Aaminin ko hindi ako fan ng Jollibee pero nasubukan ko ang kanilang serbisyong maayos at mabilis. Hindi ako makalabas ng bahay dahil sa aking trabaho. Hindi rin maganda ang aking pakiramdam para makapagluto para sa aming pamilya. Wala akong landline na telepono kaya naisip ko na subukan ang kanilang online ordering. Nagregister ako sa http://jollibeedelivery.com/ akala ko sa Maynila lang mabilis ang kanilang serbisyo.
Sinubukan ko i-click ang mga gusto kong pagkain at naghintay ako ng sagot sa aking email at telepono. Naaalala kong bandang 5:20 'yon ng hapon. Agad namang nag respond sa email ko na kasalukuyang pinoproseso nila ang aking order.
Makalipas ang tatlong minuto nkatanggap na nman ako ng email na 5:25 daw ang oras sa kanila at bago mag tatlumpung minuto ay narito na ang order ko. 5:40 ng tumawag sa cellphone ko ang delivery boy na kinukumpirma ang address ko at papunta na raw siya. 5:50 ay narito na sa tapat ng aming bahay ang aking Jollibee Delivery! Wala pang trenta minutos!
Agad na sinabi sa akin kung ano ang mga order ko, at bago nya inabot sa akin ang order namin na pagkain. Sinabi ng delivery boy na "Mam. sandali po mag-sanitize lang po ako ng kamay." Agad nyang kinuha ang hand sanitizer sa kanyang bag at nagspray sa kamay nya. Inabutan nya rin ako ng wet wipes. Kumpleto ang mga order ko, mainit pa at malinis ang mga lalagyan. Sakto rin ang sukli sa sinabi ko na dalahin na panukli sa 500 pesos. Bago sya umalis ay may inabot pa sa akin na dental floss.
Alas sais ng gabi (6PM) ay nakakain na ng hapunan ang mga anak ko. Hindi ako nahirapan mag-order at mag follow-up. Kahit pala nasa malayong lugar ay nararating ng delivery nila. Maayos ang pagdala ng pagkain, mabait at magalang ang delivery boy. Hindi ko nga lang nakuha ang pangalan nya. Para sa inyong reference ito ang aking customer reference number (order # 102111288) Sa Jollibee Baliwag, binabati ko kayo, maayos ang training ng mga tauhan ninyo at maraming salamat sa maayos na serbisyo. Fan na ako ngayon ng Jollibee lalo na ang delivery ninyo!
"Ang Kooperatiba ay kaagapay ng pamahalaan upang maitaas ang ating ekonimiya..." - Mayor Ferdie V. Estrella
Pinagdiwang noong Lunes (Oktubre 24, 2016) ang Buwan ng Kooperatiba kung saan itinampok ng iba't ibang grupo ng kooperatiba ang kanilang mga produkto. May mga booth sila upang doon ipagsama sama ang kanilang mga pinagmamalaking produkto at maka-enganya pa ng mga miyembro. May kooperatiba na para sa mga magsasaka, para sa vegetable at fruit farming, processed food, meat and poultry products at iba pa. Panoorin ang maikling video ng lahat ng booth na nakita ko.
Nag-interview ako ng ilan sa mga booth na nakita ko. Maraming palayan dito sa atin kaya naman naging interesado ako alamin ang tungkol dito. Marami din pala ang klase ng mga bigas, may mga code sila na numero pero kabisado nila kung alin ang sinandomeng, dinorado at iba pa. Ayon kay Sir Rodolfo Fabian na B.O.D. ng Bulacan Seed Growers, mas mabili raw ang klase ng bigas na 216 at 218. Ito raw ang klase ng bigas na mas mahal o espesyal. Sa taya nila, may mahigit sandaang klase ng bigas na inaani rito sa atin. Marami na ang magsasaka na miyembro na ng kanilang kooperatiba. Sa tulong ng ating mapamahaalan sa mga magsasaka, nakukuha nila ang mga binhi sa mas mababang halaga, at sinisigurado na "high yielding" ang mga binhi upang magkaroon sila ng sapat na kita.
Dumako naman tayo sa mga prutas at gulay. Nakakatuwa tingnan na meron pala tayong mga naglalakihang mga kalamansi. At ang suha, akala ko ay sa Davao lamang tumutubo ng maganda. Tignan nyo na lamang itong mga litratong ipapakita ko at kayo na mismo ang makapagsasabi na mayaman pala ang lupa natin dito sa Baliwag.
Mula naman sa Baliwag Federation of Multipurpose Cooperative ay nakausap ko si Ms. Yeth Cruz (General Manager) at Ms. Violy Santiago (Chairman). Ang kanilang pangunahing produkto ay mga processed meat products gaya ng Bacon, Chicken Tocino, Longanisa, ham at iba pa. Nakakakuha ang kanilang mga miyembro ng mga produkto sa murang halaga na siyang naibebenta upang maging pandagdag sa pangkabuhayan ng mga miyembro. Mayroon din silang inire-repack na mga binusang mani o "Beer Nuts" ng GENYSYS kung tawagin nila. Natikman ko ito at masarap nga dahil nababalutan ng bawang at asin. Hindi masyadong maalat at hindi rin mapait dahil sa bawang.
