How does Marian Rivera makes Garantisadong Ginisarap Dishes?
Wondering How Marian Rivera makes Garantisadong Ginisarap Dishes? We all know that Marian Rivera - Dantes is used to playing different characters: Primetime Queen, recording artist, brand ambassador, style icon, and philanthropist. But as of now, her favorite role have been those behind the camera: as a wife to Dingdong and a mom to Baby Zia. A modern homemaker who manages her time between work and family, Marian has truly found comfort in cooking as one of the best ways to make her family feel so loved and also to improve her culinary skills. As a matter of fact, on her social media pages, Marian posted some of her own culinary creations Some are baby food for Zia, stews, soups, and veggies. And during the days that she was short of time, stir-fry dishes have become her go-to choices for easy and yummy meals. On top of her stir-fry list are Chopsuey and Fried Rice made with AJI-GINISA Flavor Seasoning Mix, as seen in the seasoning's two new TVCs which began airing last June 4, 2017. In both versions, Marian dances and sings to the tune of her hit song "Sabay-Sabay Tayo", while she adds AJI-GINISA to each dish that she was cooking to make them more delish and "Garantisadong Ginisarap." If you haven't watched it yet, here's the video
Like Marian, you too can also whip up "Garantisadong Ginisarap" dishes --- even on non-vegetable ones. Just by adding a touch of AJI-GINISA to your favorite stir-fry recipes.
Sa mga mahilig magmerienda, healthy ba ang kinakain nyo? Sa panahon ngayon, conscious na ang mga tao dahil nga ang mga sakit ngayon ay hindi lang namamana o sa genes. Mas mataas na dahilan nito ay dahil sa mga kinakain natin. Pansin nyo ba na marami nang naglalabasan na mga produkto na organic? Isa sa mga ipapakilala ko sa inyo ang isang alternative na snack! Chicharooms! Chicharooms or chicharon? Parehong tama! Chicharon na Mushrooms nga ito kaya tinawag na "Chicharooms" ng gumagawa nito. Si Ms. Geline Manlapaz mula Bulacan ang kilalang gumagawa ng kanyang original na "ChiCharooms". Mula sa organic at freshly harvested na mushroom ay ginagawa niyang malutong at katakamtakam na snack. Worry free! Dahil ang chicharooms na galing sa organic mushroom ay di gaya ng nakasanayan na natin na chicharon mula sa pork skin ay certified sobrang healthy. Nagresearch ako kung gaano ang benefits ng mushroom. Ayon sa https://www.organicfacts.net/ mayroong 11 interesting benefits ang mushroom. Isa-isahin natin: 1. Low cholesterol, fats, and carbohydrates. 2. Mushrooms are a good source of iron to prevent anemia. 3. Mushrooms are effective in preventing breast and prostate cancers. 4. Mushrooms are an ideal low-energy diet for diabetics. 5. Mushrooms are a rich source of calcium, that is good for the bones. 6. Rich in Vitamin D for proper metabolism and nutrient absorption. 7. Ergothioneine is a powerful antioxidant present in mushrooms, providing protection from free radicals and boosting the immune system. 8. High in Potassium content reducing blood pressure. 9. Copper is also present in mushrooms. Can regulate and stimulate the proper absorption of iron in food. 10. Selenium content with is good for the bones. 11. Weight Loss. Mushrooms have good source of fiber. Mula Bulacan ay nag-order ako ng ChiCharooms para makarating rito sa Cebu. Sobrang thankful at mabilis makarating rito ang order ko sa tulong ng #LBC. Di na ako nakapaghintay na mabuksan ang aking package!
Panoorin ang video review ko tungkol dito:
Magandang alternative din sa inyong mga ulam ang chicharooms, sinubukan ko rin itong ilagay sa aking Ginisang Munggo. Imbis na chicharon, syempre para healthy, Chicharooms nalang hindi ba? Guilt-free at sobrang sarap! Indeed, this is a healthy snack alternative!
Ginisang munggo topped with crispy chicharooms!
