Saturday, October 15, 2016

Mary's Special Puto

Mary's Special Puto
Puto with a TWIST!


     Dito sa ating bayan ng Baliwag ay marami tayong iba't ibang klase ng pagkain na mapagpipilian. Aminin natin, tayong mga Pinoy ay mahilig mag merienda hindi ba? Ano ang mga paborito ninyo? Isa sa aking babanggitin ang "PUTO". Ngunit, marami ring klase ito, ang hirap kung minsan mamili kung ano ang masarap. Ang iba pa nga ay may kakaibang "twist" o mas pinasarap at hinaluan ng kung ano anong sangkap para maiba naman sa nakasanayan na lasa at itsura. 


Noong nakaraang Setyembre, Nagkaroon ng "Galing ng Galing Baliwag Food Expo" na ginanap sa Heroes Park. Isa ako sa mga nagpunta upang makita kung ano-ano ang mga produkto na gawa ng mga Baliwagenyo. Isa rito sa aking nai-feature ang "Mary's Baked Goods" na nagbebenta ng kanilang mga special Puto. Para bigyan kayo ng recall, ito ang blog ko tungkol sa naganap na expo.

Natikman ko ang ilang produkto ng Mary's Special Puto (Mary's Baked Goods) at bibigyan ko kayo ng review tungkol sa mga natikman ko. 

Buttered Puto, Puto Yema, Puto Pao

Special Buttered Puto

Noong natikman ko ang Buttered Puto, malambot ang pagkakagawa, hindi nakaka-hirin sa lalamunan. Hindi rin matapang ang lasa ng baking powder kaya naman hindi ko ito nalasahan. Lasa din ang butter at nakadagdag pa sa sarap ang keso sa ibabaw. (Kaya ko nasasabi ang mga ito dahil mahilig ako magluto at siguro naman ay napansin nyo rin na mahilig ako sa pagkain kaya sa pagtikim ko pa lang ay halos alam ko na kung ano ang mga ginamit na sangkap dito.)
Stars: 🌟🌟🌟🌟🌟


Puto Yema
Ang Puto Yema sa totoo lang ay ngayon pa lamang ako nakatikim, ngunit nakuha nito ang tamang lasa ng yema na kahit nasa ibabaw siya ng puto ay kumakalat ang sarap nito sa puto sa bawat pagkagat. Consistent ang pagkakatimpla ng ginagamit nilang puto, malambot, at hindi masakit sa lalamunan. May ibang puto na kapag kinain mo ay parang maiiwan yung lasa ng baking powder at ito ay medyo mapait at kung minsan pa nga ay magalas sa ngipin. At malayo ito sa puto na ipinakikilala ko sa inyo ngayon. Para sa may mga "sweet-tooth" o mahilig sa matatamis ang puto na ito.
Stars: 🌟🌟🌟🌟🌟


Puto Pao
Ang Puto Pao ay ang klase ng puto na may palaman na ginisang karne ng baboy (tinimplahan na parang may pagkakahawig sa lasa ng mga ipinapalaman sa Siopao Asado - kaya ito tinawag na Puto PAO). Masarap ang pagkakaluto ng palaman at lalo pa nagpasarap rito ang pangibabaw nito na itlog na pula o "Salted Egg". Hindi masyado maalat ang itlog na bumabalanse naman sa manamis-namis na palaman ng puto pao. Nakakatuwa pa na malaman na sarili nilang recipe ang puto pati na rin ang mga inilalagay rito kaya makakasiguro tayo na malinis at laging bago ang mga sangkap sa paggawa ng espesyal na puto.
Stars: 🌟🌟🌟🌟🌟

Masarap din ang mga ito na pang-handa sa mga salo-salo ng ating pamilya, o pangregalo lalo na ngayon na kabi-kabilaan na naman ang ating mga dadaluhan na mga party kapag papalapit na ang pasko at bagong taon. Nakalimutan ko nga pala na darating pa ang Undas. Masarap din itong pangbaon sa pagpunta natin sa mga sementeryo. Inalam ko syempre ang presyo ng kanilang mga ibinebenta at kung swak ba sa budget.

Buttered Puto (10pcs) - 30pesos
Puto Yema (10pcs) - 45pesos
Puto Pao. (10pcs) - 50pcs
Puto Flan (8pcs) - 45pesos

Narito namang ang kanilang Puto Flan



Nagdedeliver din sila ng mga Puto!
Para sa inquiries at orders, tawagan o i-text si:
EHM RIZAL
(044)3080638 
09162881693 / 09424263893
Sabang, Baliwag, Bulacan



No comments:

Post a Comment