LUIS Grill and Restaurant
Sarap na #OnlyAtLuisGrill
Naniniwala ako na bawat barangay dito sa ating bayan ay may kanya kanyang pinagmamalaki. Matatandaang minsan ko na rin ipinakita sa inyo ang mga kainan sa San Jose, Poblacion, Pagala at ngayon naman ay napadpad ako sa barangay Tangos. Di kalayuan sa munisipyo ng Baliwag habang binabagtas ang kahabaan ng B.S Aquino Avenue, Barangay Tangos, sa bandang kanan ay may pumukaw ng aking pansin. Marahil dahil sa ito ay maraming ilaw at lutang na lutang ang ganda ng kanilang lugar lalo na kung gabi. Kapansin pansin din ang kanilang "ihaw-ihaw stand" sa harap ng kanilang tindahan. Sa isip ko, pwede palang kumain ng iyong paboritong mga inihaw na pagkain na nabibili madalas sa plaza at kainin sa kanilang napaka gandang restaurant na may aircon pa! Ang tinutukoy ko ay ang LUIS Grill and Restaurant. Hayaan ninyong kwentuhan ko kayo sa pagpunta ko sa kanilang restaurant.
Pagpasok ko pa lamang sa kanilang tindahan, masasabi kong simple ngunit elegante ang disenyo mula sa kanilang mga dekorasyon, mga gamit, kurtina, telebisyon na maaari kang manood o mag-videoke at may gitara rin sila kung gusto ninyong magkantahang magpapamilya, magkakaklase, magkakatrabaho, o magbabarkada. Malamig din at magiging kumportable ang inyong pagkain at pag-bonding dahil malakas ang kanilang aircon at mayroon pang malakas na WiFi.
Una kong sinubukan ang kanilang Coffee Shake with Ice Cream. Inumin palang ay alam ko na, lalo ako natakam sa mga iba pa nilang putahe. Sa pagkakataong iyon, gusto kong kumain ng kakaibang lutuin. Halos lahat ng aking nakita sa kanilang menu ay katakam-takam talaga. Una nilang ihinain ang "LUIS Palabok Rice", namangha ako dahil para ka talagang kumain ng palabok at kanin na pina-isa. Tiyak kong bago para sa ilan sa inyo ang "Sizzling Beef Sinigang". ----- Ha??? Sinigang na, ginawa pang sizzling? Oo, tama ang nabasa ninyo. Maski naman ako ay hindi ko naisip na pwede pala na pagisahin ang sinigang at sizzling. Ano namang ang lasa? ----- may sarsa siya na kapareho ng mga ordinaryong sizzling ngunit may lasa ng sa sinigang, may gulay ng sinigang at ang baka na ginamit ay talaga namang napaka lambot. (sa tingin ko, babalik-balikan ko ito!) Isa pang specialty nila ay ang "Seafood Kare-Kare" na pinagsama-samang tahong, calamares (pusit), hipon at Cream Dory. At alam nyo kung ano ang katambal ng Kare-Kare? ----- Bagoong! Sila mismo anng gumagawa ng kanilang masarap na bagoong kaya naman naisipan rin nilang magbenta ng mga naluto nang bagoong. Ang kanila namang "Buffalo Wings" (klase ng luto sa manok) na kombinasyon ng tamis at kaunting anghang sa bawat piraso ng manok. Ilan lang ito sa napakaraming putahe na kanilang inihahain sa LUIS Grill. Akala ko ay tapos na ang aking pagkain nang makita ko ang kanilang dessert na "Crunchy Caramel Saba with Vanilla Ice Cream". Sa pangalan palang ay sigurado kong hindi ko na kailangan pang isa-isahin ang mga isinahog dito. Tamang tama ang saging na saba upang mabalanse ang lahat ng kinain ko. Sobrang nabusog talaga ako at hindi ko natiis na bumili at mag-uwi pa nng kanilang bagoong.
Coffee Shake with Ice Cream |
LUIS Palabok Rice |
Sizzling Beef Sinigang |
Seafood Kare-Kare |
Spicy Buffalo Wings |
Crunchy Caramel Saba with Vanilla Ice Cream |
Ang kanilang napakasarap na Bagoong |
Natakam ba kayo sa mga nabanggit ko rito? Punta na tayo sa LUIS Grill and Restaurant. Tikman ang sarap #OnlyAtLuisGrill
Bukas ng LUIS Grill and Restaurant araw-araw mula 9am-10:30pm, tumatanggap rin sila ng catering para sa kasal, binyag, birthday, seminar, anniversary o anumang okasyon.
Tawagan lamang sila sa kanilang contact number: 0943-1291006 / (044) 797-3486
I-follow na sila sa kanilang Facebook page: LUIS Grill and Restaurant
Bencar Building, Stall 1 & 2, Brgy. Tangos, Baliwag, Bulacan
No comments:
Post a Comment