Subukan nyo na din! Magpadeliver na! For other inquiries and orders, i-follow na ang kanilang Facebook fanpage:
Hindi nawawala sa selebrasyong Pinoy ang mga handaan lalo na kapag may birthday, anniversary o kahit monthsary pa 'yan. Hindi rin nawawala sa eksena ang mga cakes hindi ba? Paano naman kung kapos sa budget? Makakapag celebrate pa ba? Tayong mga Pinoy ay magaling sa mga diskarte, kung saan mura, doon tayo. Kaya naman naghanap ako ng masarap na cakes at tinapay na swak sa budget. Sa bayan ng Baliwag ay nakita ko ang Mister Tinapay. Pagpasok ko pa lamang ay hindi ako magkamayaw sa pagtingin at hindi malaman kung ano ang aking pipiliin. Sa dami ng kanilang mga tinapay, siguradong lahat ay gusto kong tikman. Ngunit ang nakapukaw sa aking atensyon ay ang kanilang mga cakes. Mayroon silang mga cake rolls, dedication cakes, egg pie at ang Crema De Fruta na talagang namang nakaka takam sa unang tingin ko pa lang. Sa halagang 135 pesos lamang ay hindi ako nag atubili na bumili at ganoon din naman ang kanilang espesyal na Yema Biscocho na halagang 30 pesos lang! (sabi ko sa aking sarili na bagay ito kasama ng pag-inom ng mainit na kape.) Masaya kong inuwi at tinikman agad. Narito ang aking rating. Crema De Fruta
Amoy pa lang ay maaakit ka nang kainin, ang cake nila ay hindi nakakahirin, moist at tama lamang ang tamis. Hindi rin malasa ang ginamit na pampaalsa kaya naman walang lasang mapait, hindi magalas sa ngipin (senyales na hindi matapang ang pampaalsang ginamit) at higit sa lahat, hindi ka mauumay. Ang filling ay lasang yema ngunit hindi masyadong matamis. May clear gelatin at fruits sa ibabaw. Sa halagang 135 lang ay hindi ka na talo sa sarap at sulit ang iyong binili. May mga kakilala at kaibigan narin ako na nakapag sabi sa akin na masarap at pinilahan ito lalo na noong Pasko at Bagong Taon.
Rating: ⭐⭐⭐⭐⭐
Yema Biscocho
Hindi ordinaryong Biscocho ang natikman ko, sa mga natikman ko na dati (ordinaryong mantikilya at asukal), masasabi ko na sobrang espesyal nga ang Yema Biscocho ng Mister Tinapay. Tama lamang ang tigas ng Biscocho, nuot ang ibinalot na pampalasa sa loob nito, kaya hindi lamang sa labas ng tinapay nito malalasahan ang sarap. Sabi nga sa Ingles, "Melts in your mouth" at ganoon nga talaga ang bagay na deskripsyon sa natikman ko nang Yema Biscocho. Bagay nga sa mainit na kape o tsokolate. Mapa- almusal, merienda, midnight snack, ayos na ayos ito! Rating: ⭐⭐⭐⭐⭐ Narito rin ang ilan sa mga tinapay na gawa nila:
Murang cakes ang nabanggit ko kanina hindi ba? Narito ang ilan nilang cakes:
Ang Mister Tinapay ay nagbukas noong March 2015 sa Poblacion, Baliwag at ngayon ay may branch sa barangay Tiaong, Baliwag. Sariling recipe nila ang lahat ng kanilang mga tinapay at cakes. Nakilala ko ang mga may ari na sina Mr. & Mrs. Ian at Theriz Chan. Tubong Baliwag, kaya naman ang kanilang mga produkto ay talaga namang Tatak Baliwagenyo.
Cakes na pang-masa hindi ba? Maghahanap ka pa ba ng cake na swak sa budget? Heto na 'yon mga Bes! Ang kanilang tindahan ay matatagpuan sa Barerra Street, Poblacion, Baliwag, Bulacan. (Katabi ng Manson Drug). May branch rin sila sa Brgy. Tiaong, Baliwag.
Mahilig ba kayo sa mga maaanghang na pagkain? Sa tuwing kakain ba kayo ay naghahanap kayo ng sawsawan na maanghang? Oo, Sili nga ang tinutukoy ko, ano pa nga ba? Dito sa ating Bayan ay may nadiskubre na naman akong bagong kahihiligan ninyo. Ang Bitoy's Chili Garlic!