Maraming pang mga produkto na hindi ko nabanggit ngunit lahat sila ay gumaganap bilang malaking tulong sa ekonomiya natin at tulong din sa pangkabuhayan ng mga miyembro. Ikaw? Miyembro ka na ba ng isang kooperatiba?
Isang pagdiriwang ng United Nations Day ang ginanap kamakailan sa SM City Baliwag. Oktubre 22, 2016 Sabado, ng naglabasan ang mga cute na cute na bata galing sa iba't ibang paaralan sa Baliwag ang nagpakita ng galing at suot ang natatanging kasuotan ng iba't ibang bansa. May temang "Experience the World at SM Supermalls : Costume and Talent Competition." Pumarada sa buong mall ng SM Baliwag ang mga bata suot ang kanilang makukulay na National Costume. Ilan sa mga batang ito ay nagmula sa ESL Learning Center, Montessori De Sagrada Familia, St. Dominic Academy, Marian College of Baliuag, at Baliuag North Central School. Nagpakitang gilas din sila sa kanilang mga talento, ang iba ay kumanta, sumayaw at mayroon pa ngang tumutugtog ng Violin habang sumasayaw.
Ms. Japan
Ms. Egypt
Mr. Germany
May mommy din akong nakitang terno ang kanilang United Nations Day #OOTD
Ang cute 'di ba?
Narito ang ilan sa mga pictures at video na pinagsama-sama ko sa naganap na United Nations Day event.
At dumating na ang pinakahihintay ng lahat, ang inanunsyo ang mga nanalo sa costume at talent. Narito ang pictures ng mga nanalo sa Best in Costume, Best in Talent at iba pang awards. Nagkamit ng mga Gift Certificates mula sa SM Supermalls (SM Baliwag) ang mga batang nagwagi.
Congratulations sa mga bata na nagwagi at ganun din sa kanilang mga proud parents. Para sa susunod pang mga events ng SM City Baliwag i-like lamang po ang kanilang Facebook page:
Oktubre 22, 2016 (Sabado) - Naganap muli ang ika-4 na Town Wide Clean up drive na sinimulan sa Daang Bakal, Barangay Concepcion, Baliwag. Ganap na alas-6 ng umaga, nakakatuwa na marami ang nagnanais na magtulong-tulong para patuloy na maging malinis ang ating bayan. Kaisa sa hangarin na ito ang ating Punong Bayan na si Mayor Ferdie V. Estrella. Bawat sulok ay dinamuhan, winalis ang mga kakalsadahan, tinanggal ang mga basura na nagbabara sa patubig. Mula sa iba't ibang sektor ng pamahalaan, guro, estudyante, mga grupo ng siklista, mga boyscout at girlscouts, grupo ng iba't ibang samahan, mamamayan na nakatira sa paligid ng Barangay Concepcion at mga bata na gustong - gusto na tumulong ay nakibahagi rin sa paglilinis. May mga ibang grupo pa na hindi ko nabanggit ngunit maraming maraming salamat po sa inyong lahat.
Ramdam ko ang pagkakaisa at pagtutulungan. Walang malaki o maliit na gawain, lahat ay ginagawa ang kanilang parte bilang isang mamamayan ng bayan ng Baliwag. Ang iba ang nag-aalis ng mga damo, nag-aahon ng mga basura sa patubig ang mga kalalakihan, nagwawalis ang mga kababaihan at ang iba ay taga-silid ng mga basura sa sako. Umaga lamang ito ginawa ngunit sa dami ng mga nakiisa ay mabilis natapos ang gawain. Narito at tignan ninyo ang video ng kaganapan kaninang umaga.
Matapos ang gawain, may pa-merienda pa na lugaw at tinapay, malamig na tubig upang mapawi ang uhaw habang nagtratrabaho. Simple man ito pero napakasaya at napaka sarap sa pakiramdam na maraming nagtutulong-tulong para sa isang layunin. Abangan ang susunod na schedule ng Clean Up Drive para sa buwan ng Nobyembre. Sama-sama po nating linisin ang ating bayan.
"...naniniwala po ang inyong lingkod na kapag malinis ang kapaligiran ay malusog po ang ating pamayanan. Muli sa inyong lahat, maraming maraming salamat po."
Halos dalawang buwan pa lamang mula nang nakita ko sa Facebook page ng Nailaholics ang kanilang poster na magkakaroon sila ng Libreng Manicure at Libreng Hand Massage. Hindi na ako makapag hintay! Oo, isa ako sa mga nakiki-"Like and Share" sa mga promo nila kung saan pwede kang manalo ng mga libreng nail polish, oil at mayroon pa ngang mga tickets para sa theme park. Talaga namang bawat post nila ay nila-like at nai-share ko na. At hindi ako nabigo, nanalo ako ng China Glaze Nail Polish - apat na araw bago mag National Pampering Day! Ang saya ko! Sabi ko iyon ang gagamitin at ipapalagay ko kapag nagpa manicure na ako para makita ko kung bagay sa kuko ko. Isang linggo bago bago mag National Pampering Day, nakita ko sa Facebook page ng Nailaholics na available na ang mga tickets sa SM City Baliwag Branch, agad akong pumunta at kumuha ng ticket ko. Siyempre naman masarap kapag libre (aminin... gusto nyo din ng mga FREE!!!) at makakapag bonding pa kami ng mga kaibigan ko. Buti na lang at naka abot pa kami bago maubos ang ipinamimigay nilang ticket.
