na kung isasawsaw sa kanilang espesyal na dip. Para sa mga mahilig naman sa sausage ay mairerekomenda ko ang Cheesy Hungarian Sausage, bukod sa mura na, masarap pa! Hindi sila nagse-serve ng softdrinks o mga "de bote" dito dahil sinisiguro nilang masustansya ang mga inihahanda nila, kaya naman Iced Tea at Cucumber Lemonade ang kanilang inirerekomenda. Sobrang marami na akong natikman pero sa susunod ay siguradong babalikan ko ang iba pang klase ng burger at ang kanilang Buffalo Wings na kanila ring ipinagmamalaki.
     Nakilala ko ang may ari ng Chef Bob's Burger na si Chef Bob Diño. Hindi ko na pinalampas ang pagkakataon na maitanong sa kanya kung paano siya nagsimula at kung ano ang sikreto ng kanyang negosyo. Ayon sa kanya, Marso 28, 2015 nang nagsimula siyang gumawa ng mga masasarap na burger sa kanila mismong bahay sa Milflora, sa isang araw pa lang ay nakakatanggap na siya ng mga orders. Kaya naman naisipan na niyang magtayo ng negosyo dito sa bayan ng Baliwag. Layon nya na maging unang tindahan ng burger na inyong maiisip kainan dahil sa masarap, hindi bitin, malaki ngunit sulit na burger sa inyong ibinabayad. Naisip nyo ba kung bakit tinawag na "Flavors of the World in a Bun"? Dahil sila ang nagseserve ng 18 na klase ng burger na kapareho ng lasa ng sa Indian, Mexican, Hawaian, Japanese, Vietnamese at iba pa. O di ba para ka nang nakakain sa ibang bansa kapag natikman mo ang mga ito!

Ano ang sikreto ni Chef Bob? Pagiging tapat sa Panginoong Diyos at sa mga tao. Dahil kung naging tapat ka sa ipinagkatiwala sa iyo ng Panginoong Diyos, walang paraan na hindi ka pagpapalain. Tapat sa mga tao sa paraan na sapat lang at hindi mahal ang mga ibinebenta nila, dahil naniniwala siya na kung tapat ka sa mga tao at hindi mahal ang presyo, siguradong  babalik-balikan nila ang produkto mo. Sa ngayon ay mayroon na siyang sangay o branches sa Plaridel, Malolos at San Ildefonso. Nais din niyang magkaroon ng "Charity" o pagpapakain sa mga nangangailangan. Bilang pagbabahagi ng mga pagpapala ng Diyos sa kanyang negosyo at sa kanilang pamilya. 

Para sa mga orders at deliveries, maaaring i-follow ang ang kanilang Facebook page:
https://www.facebook.com/bobsburgeronline/ o mag-text / tumawag sa
0917-8862312
Ang Chef Bob's Burger ay bukas Lunes - Sabado 1pm hanggang 11pm at Linggo 3pm hanggang 11pm