Dito sa ating Bayan ng Baliwag ay nakilala ko ang gumagawa ng masarap na Chili Garlic. Si Sir Victor Buenaventura na mas nakilala sa kanyang paggawa ng Bitoy's Chili Garlic. Espesyal ang kanyang Chili Garlic dahil talagang inaral niya ang paggawa nito. Malalaking mga siling labuyo at bawang ang kanyang ginagamit at matagal niluluto (literal na inaabot ng ilang oras) para tumagal bago ma-expire ang kanyang produkto.
Nagpunta ako mismo sa kanilang tahanan, kung saan, dito rin niya ginawa ang Bitoy's Chili Garlic at nakita ko kung gaano ka-tagal ihanda ang mga sili at bawang bago ito lutuin ng mahigit dalawang oras. Ayon kay Sir Bitoy, matagal bago niya na-perfect ang kanyang Chili Garlic. Paulit-ulit na pag-subok hanggang sa nakuha niya ang tamang timpla at luto nito. Kaya naman pala masarap unang tikim ko palang, nasubukan ko na isawsaw ang aming ulam. (Porkchop (Fried, inihaw, sizzling), sa Siomai, at kahit ano pang maisip mo, kahit saan bagay na bagay talaga ito!) May tamang anghang na tiyak na gaganahan kang kumain!
--- Kung sabagay nga naman, maging sa buhay natin ay kailangan paulit ulit nating gawin ang bagay bago natin ito makuha ng tama. Kailangan talaga ng tiyaga kung gusto mong magtagumpay.
Si Sir Victor Buenaventura ng Bitoy's Chili Garlic
Pero teka, sawsawan nga lang ba talaga ang sili? Nag-research ako at napag-alaman ko na ang sili pala ay nakaka gamot ng iba't ibang sakit. Paano?
Ayon kay Doc Willie Ong, ito ang iba't ibang benepisyo ng sili sa katawan ng tao:
1. Para sa may diabetes – Ayon sa pag-aaral sa hayop, posibleng mapigilan ng sili ang pagkakaroon ng diabetes. Nakita din na nagpapababa ng blood sugar ang sili.
2. Pampapayat – Ang sili ay nagpapabilis ng ating metabolism at nagpapainit din ng katawan. Dahil dito, mas madali tayong makakatanggal ng calories (burning calories) para pumayat.
3. May tulong cholesterol at sakit sa puso – Ayon sa pag-aaral, maaaring mapigilan ng sili ang pagbabara sa ugat ng puso. Nagpapababa din ang lebel ng bad cholesterol sa ating katawan.
4. Nagpapaluwag ng baradong ilong dulot ng sinusitis at sipon.
5. Pang-alis ng sakit sa katawan – Ang sangkap na capsaicin ay puwedeng makaalis ng sakit sa katawan. Ang sili ay ginagawang pampahid sa masakit na joints at arthritis.
6. Marami pang pinag-aaralang benepisyo ang sili. Nalaman din na posibleng makapigil sa kanser tulad ng prostate cancer.
*Para sa may almoranas, konti lang ang kainin na sili. Puwede din piliin ang siling hindi gaanong maanghang. Wala pang malinaw na rekomendasyon kung gaano karaming sili ang kakainin.
O, alam nyo na ha! Hindi lang masarap na sawsawan, may health benefits din ang pagkain ng sili bukod pa sa dagdag na benepisyo ng Bawang sa katawan ng tao.
Ang masarap na Bitoy's Chili Garlic ay mabibili sa Baliwag Pasalubong Center(Farmer's Trading Center - DRT Highway, Baliwag, Bulacan). Maaari ring magtext o tumawag sa 0943-019-4268
Mahilig tayong mga Pinoy na kumain. Halos lahat na yata ng mga bagong kainan ay sinusubukan. Pati naman ang mga Fiestahan ay hindi pinalalampas. Kabi-kabilaang fiestahan at handaan ay dinarayo. Dito sa SM City Baliwag ay nakita ko ang isang kainan na animo'y fiesta lagi. Ang CABALEN Restaurant. Masarap na kainan na puro putaheng Pinoy ang iyong makikita. Ikaw, ano ba ang paborito mong putahe?