Oktubre 17, 2017 - Dumating na rin ang araw na pinakahihintay naming magka-kaibigan (mga classmate ko sila noong college). National Pampering Day na sa Nail.a.holics SM City Baliwag. Maaga kami ng mga kaibigan ko sa Nailaholics. Excited na kami sa Free Manicure namin! Kaya naman nai-video at nakuhanan ko ng mga pictures ang mga nagpunta rin at gustong maka experience ng libreng manicure kagaya namin.
Panoorin nyo ang video ko, baka isa rin kayo sa mga nakulit ko para magpa-picture at nainterview ko pa!
Mahusay ang kanilang service dito. Hindi nga ako nasugatan o ika nga ng iba eh, "Na-Murder" hahaha! Magagaan ang mga kamay nila at kahit malalim pa ang "ingrown" mo sa kuko ay buong ingat nila itong naiaalis para hindi na mamaga ang iyong mga daliri. Sanitized din ang mga kagamitan nila dito kaya hindi ka mag-aalala na maimpeksyon ang kamay at paa mo. Habang nililinis pa nila ang aming kuko, ang sarap pa sa pakiramdam ng kanilang napaka-relaxing na music. Isang lugar nga ito na habang naaalagaan ang iyong mga kuko, ay nakakapag-relax ka pa. Okay din kung may kasama kang mga kaibigan o pamilya. Pang "Bonding" activity din kasi rito.
Ito yung napanalunan ko sa contest nila sa Facebook - China Glaze Nail Polish At ito na rin ang ipinalagay ko sa kuko ko.
Maraming salamat sa mga Nailaholics SM City Baliwag, kay Ms. Anna Lauren Abergas (Ang mabait at magandang Manager ng Nailaholics SM Baliwag), ganun din sa mga mababait at maasikaso niyang staff at yung ibang customers na naka kulitan ko habang nagpapa-manicure.
Kita Kitz' ulit tayo sa susunod na National Pampering Day!
Kay bilis ng araw at naka sandaang araw na pala ng panunungkulan ang ama ng Baliwag na si Mayor Ferdie V. Estrella. Naalala nyo ba na noong nangangampanya pa lamang sya ay mayroon siyang mga plataporma partikular sa Edukasyon at kabataan, Pagkabuhayan, Peace and Order, Health at Social Services, Good Governance, Environment at Infrastructure. May nagawa ba o may naumpisahan kaya alinman sa mga ipinangako nya? Maaaring mabilis at saglit ang sandaang araw, at hindi rin ito magiging madali para sa ating Mayor subalit sa mga nabanggit nya sa kanyang talumpati kahapon (Oktubre 15, 2016) sa Baliwag Star Arenaay malalaman natin kung ano-ano na ba ang nagawa sa maikling araw na iyon. Iisa-isahin ko sa inyo kung ano ang tinalakay sa kanyang talumpati.
Serbisyong May Malasakit
"Iyan po ang puso at diwa ng aking sinumpaang paglilingkod. Iyan po ang sa araw-araw ay naguudyok sa akin upang mapaglingkuran kayo ng magiliw, maagap at mahusay. Paglilingkod na maaasahan at magkakatuwang na ginagampanan. Ito ang kulturang pinasimulan at unti-unting ipagpapatuloy. Aaminin ko, hindi pa po ito perpekto, dahil higit sa pamamaraan at sistema ang binabago natin ay kultura ng paglilingkod. Hindi po ito madali, pero handa tayong maghintay, handa tayong magsakripisyo, handa tayo sa pagbabago dahil ito ang kailangan, ito ang nararapat."
- Mayor Ferdie Estrella
Sa unang buwan ng kanyang panunungkulan ay inanyayahan ang iba't ibang sektor upang magsagawa ng kosultasyon. Ipinatawag at nakinig sa mga puna, suhestiyon at hinaing ng mga market vendors, mga miyembro ng TODA, school heads and teachers, student government, youth community leaders at mga kinatawan ng barangay. Ginawa ito dahil gusto ni Mayor Ferdie na bukas at may malayang ugnayan ang pamahalaan at ang mamamayan.
