Pagdiriwang ng
Buwan ng Kooperatiba
"Ang Kooperatiba ay kaagapay ng pamahalaan upang maitaas ang ating ekonimiya..." - Mayor Ferdie V. Estrella
Pinagdiwang noong Lunes (Oktubre 24, 2016) ang Buwan ng Kooperatiba kung saan itinampok ng iba't ibang grupo ng kooperatiba ang kanilang mga produkto. May mga booth sila upang doon ipagsama sama ang kanilang mga pinagmamalaking produkto at maka-enganya pa ng mga miyembro. May kooperatiba na para sa mga magsasaka, para sa vegetable at fruit farming, processed food, meat and poultry products at iba pa. Panoorin ang maikling video ng lahat ng booth na nakita ko.
Nag-interview ako ng ilan sa mga booth na nakita ko. Maraming palayan dito sa atin kaya naman naging interesado ako alamin ang tungkol dito. Marami din pala ang klase ng mga bigas, may mga code sila na numero pero kabisado nila kung alin ang sinandomeng, dinorado at iba pa. Ayon kay Sir Rodolfo Fabian na B.O.D. ng Bulacan Seed Growers, mas mabili raw ang klase ng bigas na 216 at 218. Ito raw ang klase ng bigas na mas mahal o espesyal. Sa taya nila, may mahigit sandaang klase ng bigas na inaani rito sa atin. Marami na ang magsasaka na miyembro na ng kanilang kooperatiba. Sa tulong ng ating mapamahaalan sa mga magsasaka, nakukuha nila ang mga binhi sa mas mababang halaga, at sinisigurado na "high yielding" ang mga binhi upang magkaroon sila ng sapat na kita.
Dumako naman tayo sa mga prutas at gulay. Nakakatuwa tingnan na meron pala tayong mga naglalakihang mga kalamansi. At ang suha, akala ko ay sa Davao lamang tumutubo ng maganda. Tignan nyo na lamang itong mga litratong ipapakita ko at kayo na mismo ang makapagsasabi na mayaman pala ang lupa natin dito sa Baliwag.
Mula naman sa Baliwag Federation of Multipurpose Cooperative ay nakausap ko si Ms. Yeth Cruz (General Manager) at Ms. Violy Santiago (Chairman). Ang kanilang pangunahing produkto ay mga processed meat products gaya ng Bacon, Chicken Tocino, Longanisa, ham at iba pa. Nakakakuha ang kanilang mga miyembro ng mga produkto sa murang halaga na siyang naibebenta upang maging pandagdag sa pangkabuhayan ng mga miyembro. Mayroon din silang inire-repack na mga binusang mani o "Beer Nuts" ng GENYSYS kung tawagin nila. Natikman ko ito at masarap nga dahil nababalutan ng bawang at asin. Hindi masyadong maalat at hindi rin mapait dahil sa bawang.
Maraming pang mga produkto na hindi ko nabanggit ngunit lahat sila ay gumaganap bilang malaking tulong sa ekonomiya natin at tulong din sa pangkabuhayan ng mga miyembro. Ikaw? Miyembro ka na ba ng isang kooperatiba?
No comments:
Post a Comment