Warning: ang mga ipapakita ko sa inyo ay talaga namang nakakatakam, kaya pinapayuhan ko kayo na matapos ninyong basahin ang blog ko ay bisitahin na sila upang matikman ang mga ibibida ko sa inyo rito. Narito ang ginawa kong video para makita ninyo Cabalen Restaurant.
Ang Cabalen ay isang Eat-All-you-Can buffet kung saan sa presyong 298 ay makakain mo na lahat ng gusto mong kainin at kahit pabalik balik ka pa sa kanilang buffet table ay sige lang.. sabi nga ng mga kabataan, "Lafang lang ng Lafang!"
Pagkita ko pa lamang ng kanilang Buffet table ay hindi ko malaman kung ano ang aking uunahing tikman. Hmmm dahil tanghalian na ay kailangan ko kumain ng kanin. Kanin pa lamang nila ay dalawang klase, may kanin na regular at isang espesyal na BERINGHE. Kaunti lamang ang kinuha ko dahil alam ko mabubusog kaagad ako sa pagkain ng Behinghe dahil siksik sa sahog, sa tingin ko nga, ito pa lamang ay mabubusog na ako dahil sakto ang kanyang lasa. Papalampasin ko ba naman na hindi matikman lahat? Syempre naman eat-all-you-can ang aking pinuntahan, kaya susulitin ko na at panandaliang kalimutan muna ang salitang "diet."
Beringhe
Mula sa mga sizzling na sisig (bangus, pork at iba pa) ay mayroon din silang mga inihaw na isda, mga appetizers na talaga namang gaganahan ka kumain kapag nakita mo ang kanilang napaka lutong na Crispy Kangkong, Tokwa, Togue at may Vegetable salad din sila na ikaw na mismo ang gagawa kung anong gulay ang nais mong ilagay. Tayong mga Pinoy ay mahilig sa sawsawan kaya naman marami kang sawsawan na mapagpipilian ayon sa iyong panlasa.
Tumungo naman ako sa lugar kung saan nakalagay ang Dinuguan na para sa akin ay perpekto ang pagkakaluto, tama lang ang asim (naka ilang balik nga ako para sa dinuguan). Laing na lasang lasa ang gata ng niyog at napakasarap. Ang kanilang Pochero ay manamis-namis ang lasa, sa tingin ko ay dahil ito sa sangkap na saging na saba at mais. Malambot din ang baka. Talaga namang masisimot mo hanggang sa buto. Mayroon din silang Ginataang Kuhol. Isa lang napansin ko rito, kapag sinabing "Ginataan" ang hindi tinitipid ang gata at talagang sagana sa gata ng niyog, kaya naman napaka sarap ng mga lutuin na ito.
Dinuguan
Laing
Pochero
Ginataang Kuhol
Mayroon din silang Caldereta, Kare-Kare na may kapares na bagoong. Hindi ko na iisa-isahin pa dahil alam ko naman na ngayon pa lamang ay natatakam na kayo sa mga ikinukuwento ko sa inyo, idagdag pa ang video at pictures na ipinakita ko sa inyo.
Panghimagas o dessert ba? May Halo-Halo sila rito na ikaw mismo ang maglalagay kung ano-ano ang gusto mong isahog. Ginataang Mais, Kusilbang kamoteng-kahoy, Palitaw, Bico, prutas at mayroon pang chocolate fountain para sa marshmallows o prutas.
Talaga namang sulit ang kumain dito lalo na kung talagang magana kang kumain. Sa halagang 298 pesos ay busog na busog na. Kung nais ninyong makatipid, mayroong promo ang Cabalen ngayon na halagang 250 pesos lamang ang Eat-All-You-Can Buffet mula Lunes hanggang Biyernes sa mga oras na nakalagay sa kanilang poster.
Ano pang hinihintay ninyo, sugod na sa Cabalen Restaurant sa Ground Floor ng SM City Baliwag ngayon!