Serbisyong May Malasakit Hotline (0917-505-STAR (7827)) Ito ay pinamumunuan ng Public Assistance and Complaint Center. Mula sa unang araw na maisapubliko ang numero na ito ay nasa 10-20 na ang tawag ang natatanggap at halos 15-20 text messages ng mga sumbong, reklamo at mungkahi ang kanilang natatanggap sa Malasakit hotline at ang lahat ng ito tinutugunan ng karampatang aksyon gaya ng inireklamong baradong kanal sa likod ng Super 8, sa barangay Poblacion na binabaha kahit hindi umuulan. Isinangguni agad sa Municipal Engineer na umaksyon agad at inalis ang bara sa daanan ng tubig at sinemento pa ang sidewalk pavement. Rescue 5 Sa ilalim ng Risk Reduction and Management Office. Personal na nakita ni Mayor Ferdie ang pagpapasalamat at pagbati sa Facebook ng mahigit sa 200 na kababayan natin dahil sa agarang pagresponde at pagtulong sa mga naging biktima ng aksidente, pagbaha, sunog at iba pang sakuna sa loob lang ng limang minuto. Baliwag Lost & Found Nagpaigting sa ugaling matapat ng mga Baliwagenyo. Halimbawa ay noong may nawalan ng iPhone 6Plus at madali itong naibalik sa may-ari. Document Tracking System Naging sagot upang maiwasan ang matagal na pagproproseso ng mga dokumento at ma-track o makita kung saan ito nabibinbin. Biometrics with HR (Human Resource) Information System Dinisenyo upang magkaroon ng maayos na database ang munisipyo ng lahat ng impormasyon patungkol sa mga empleyado. Local Area Network (LAN) Nag-upgrade ng internet connection ang munisipyo mula 5mbps ngayon ay aabot na sa 40 hanggang 100mbps. Nagkabit rin ng maayos na LAN (Local area Network) upang masiguro na malakas ang internet sa bawat opisina. At para matiyak rin na walang magaabuso sa paggamit nito. At dahil mas mabilis ang connectivity, mas mabilis ang komunikasyon at pagroproseso ng mga dokumento. Dahil iisa na lamang ang pinagkukunan ng internet connection, ay makakatipid ang pamahalaan at ang matitipid na pera ay ilalaan sa ibang proyektong angkop sa pangangailangan ng nakararami. Computerized Services Para sa pagkuha ng business permit, birth certificate at ipa pang dokumento na ibinibigay ng munisipyo dahil narito na tayo sa panahon na automated o isang "click" na lamang ang mga transaksyon sa pamahalaang bayan na tugma sa ating bisyon na ang bayan ng Baliwag ay maging sentro ng Technological Advancement sa buong rehiyon ng Bulacan.
Go WiFi Sinimulan noong Setyembre kung saan nilagyan ng libreng WiFi access ang Glorietta Park ka-partner ang Globe Telecoms. Tunay na maipagmamalaki ito sapagkat ang ating Glorietta Park ang kauna-unahang pampublikong lugar na naging WiFi zone, sa buong lalawigan ng Bulacan. Park Development Sinimulan na ang pagsasaayos ng mga panguahing parke sa Baliwag tulad ng Heroes Park at Glorietta Park, upang magsilbing pahingahan ng mga kabataan at mag-anak. Malinis at maluwag na ang Heroes Park ngayon. Pinagana rin ang fountain sa Glorietta Park at pinailaw ang Baliwag Clock Tower na naging sentro ng kalakalan at komersyo at ito ang kau-unahan sa lalawigan na nagtatampok ng iba'ibang kulay o LED lights base sa okasyon na ipinagdiriwang sa bawat buwan. Traffic Management Bumuti ang usad ng trapiko sa paligid ng Glorietta pati narin sa buong bayan ngayon. Naging posible ito dahil sa ipinatupad na clearing operations, upang alisin ang mga traffic obstructions sa Glorietta, Public market, sidewalks at mga establisimyento sa kahabaan ng B.S Aquino Avenue gayon din sa mga secondary roads. Ipinatupad rin ang re-routing ng mga pampasaherong tricycle at mahigpit sa pagpapatupad ng batas gaya ng no loading at unloading zones, maging sa no parking at double parking. Naglagay ng mga traffic enforcers sa mga junctions, busy streets gaya ng mga tapat ng paaralan, ospital, palengke at iba pang lugar. Ipinagbawal rin ang mga kolorum na tricycle. Para maresolba ang ilegal na pagpaparada ng sasakyan, kinausap ang mga nagmamay-ari ng limang pribadong lupa sa St. Augustine, Gil Carlos St., R.E. Chico St., Bagong Nayon at Donya Enriqueta para mai-convert sa parking ng mga pribadong sasakyan. Libreng Sakay Para sa mga naapektuhan ng mahabang lakarin sa pagsasaayos ng trapiko, ay naglagay ng limang 8-seater golf cart ang ngayon ay nagbibigay ng libreng sakay partikular sa mga senior citizen, PWD, at mga buntis na siyang prioridad sa nasabing sasakyang umiikot sa public market at mga TODA terminal sa Poblacion. Service ID sa TODA Isinasaayos din ang pamunuan ng mga TODA at nagbigay ng Service ID upang makilala ang lahat ng lehitimong kasapi na driver at ganun din para sa proteksyon ng mga pasahero. Pinagusapan na rin at ipinatupad ang Fare Matrix para magkaroon ng Standard na Fare Rate at computation sa pamasahe. Gusto ng pamahalaan ang "Win-Win solution para sa mga driver at pasahero - Tamang pamasahe, Tamang kita, Lahat masaya."
