Thursday, October 20, 2016

#NationalPamperingDay sa Nailaholics SM City Baliwag

#NationalPamperingDay 
sa Nailaholics, SM City Baliwag



Halos dalawang buwan pa lamang mula nang nakita ko sa Facebook page ng Nailaholics ang kanilang poster na magkakaroon sila ng Libreng Manicure at Libreng Hand Massage. Hindi na ako makapag hintay! Oo, isa ako sa mga nakiki-"Like and Share" sa mga promo nila kung saan pwede kang manalo ng mga libreng nail polish, oil at mayroon pa ngang mga tickets para sa theme park. Talaga namang bawat post nila ay nila-like at nai-share ko na. At hindi ako nabigo, nanalo ako ng China Glaze Nail Polish - apat na araw bago mag National Pampering Day! Ang saya ko! Sabi ko iyon ang gagamitin at ipapalagay ko kapag nagpa manicure na ako para makita ko kung bagay sa kuko ko. Isang linggo bago bago mag National Pampering Day, nakita ko sa Facebook page ng Nailaholics na available na ang mga tickets sa SM City Baliwag Branch, agad akong pumunta at kumuha ng ticket ko. Siyempre naman masarap kapag libre (aminin... gusto nyo din ng mga FREE!!!) at makakapag bonding pa kami ng mga kaibigan ko. Buti na lang at naka abot pa kami bago maubos ang ipinamimigay nilang ticket. 


Oktubre 17, 2017 - Dumating na rin ang araw na pinakahihintay naming magka-kaibigan (mga classmate ko sila noong college). National Pampering Day na sa Nail.a.holics SM City Baliwag. Maaga kami ng mga kaibigan ko sa Nailaholics. Excited na kami sa Free Manicure namin! Kaya naman nai-video at nakuhanan ko ng mga pictures ang mga nagpunta rin at gustong maka experience ng libreng manicure kagaya namin. 



Panoorin nyo ang video ko, baka isa rin kayo sa mga nakulit ko para magpa-picture at nainterview ko pa!


Mahusay ang kanilang service dito. Hindi nga ako nasugatan o ika nga ng iba eh, "Na-Murder" hahaha! Magagaan ang mga kamay nila at kahit malalim pa ang "ingrown" mo sa kuko ay buong ingat nila itong naiaalis para hindi na mamaga ang iyong mga daliri. Sanitized din ang mga kagamitan nila dito kaya hindi ka mag-aalala na maimpeksyon ang kamay at paa mo. Habang nililinis pa nila ang aming kuko, ang sarap pa sa pakiramdam ng kanilang napaka-relaxing na music. Isang lugar nga ito na habang naaalagaan ang iyong mga kuko, ay nakakapag-relax ka pa. Okay din kung may kasama kang mga kaibigan o pamilya. Pang "Bonding" activity din kasi rito. 

Ito yung napanalunan ko sa contest nila sa Facebook - China Glaze Nail Polish
At ito na rin ang ipinalagay ko sa kuko ko.

Maraming salamat sa mga Nailaholics SM City Baliwag, kay Ms. Anna Lauren Abergas (Ang mabait at magandang Manager ng Nailaholics SM Baliwag), ganun din sa mga mababait at maasikaso niyang staff  at yung ibang customers na naka kulitan ko habang nagpapa-manicure.


Kita Kitz' ulit tayo sa susunod na National Pampering Day!   



Nail.a.holics SM City Baliwag
Location: 2nd Floor, SM City Baliwag
                  DRT Highway, Pagala, Baliwag, Bulacan
I-follow ang Facebook page ng Nailaholics Nail Salon and Spa


No comments:

Post a Comment