Ano ba ang binabalik-balikan sa isang kainan, restaurant o karinderya? Hindi ba't kung masarap ang pagkain, malinis na paligid, malinis na paghahanda ng pagkain, at siyempre, kung mura ba ang mga pagkain rito. Isa na namang kainan ang napuntahan ni BaliwageNews, masarap na, malinis at mura pa. Ang tinutukoy ko ay ang Food Bridge na nasa C.L Hilario Highway, Tibag, Baliwag. Madali itong makita dahil nasa bukana ng tulay lamang ito na nagdudugtong sa Baliwag at Bustos, kaya rin ito pinangalanang Food Bridge. Nagbukas ito noong March 10, 2016. Simple lang ang lugar, hindi air-conditioned. Napansin ko na marami ang dito ay kumakain, kaya naman naengganyo ako na alamin kung ano ang mayroon sa kanilang kainan at kung bakit lagi itong matao. Ilang beses ko itong binalik-balikan para matikman ang lahat ng kaninang mga specialty. Halos lahat yata ay specialty nila! Sa mga hindi pa nakikita ang video teaser ng aking pagbisita sa Food Bridge, narito po at panoorin nyo.
Warning: Baka magutom sa pagtingin ng pagkain.
Gusto nyo ba malaman kung alin ang masarap? magkano ang mga ito? tutok lang dahil ikukwento ko na. Iisa-isahin ko sa inyo.
Special Lomi - 60 pesos
Nagulat ba kayo na ang presyo lamang lomi ay 60 pesos? Oo! Isa itong maliit na kawali at doon nakalagay ang ise-serve nila na mainit na Lomi. Pwede ito sa dalawa o hanggang tatlong tao na magsasalo para maubos ito. Malasa ang sabaw, busog sa mga sahog at ihahain ng bagong luto. Nakakabusog at sulit sa budget.
Rating: ⭐⭐⭐⭐⭐
Pancit Canton / Bihon - 60 pesos
Ang kanilang pansit canton at bihon ay nilalamanan ng mga gulay at lechon kawali ang toppings. Malutong ang kanilang lechon kawali na sobrang nagustuhan ko. (Alam ko marami rin ang makakagusto nito!) Tama lamang ang lasa at hindi masyadong maalat. Pwede sa dalawa hanggang tatlong tao ang kanilang serving sa halagang 60 pesos lamang. Isa pang maaring pagsaluhan ng pamilya at magbabarkada.
Rating: ⭐⭐⭐⭐⭐
Chow Fan - 60 pesos
Para sa mga maraming gutom! Pwede nang kahit hindi mag ulam, dahil ang chow fan nila ay malasa na kaya wala ka nang hahanapin pa. Hindi masyadong mamantika at hindi masyadong maalat, tamang tama lang ang konti nitong anghang. Sa dami ng serving nito, pwede ito para sa dalawang tao. Pero kung marami kang gutom, malamang ay maubos mo itong mag-isa. Sulit para sa mga malakas mag-kanin.
Rating: ⭐⭐⭐⭐⭐
Lunpiang Sariwa - 25 pesos
Kung naghahanap naman ng mga gulay, ito ang isa sa mairerekomenda ko sa inyo. Sariwa at manamis-namis ang mga gulay na inilagay. Bagay na bagay sa kanilang sauce na may dinurog na mani at bawang. Ito palang ay siguradong busog ka na.
Rating: ⭐⭐⭐⭐⭐
Beef Pares - 50 pesos
Ayos talagang pares itong Beef Pares nila! Malambot na karne ng baka, manamis-namis, i-pares pa sa kanin na may pinirito at malutong na bawang. May kasama din itong soup. Sakto kung gutom ka. Sigurado ako mapapa-extra rice ka din sa sarap! 50 pesos lang ito ha!
Rating: ⭐⭐⭐⭐⭐
Sizzling Burger Steak - 50 pesos
Kaway-kaway sa mga fan ng burger steak dyan! Nandito na ang sizzling burger steak na swak sa gutom mo. May masarap na gravy pa! Kumukulo kulo pa ang sauce noong ito ang inilagay sa aming lamesa, kaya naman masarap itong kainin habang mainit pa! Ingat ingat lang at mainit ang sizzling plate!
Rating: ⭐⭐⭐⭐⭐
Sizzling Sisig - 60 pesos
Paborito mo ba ang sisig? Marami tayong bersyon ng sisig, kung minsan ay mayroon itong mayonnaise, utak ng baka, o simpleng kalamansi ang ihinahalo. Ang kanilang sisig ay simple ngunit malalaman mo kung bakit ito binabalik balikan. Hindi tinitipid sa mga pangsahog at sa pampalasa, pero papatok sa panlasa. Heto na ang swak na sisig para sa 60 pesos mo!