High FVE sa Barangay, Serbisyong May Malasakit Caravan Full force ang mga nasa munisipyo na bumaba sa mga barangay bitbit ang mahahalaga at napapanahong serbisyo na inilalapit sa mga residente ng libre gaya ng libreng medikal at dental consultations. Libreng bunot, libreng patingin sa mata, libreng gamot, libreng pananim na prutas at gulay at libreng bakuna sa aso. Serbisyong hindi lang may malasakit, pampa-good vibes pa dahil libre ang gupit, masahe, facial, manicure at pedicure, footspa at pati na rin ang zumba. Pwede ring kumuha ng cedula, pagproseso ng permit, humingi ng payong legal at kumonsulta sa mga problema sa birth and marriage certificate registration. Palit Basura at Palit Load Project Naglalayong i-promote ang solid waste management sa mga kabahayan sa pamamagitan ng pagpapalit ng mga grocery items o cellphone load sa mga basurang maiipon ng taong bayan. Aid to Individuals in Crisis Situation (AICS) Sa tala ng Community Affairs Office, nasa 3,889 na kababayan na natin ang natulungan sa pagpapagamot at iba pang suportang medikal, gaya ng laboratoryo, animal bite at pinansiyal. Nagrefer din sa PCSO at inilalayan ang ibang kababayan natin sa ospital sa Malolos, Maynila. Senior Citizens Nagbigay ng mas mararamdamang kalinga sa mga Senior Citizens at pagpapalawig ng mga benepisyong kanilang natatanggap galing sa munisipyo, gaya ng Birthday Meal Package na mula 200 pesos ay naging 300 pesos na maaari nang ma-avail sa Jollibee, McDonald's, Greenwich, Chowking at Max's. Ibinalik na rin sa dalawang beses kada linggo ang libreng sine para mas maraming pagkakataon na makapaglibang ang ating mga lolo at lola. Hatid Kalinga na kung saan munisipyo na mismo ang maghahatid sa tahanan ng kanilang pag maintenance na gamot para sa hypertension at diabetes sa pamamagitan ng mga FVE Agents. Baliwag Benefits Card para sa mga Senior Citizen, PWD at Solo Parents. Maari itong magamit na discount card, debit card sa mga ka-partner establishments. Ito narin ang kakailanganin para sa lahat ng transaksyon. Ang Baliwag ang kauna-unahang magpapatupad ng proyektong ito sa buong bansa. Baliwag Malasakit and Specialty Center Binigyan ng bagong mukha ang bagong gusaling ipinatayo ng dating
administrasyon upang higit na mapakinabangan ng mas nakararaming
nangangailangan na Baliwagenyo. Magsisilbing tahanan ng mga kababayan natin na dumaranas ng stroke, arthritis, diabetes at encephalitis dahil naglagay ito ng rehabilitation facility na magkakaloob ng free physical therapy upang maibsan ang paghihirap at panghihinang piagdaraanan ng mga pasyente. Animal Bite Center - Coming Soon, at libre ito para sa mga nangangailangan ng anti-rabies vaccine. Institutional Partnership Isang istratehiya para maserbisyuhan ang mga kababayan na hindi masyadong gugugol ng pondo sa kaban ng bayan. Para sa pangangalaga sa ngipin, nakipag-partner sa Centro Escolar University sa Malolos (College of Dentistry) kung saan dito dadalhin ang mga indigent dental patients ay maaring makatanggap ng free corrective at rehabilitative dental services gaya ng dental cleaning, root canal, dental filings o pasta, at dentures o pustiso.
Mass Deworming / Feeding Program Itinuloy ang mass deworming para sa 18,919 na bata kung saan tayo ay kinilala bilang ikatlo sa may pinakamataas na accomplishment sa buong Bulacan. Itinuloy rin ang Supplemental Feeding Program para sa 271 na batang natukoy na malnourished hanggang sa maiwasto ang kanilang timbang. Baliuag Chamber of Commerce Inilunsad ang "Sitting Pretty campaign" kung saan ipadarama sa mga negosyante kung gaano kadali, kabilis, kasaya at kapaki-pakinabang ang pamumuhunan sa ating bayan. Sisterhood sa Valenzuela City Makikinabang ang Baliwag sa mga kaalaman, proseso at teknolohiya na ibabahagi ng Valenzuela sa atin. Partikular sa Investment, Early Childhood Care Development, Disaster Preparedness at Revenue Generation. Ito ang ating kauna-unahang sister city ngunit isusulong pa ang sister cityhood sa Makati City at San Fernando City para mai-adopt din natin sa Baliwag ang mga ipinagmamalaking "Best Practices" nila sa local governance. Para dumating ang panahon na taas noo nating masasabi na - "Ganito kami sa Baliwag." Bahay Pagbabago Napasabak ang Peace and Order Council at Municipal Anti Drug Abuse Council sa pagbabalangkas ng Peace and Order plan at paglalaan ng pondo para suportahan ang "Oplan Tokhang" ng Baliwag PNP. Nakapagtala ng mahigit 500 surenderees at biktima ng ipinagbabawal na gamot. Mahigit 30 sa mga ito ang Drug Pushers. Nagdaos din ng "Surprise Drug Testing" sa mga kapulisan at mga kawani ng munisipyo partikular ang mga nasa hanay ng traffic enforcement, sanitation, MDRRMO at maintenance upang ipakita na seryoso rin ang pamahalaan sa paglilinis ng sarili nilang tahanan. Inilunsad din ang Bahay Pagbabago (Drug Reformation Center) na magiging kanlungan ng mga biktima ng droga na nais magbagong buhay. Libre po ito para sa mga taga Baliwag. Ayon sa Deputy Officer ng PNP Region III, ang ating pasilidad ang pinakamaayos na reformation center na nakita niya sa buong Central