Cafe DeApati
Coffee and Events Place
Natakam ba kayo sa mga pagkain nila? Iisa-isahin ko ang mga natikman kong mga putahe at lalagyan ko ang bawat isa ng aking hatol.
Sweet and Sour Fish Fillet |
Inaasahan natin madalas na kapag sinabing gawa sa isda ay lasa mo ang "lansa" ng isda na ginamit, pero sa aking pag tikim, wala ako nalasahan na kahit anumang "lansa" kahit na sa "after-taste" o yung kapag nalunok mo na ang pagkain ay doon mo malalasahan kung may maiiwan na lansa sa iyong dila. Nakaka-relate ba kayo sa sinasabi ko?
Ang sauce ay naghahalong tamis at hindi masyadong maasim na kahit bata ay magugustuhan ito.
Stars : ★★★★★
Boneless Bangus |
Sinubukan ko ang kanilang Boneless Bangus, boneless naman talaga siya! Tama lang asim ng pagkakatimpla ng bangus, malutong ang balat at hindi sunog ang pagkakaluto. Bagay sa garlic rice at nagustuhan ko ang gulay (pipino, kamatis at letsugas). Isa ito sa kanilang "All-day breakfast menu".
Stars: ★★★★★
Salisbury Steak |
At sino naman ang hindi maglalaway makita pa lang ang kanilang Salisbury Steak na may napakaraming sauce! Malambot at "Juicy" ang patty at malasa ang sauce. Maraming mushroom na naka dagdag lasa sa pagkain na ito. May kasama itong potato wedge, kamatis at broccoli. Ito pa lang ay hindi ka na maghahanap pa ng kanin. Malaki ang serving at tiyak na ito pa lang ay busog ka na.
Stars: ★★★★★
Steak |
Ito naman ang kanilang steak na maari kang mamimili ng tamang luto, kung rare, medium rare o well done. Pinili ko ang well done na pagkakaluto. Masarap at fresh ang mga gulay na kasama nito, malambot at malasa ang karne ng baka, pero parang may hinahanap pa ang aking panlasa. Hmmm marahil ay naghahanap lamang ako ng sauce na katambal nito. Mas masarap siguro kung may gravy o steak sauce na kasama.
Stars: ★★★★
Fresh Fruit Sampler |
Para naman sa mga health conscious ay bagay ang panghimagas na ito, may saging, apple, melon, kiwi, whipped cream at cherry. Tamang tama para sa pagbalanse ng lasa sa lahat ng aking natikman.
Stars: ★★★★★
Blueberry Cheesecake |
Para sa mga may mga "sweet tooth" o yung mga mahihilig sa matatamis na pagkain, tara na at subukan ang kanilang Blueberry Cheesecake na lasang lasa ang cream cheese na hinalo dito kaya naman napaka lasa nito. Sa tingin ko, babalik-balikan ko ito!
Stars: ★★★★★
(pwede pa bang humirit ng isa pang ★ para dito?!? 😄😄😄 )
Red Velvet Cake |
Kaya pa ba? Narito pang ang isa sa mga masasarap na cakes nila... ang Red Velvet cake. Hindi gaanong matamis at napaka-moist o hindi dry ang pagkakagawa ng cake na ito. Hindi ka mahihirinan kahit na ang bawat subo ay talaga namang napakalambot. Ang mga filling at frosting na ginamit ay tama lamang ang tamis. Bagay sa kape, mainit man o malamig.
Stars: ★★★★★
Watermelon Shake |
Apple Carrot Shake |
Caramello MilkTea |
Watermelon shake, apple carrot shake at Caramello Milktea na talaga namang pamatid uhaw at FRESH ang kanilang mga prutas at gulay na ginagamit para para dito. Walang masyadong asukal kaya naman nakakasiguro na mapaka healthy ng mga inumin na ito.
Stars: ★★★★★
Mayroon din silang venue sa likod ng cafe, magandang ayusan ito para sa mga kasalan, birthday o debut. Para naman sa mga seminar o meeting may tatlo silang kwarto na maaring gamitin. May LED TV na pwedeng gamitin para sa mga presentations, classroom type naman ang tawag kung gustong gamitin ang kanilang whiteboard. Para naman sa mga ikakasal (at pwede rin naman sa debut / birthday) Hindi na mahihirapan ang bride, groom at ang kanilang buong entourage sa paghahanda at pagme-makeup dahil komportable nilang magagamit at rentahan ang dalawang kwarto sa itaas na may aircon bago ang kanilang pinakahihintay na araw ng kasal.
Ang Cafe DeApati ay nagmula sa pinagisang mga pangalan ng pamilya ng mga may ari na si Ms. Anne at Doc Dennis de Dios. (Cafe De (DEnnis), A (Anne), Pa (Paul), Ti (Timothy) ) Noong simula ay isa lamang itong simpleng coffee shop na may iilang mga putahe ng pagkain, nakita nila kung ano ano ang kailangan ng kanilang customer kaya naman padagdag ng padagdag ang kanilang mga amenities para sa kanilang mga customers. Naglagay ng laruan para sa mga bata, kuwarto para sa mga seminar, venue para sa kasal, at maging mga maayos na kuwarto para sa paghahanda sa pinakaimportanteng araw sa buhay ng mga ikakasal o magdadaos ng kaarawan.
Isa sa mga kwarto nila sa ikalawag palapag |
Pati naman ang kanilang washroom at Comfort Room ay napakaganda at malinis din. |
Ang lugar na maaring ayusan para sa kasal o ibang okasyon |
Kaya tara na, yayain ang pamilya, hatakin ang tropa at sama sama sa Cafe DeApati!
Cafe DeApati
Location: 099 Calle Rizal Street, Makinabang, Baliuag, Bulacan
Phone number: 0927 545 3375
I-follow sila sa kanilang FB Page: Cafe DeApati
No comments:
Post a Comment