Rating: ⭐⭐⭐⭐⭐
Fish Fillet
Para sa naghahanap ng pagkain na gawa sa isda. Ito ang mairerekomenda ko. Fish Fillet, Cream Dory pero hindi malansa ang pagkakaluto. Ibinababad raw nila ito mabuti para mawala ang lansa ng isda. Isawsaw pa sa kanilang sweet and sour sauce, sa tingin ko ay magugustuhan ito maski mga bata.
Rating: ⭐⭐⭐⭐⭐
Chicken with Gravy - 40 pesos
Kapag may pritong manok ay una kong hinahanap ang gravy. Unang tikim ko pa lang ng gravy ay nalasahan ko agad ang mga inihahalo nila rito. Maikukumpara ko ang lasa ng kanilang gravy sa lasa ng mashed potato na may gravy pero ito, pinagsamang lasa. Gaganahan ka talagang kumain. Tama rin ang pagkakaluto ng fried chicken, hindi makapal ang breading at mainit pa kapag inihain.
Rating: ⭐⭐⭐⭐⭐
Marami pa akong natikman na gusto kong ibahagi sa inyo pero bibitinin ko muna kayo ng bahagya para kayo naman ang tumikim at makapagsabi na masarap nga ang kanilang mga luto dito. Sabi nga sa imahe na gusto nila iparating sa mga tao... "'Di raw sosyal, pero pwede na rin." Ngunit para sa akin... "hindi nga sosyal ang lugar, pero binabalik-balikan ang pagkain nila rito."
Ano ang sikreto ng kanilang negosyo? Ayon sa may ari... "wala naman talagang sikreto pero hindi dapat tipirin ang sangkap, dahil kapag tinipid mo ang mga sangkap, magsa-suffer ang lasa ng pagkain."
Isa pang napansin ko rito ay ang kanilang mga crew. Mga kabataan pa ang karamihan dito, napag-alaman ko na ang iba sa kanila ay mga scholar, out of school youth at ang iba ang galing ng iba't ibang probinsya gaya ng Bicol, Isabela at Zambales. Bakit? Ayon sa mga may ari ng food bridge na sina Sir Amang at Ma'am Charito Dela Cruz. Gusto nila matulungan ang mga kabataan na hindi maging sakit ng ulo ng kanilang mga magulang at pati na ng ating lipunan. Maiiwas sa masamang bisyo at masamang barkada.
Sa pagnanais nila na makatulong din sa mga scholars, sila mismo ang nag-aadjust ng oras ng kanilang schedule sa kanilang trabaho para makapag aral parin ang mga kabataang ito. Parang pamilya ang turingan nila. Nakakatuwa ang iba't ibang mga istorya nila. Kung sa iba ay nagde-descriminate ng mga tomboy o bakla o may kapansanan, dito ay gusto nila na sila ay matulungan. Sabi nga niya, kahit nga raw may mag-apply na pipi o bingi ay tatanggapin nya ito para makapagtrabaho. Ang dahilan nya, hindi naman daw binabase ito sa kung anong kapansanan ng tao, mas importante ang personalidad. Ang kagustuhan ng tao na makapagtrabaho. Sa ngayon ay mayroon silang 25 na tauhan na nagrerelyebo 24 oras na operasyon ng kanyang kainan. Sana ay dumami pa ang mga ganitong mga nagtatayo ng negosyo na ang layon ay makatulong sa mga kabataan para hindi maging sakit ng lipunan. Saludo po ako sa inyo Ma'am at Sir.
Para sa mga gusto ng "Unli" at talagang sulit na kainan, magkakaroon ang Food Bridge ng Eat-all-you-can buffet. Alamin ang mga oras ng kanilang buffet. Magplano at dalhin na ang buong pamilya at barkada dahil maghahanda sila ng mahigit 15 putahe kasama na ang kanilang panghimagas o dessert. Narito ang mga presyo ng kanilang buffet. Kita kita tayo sa December 10!
Para sa iba pa nilang pakulo...
i-click at i-like na ang kanilang Facebook page : Food Bridge