Luzon. Infrastructure Isasaayos ang Baliwag Star Arena upang maging mas kaaya-aya ang pagdadausan ng mga malalaking okasyon. Isinulong na rin ang paunang hakbang para sa dalawang malalaking proyekto kabilang dito ang pagbili ng 6,000 sqm na lupa para sa itatayong Sta. Barbara High School at San Jose -Tumana road widening project. Government Center - (Coming Soon) kung saan mataatagpuan rin ang Star Arena, Baliwag Malasakit Center, Baliwag Fire Station, at ang bagong gusali ng Baliuag Polytechnic College para mas maraming kabataang Baliwagenyo ang libreng makapag aral dito na sisimulan na sa pagpasok ng second semester. Edukasyon Nakipagpartner ang pamahalaan sa Synergeia Foundation, na kilalang champion sa pagsusulong ng Quality Education upang tulungan ang pamahalaan na palakasin ang School Governing Board na mapababa ang "Drop out" at mapataas ang retention rate sa ating pampublikong paaralan. Pinirmahan na rin ang pagbibigay ng scholarship sa mga guro ng pampublikong paaralan na nais mag-aral ng post graduate studies o Master's. Ito ay tulong gobyerno upang matulungan ang mga guro na maibsan ang gastusin at pataasin ang kanilang ranking o promotion bilang mga guro. Town-wide Clean Up Drive Parami ng parami ang mga organisasyon, kompanya at ahensya na nakikiisa sa gawain ng paglilinis ng ating bayan. Naglagay din ng mga Eco-Police na nagbabantay sa mga nagkakalat, mga naninigarilyo sa ating bayan. Certified Seeds Distribution Pakikinabangan ng 150 na magsasaka na kung saan sa halip na 50-50 scheme, ay 100 porsyentong subsidiya na ang ibibigay ng pamahalaan upang wala na silang gagastusin pa sa pagbili ng binhi. May mga seminar rin para sa modern farming techniques. Namahagi rin ng lason sa mga peste at daga. Hybrid seeds upang makabili ang mga magsasaka na may 50 porsyentong diskwento. Namahagi rin ng 672 na sako ng organic fertilizer sa lahat ng paaralang elementarya at sekondarya, ganun din sa mga mag-gugulay o vegetable backyard raisers sa Baliwag. Mayroon ring Crop insurance na ipinamahagi kung saan 500 na ektarya ay insured sa halagang 10,000 pesos kada ektarya.
Happy Kaarawan Goals Naging saksi si Mayor Ferdie sa pagiisang dibdib ng 76 na magsing irog sa "Happy Kapag May Forever". Mahigit 800 naman ang nakatanggap ng Libreng bakuna, libreng laboratory services, free pap smear services at minor surgery sa "Happy Pag Malusog ang Katawan". "Jobs Fair" naman ang handog ni Mayor para sa mga naghahanap ng trabaho at 310 ang natanggap sa trabaho mula rito. "Passporting service" naman para sa mabilisang pagproseso ng passport application na hindi na kailangan pang magpunta sa Maynila para rito. "One Barangay, One Product, Store Express" naman na ang layon ay mabigyan ng pagkakataong kumita ang mga micro, small and medium enterprise na maibenta ang kanilang produkto sa mas malaking pamilihan. Women and Children in Crisis Center 90 percent na tapos ang center na ito sa barangay Piel at hinihintay na lamang mai-release ang pondo para sa community based monitoring system upang magkaroon po tayo ng accurate database upang masuri ang tunay na kalagayan ng mga Baliwagenyo. Narito ang video ng kaganapan sa Baliwag Star Arena para sa 100 Days Ulat sa Bayan ni Mayor Ferdie V. Estrella
"Sa inyo na naniwala at nakikiisa, at hangad ang ating pagbabago, maraming salamat. Sana po ay 'wag kayong mapagod sa pagtulong, at kung mapagod man kayo, sana po ay 'wag kayong susuko. Dahil ang inyong lingkod po, handang tapusin ang ating nasimulan. Sa hanggang ngayon ay nagdududa pa, sa mga nagaatubili at mga hindi pa naniniwala, maghihintay po kami sa inyo. Wala na pong puwang ang galit sa aking administrasyon laban sa mga taong walang ibang nakikita kung hindi ang mali, ang problema at ang kahinaan ng iba. Mas masarap po ang tulog sa gabi ng isang taong walang kaaway at masamang hangarin sa iba. Mas panatag ang buhay ng mga taong handang mag-abot ng kamay para makatulong. Mas payapa ang kalooban ng mga taong walang inggit sa puso. Ang pagkakapit kamay natin ay ay hindi para maghilahan pababa, sa halip ay para sama samang umangat sa pamamagitan ng sama samang paglilingkod at pagmamalasakit. Iyan po ang tunay na diwa ng "Dugong Baliwag, Pusong Baliwag", may dugo ng tunay na bayani, may puso para maging mahusay sa lahat ng larangan. At mga kababayan, ang hinihiling ko sa inyo ay sana po ay patuloy ninyo akong suportahan. mahirap po ang magig isang Punong Bayan, at hihilingin ko na rin po sa pagkakataong ito na patuloy po ninyo akong ipagdasal na sana lahat ng aking magiging desisyon, lahat ng aking gagawin ay para sa higit na mas nakararaming taga-Baliwag..."
Dito sa ating bayan ng Baliwag ay marami tayong iba't ibang klase ng pagkain na mapagpipilian. Aminin natin, tayong mga Pinoy ay mahilig mag merienda hindi ba? Ano ang mga paborito ninyo? Isa sa aking babanggitin ang "PUTO". Ngunit, marami ring klase ito, ang hirap kung minsan mamili kung ano ang masarap. Ang iba pa nga ay may kakaibang "twist" o mas pinasarap at hinaluan ng kung ano anong sangkap para maiba naman sa nakasanayan na lasa at itsura.
