Sunday, January 22, 2017

BITOY's Chili Garlic

BITOY's Chili Garlic
Anghang na Nagbibigay Gana sa Pagkain


     Mahilig ba kayo sa mga maaanghang na pagkain? Sa tuwing kakain ba kayo ay naghahanap kayo ng sawsawan na maanghang? Oo, Sili nga ang tinutukoy ko, ano pa nga ba? Dito sa ating Bayan ay may nadiskubre na naman akong bagong kahihiligan ninyo. Ang Bitoy's Chili Garlic!


     Dito sa ating Bayan ng Baliwag ay nakilala ko ang gumagawa ng masarap na Chili Garlic. Si Sir Victor Buenaventura na mas nakilala sa kanyang paggawa ng Bitoy's Chili Garlic. Espesyal ang kanyang Chili Garlic dahil talagang inaral niya ang paggawa nito. Malalaking mga siling labuyo at bawang ang kanyang ginagamit at matagal niluluto (literal na inaabot ng ilang oras) para tumagal bago ma-expire ang kanyang produkto. 



     Nagpunta ako mismo sa kanilang tahanan, kung saan, dito rin niya ginawa ang Bitoy's Chili Garlic at nakita ko kung gaano ka-tagal ihanda ang mga sili at bawang bago ito lutuin ng mahigit dalawang oras. Ayon kay Sir Bitoy, matagal bago niya na-perfect ang kanyang Chili Garlic. Paulit-ulit na pag-subok hanggang sa nakuha niya ang tamang timpla at luto nito. Kaya naman pala masarap unang tikim ko palang, nasubukan ko na isawsaw ang aming ulam. (Porkchop (Fried, inihaw, sizzling), sa Siomai, at kahit ano pang maisip mo, kahit saan bagay na bagay talaga ito!) May tamang anghang na tiyak na gaganahan kang kumain!

--- Kung sabagay nga naman, maging sa buhay natin ay kailangan paulit ulit nating gawin ang bagay bago natin ito makuha ng tama. Kailangan talaga ng tiyaga kung gusto mong magtagumpay. 


Si Sir Victor Buenaventura ng Bitoy's Chili Garlic
Pero teka, sawsawan nga lang ba talaga ang sili? Nag-research ako at napag-alaman ko na ang sili pala ay nakaka gamot ng iba't ibang sakit. Paano? 


Ayon kay Doc Willie Ong, ito ang iba't ibang benepisyo ng sili sa katawan ng tao:


1. Para sa may diabetes – Ayon sa pag-aaral sa hayop, posibleng mapigilan ng sili ang pagkakaroon ng diabetes. Nakita din na nagpapababa ng blood sugar ang sili.

2. Pampapayat – Ang sili ay nagpapabilis ng ating metabolism at nagpapainit din ng katawan. Dahil dito, mas madali tayong makakatanggal ng calories (burning calories) para pumayat.
3. May tulong cholesterol at sakit sa puso – Ayon sa pag-aaral, maaaring mapigilan ng sili ang pagbabara sa ugat ng puso. Nagpapababa din ang lebel ng bad cholesterol sa ating katawan.
4. Nagpapaluwag ng baradong ilong dulot ng sinusitis at sipon.
5. Pang-alis ng sakit sa katawan – Ang sangkap na capsaicin ay puwedeng makaalis ng sakit sa katawan. Ang sili ay ginagawang pampahid sa masakit na joints at arthritis.
6. Marami pang pinag-aaralang benepisyo ang sili. Nalaman din na posibleng makapigil sa kanser tulad ng prostate cancer.

*Para sa may almoranas, konti lang ang kainin na sili. Puwede din piliin ang siling hindi gaanong maanghang. Wala pang malinaw na rekomendasyon kung gaano karaming sili ang kakainin.



O, alam nyo na ha! Hindi lang masarap na sawsawan, may health benefits din ang pagkain ng sili bukod pa sa dagdag na benepisyo ng Bawang sa katawan ng tao. 

Ang masarap na Bitoy's Chili Garlic ay mabibili sa Baliwag Pasalubong Center (Farmer's Trading Center - DRT Highway, Baliwag, Bulacan). Maaari ring magtext o tumawag sa 0943-019-4268

Facebook page: https://www.facebook.com/BitoysChiliGarlic/




No comments:

Post a Comment