Noong nakaraang Setyembre, Nagkaroon ng "Galing ng Galing Baliwag Food Expo" na ginanap sa Heroes Park. Isa ako sa mga nagpunta upang makita kung ano-ano ang mga produkto na gawa ng mga Baliwagenyo. Isa rito sa aking nai-feature ang "Mary's Baked Goods" na nagbebenta ng kanilang mga special Puto. Para bigyan kayo ng recall, ito ang blog ko tungkol sa naganap na expo.
Natikman ko ang ilang produkto ng Mary's Special Puto (Mary's Baked Goods) at bibigyan ko kayo ng review tungkol sa mga natikman ko.
Buttered Puto, Puto Yema, Puto Pao
Special Buttered Puto
Noong natikman ko ang Buttered Puto, malambot ang pagkakagawa, hindi nakaka-hirin sa lalamunan. Hindi rin matapang ang lasa ng baking powder kaya naman hindi ko ito nalasahan. Lasa din ang butter at nakadagdag pa sa sarap ang keso sa ibabaw. (Kaya ko nasasabi ang mga ito dahil mahilig ako magluto at siguro naman ay napansin nyo rin na mahilig ako sa pagkain kaya sa pagtikim ko pa lang ay halos alam ko na kung ano ang mga ginamit na sangkap dito.)
Stars: 🌟🌟🌟🌟🌟
Puto Yema
Ang Puto Yema sa totoo lang ay ngayon pa lamang ako nakatikim, ngunit nakuha nito ang tamang lasa ng yema na kahit nasa ibabaw siya ng puto ay kumakalat ang sarap nito sa puto sa bawat pagkagat. Consistent ang pagkakatimpla ng ginagamit nilang puto, malambot, at hindi masakit sa lalamunan. May ibang puto na kapag kinain mo ay parang maiiwan yung lasa ng baking powder at ito ay medyo mapait at kung minsan pa nga ay magalas sa ngipin. At malayo ito sa puto na ipinakikilala ko sa inyo ngayon. Para sa may mga "sweet-tooth" o mahilig sa matatamis ang puto na ito.
Stars: 🌟🌟🌟🌟🌟
Puto Pao
Ang Puto Pao ay ang klase ng puto na may palaman na ginisang karne ng baboy (tinimplahan na parang may pagkakahawig sa lasa ng mga ipinapalaman sa Siopao Asado - kaya ito tinawag na Puto PAO). Masarap ang pagkakaluto ng palaman at lalo pa nagpasarap rito ang pangibabaw nito na itlog na pula o "Salted Egg". Hindi masyado maalat ang itlog na bumabalanse naman sa manamis-namis na palaman ng puto pao. Nakakatuwa pa na malaman na sarili nilang recipe ang puto pati na rin ang mga inilalagay rito kaya makakasiguro tayo na malinis at laging bago ang mga sangkap sa paggawa ng espesyal na puto.
Stars: 🌟🌟🌟🌟🌟
Masarap din ang mga ito na pang-handa sa mga salo-salo ng ating pamilya, o pangregalo lalo na ngayon na kabi-kabilaan na naman ang ating mga dadaluhan na mga party kapag papalapit na ang pasko at bagong taon. Nakalimutan ko nga pala na darating pa ang Undas. Masarap din itong pangbaon sa pagpunta natin sa mga sementeryo. Inalam ko syempre ang presyo ng kanilang mga ibinebenta at kung swak ba sa budget.
Parati ba ninyong nakikita sa mga Facebook, Instagram at Twitter ang salitang madalas ay may hashtag (#) pa nga na #CheatDay? Ano ba ang ibig sabihin nito? Madalas ito ang bukambibig ng mga nagdye-dyeta o diet. Minsan sa isang linggo ay binibigyan nila ng pahinga ang kanilang pag-diet. Halimbawa, mula Lunes hanggang Sabado ay araw ng diet ngunit pagdating ng araw ng Linggo, sila ay kumakain ng kung ano man ang gusto nila kainin na hindi bahagi ng kanilang diet. Ang tawag sa araw ito ay "Cheat Day". Nakakatuwang makita minsan sa mga social media sites ang mga pictures ng iba't ibang pagkain at nilalagyan pa nga nila ito ng hashtag #CheatDay. Para sa ilan naman na hindi nagdye-dyeta, araw-araw nga naman ay cheat day. Dito nanggaling ang konsepto ng isang kainan na napuntahan ko kamakailan lang, ito ang CHEAT STREET na nasa R.E. Chico St., Brgy. Poblacion, Baliwag, (tapat ng St. Mary's College of Baliuag). Narito ang aking video ng pagpunta ko roon.
Bagaman maliit ang kanilang puwesto ay eksakto lamang dahil ang madalas na kumakain dito ay mga estudyante na nagdaraan mula sa iba't ibang mga paaralan na nakapalibot sa Baliwag. Malinis, maayos at makulay ang kanilang dingding, bagay nga kung gusto ng mga estudyante na mag selfie kasama ang kanilang mga kaklase o kaibigan. Pangunahin nilang ihinahain dito ang "FRIED ICE CREAM". Nilalagyan nila ng iba't ibang flavor ang kanilang ice cream. Ang nakakatuwa pa, mula sa mga kilalang mga tatak ng tsokolate ang pwede mo nang matikman kasama ng kanilang ice cream. Mayroon din naman silang mga fresh na prutas na pwede ring ihalo dito... mamaya ay ipapakita ko sa inyo. Natikman ko ang ilan sa mga masasarap na pagkain na maaring pagpilian. Malalaman na ninyo ngayon kung tama nga ang mga sinasabi ko na ang lugar na ito ay "pang-cheat day" talaga!
Oreo Fried Ice Cream
Fried Ice Cream ang pangunahin nilang ibinebenta rito, kaya naman hindi ako nakatiis na tikman kung masarap nga talaga. Sa Oreo Fried Ice Cream, gumagamit sila ng tunay na biscuit ng Oreo, kaya naman lasang-lasa ang sarap nito pati ang kanilang ice cream mixture. Sino ba naman ang ayaw ng Oreo, kahit bata at mga batang puso ay magugustuhan ito.
Stars: 🌟🌟🌟🌟🌟
Kiwi Fried Ice Cream
Marami pang klase ng prutas ang pwede nilang ihalo sa fried ice cream ngunit pinili ko ang Kiwi Fruit. Tama lang ang dami ng kiwi na ihinalo nila sa fried ice cream ko, talagang nagustuhan ko ito ng sobra. Sa tingin ko kahit hindi bata ay magugustuhan kapag mga prutas ang ihinahalo sa ice cream at fresh pa! Kaya kahit ito ay ice cream, healthy pa rin.
Stars: 🌟🌟🌟🌟🌟
Waffle Burger
Isa ito sa mga bagong natikman ko, Waffle Burger. Sa pangalan pa lang ay alam na ninyo kung bakit ganon ang kaniyang pangalan. Waffle ang kanyang pinaka tinapay at kagaya ng ibang burger, may makapal siyang burger patty, mga gulay, keso at dressing na nagbabalanse ng lasa ng kakaibang burger nila. Maganda rin ang presentasyon ng pagkain, kaya alam kong kahit kayo ay natatakam na matikman ito sa pagtingin pa lang sa picture na ito.
Stars: 🌟🌟🌟🌟🌟
Creamy Carbonara
Isa sa hinahanap ko kapag kumakain ng Carbonara ay kung gaano ka-creamy ang kanyang white sauce. At hindi nga ako nabigo dahil ang creamy, talaga namang masarap at hindi nakakaumay ang lasa. Ang white sauce ay bumabalot sa kanyang pasta kaya naman kapit na kapit ang lasa nito.
Creamy Carbonara with Blue Lemonade
Mayroon pa silang kasamang Blue Lemonade sa bawat order ng kanilang creamy carbonara, talagang sulit nga!
Stars: 🌟🌟🌟🌟🌟
Pizza Fries
Ngayon lang ako nakakita ng Fries na ginawang lasang Pizza. Kayo ba?
Ang ordinaryong piniritong French Fries ay binigyan nila ng bagong twist. Nilagyan ng sauce, ham at keso at masarap dahil yung keso na madaling matunaw ang kanilang inilagay dito. Para ka nga talagang kumain na rin ng Pizza at French fries ng sabay. Talaga namang masarap at sa dami ng isang order ay kakasya na ito para sa dalawang tao. Hindi pa ba kayo kumbinsido kung bakit "Cheat Street" ang pangalan ng kanilang kainan?
Stars: 🌟🌟🌟🌟🌟
Caramel Cappuccino
Iba't ibang klase ng frappe ang meron sila ngunit ito ang aking pinaka nagustuhan, siguro nga ay mayroon lang talaga akong "sweet tooth". Maaari ring ang iba sa inyo ay gaya ko, pero may iba pa naman silang klase ng frappe at inumin na mapagpipilian. Malasa kasi ang vanilla at caramel sa inumin na ito. Ikaw ano ang paborito mong flavor ng Frappe?
Stars: 🌟🌟🌟🌟🌟
Ang ChEAT Street ay pagaari ng pamilya Herrera ngunit ang nagpapatakbo ng negosyo ay ang magkapatid na Catherine at Angelique Herrera. Simula pa lang ay hilig na nila ang pagnenegosyo, sa tulong na rin ng kanilang pamilya ay naitayo ang Cheat Street. Nagbukas ang kanilang tindahan noong August 8, 2016. Bago ngunit kayang-kaya makipagsabayan nito dahil sa kanilang Fried Ice Cream na kilala na rito sa Baliwag. Tinanong ko sila kung bakit "Cheat Street" ang naging pangalan nito, at tama na ako dahil galing ito sa salitang madalas nating nababasa sa mga social media na #CHEATDAY. At dito nga ay araw-araw na cheat day! Paano ba naman, napakasarap ng kanilang pagkain rito, talagang swak pa sa budget kahit mga estudyante. Kaya tara-let's eat na sa Cheat Street, kalimutan na pansamantala ang diet dahil dito, everyday is a cheat day!
ChEAT Street
Located at: R.E. Chico Street, Poblacion, Baliwag, Bulacan
Phone number: 0905 373 4199
I-like ang kanilang Facebook page para sa kanilang mga promo: ChEAT Street