Thursday, March 23, 2017

EARTH HOUR, Makiisa na!

EARTH HOUR, Makiisa na!



     Ano nga ba ang "EARTH HOUR" at paano tayo makikiisa rito? Sa mga hindi pa nakakaalam kung ano ito, ito ay ang pagpatay ng mga ilaw at kasangkapan na de kuryente sa loob ng 60 minuto o isang oras. Nilalahukan ito ng milyon milyong tao sa buong mundo.

Sa pamamagitan nito, lahat sila ay nagpapakita kung gaano nila pinapangalagaan ang ating planeta sa pamamagitan ng pagpatay ng ilaw sa takdang oras sa loob ng 1 sang oras.

Ang Earth Hour ay isang movement o kilusan na binuo ng WWF o World Wide Fund. Ang unang Earth Hour ay ginanap sa Sydney, Australia dahil gusto nilang maging aware ang mga tao sa Climate Change o Global Warming. Para ito sa kalikasan, makakatulong na makabawas sa nararanasan natin klima o pagbabago ng panahon. 

Bakit kailangan natin magpatay ng ilaw sa Earth Hour?

Ang Earth Hour ay hindi lamang patungkol sa pagtitipid ng kuryente. Binibigyang pansin rin nito ang mga issue na nagdudulot ng climate change, gaya ng polusyon, paggamit ng mga kemikal na nakakasira sa kalikasan at iba pa. Ang lahat ng layunin nito ay iisa lamang ang may dahilan... ang Climate Change o pagbabago ng klima. Ito ay ang pagbabago sa karaniwang panahon na dapat sana ay mangyari sa isang lugarMaaari ring ito ay ang pagdami o pagkabawas ng pagdagsa ng ulan kadata-on sa isang lugar. O maaaring ito ay isang pagbabago sa karaniwang temperatura ng isang lugar para sa isang buwan o season. Ayon sa mga eksperto, ang klima ng mundo ay laging nagbabago. Sa kanilang pag-aaral, ang temperature ng mundo ay tumaas ng halos 1 degree Fahrenheit sa nakalipas na 100 taon. Mukha man itong maliit lang, pero maari itong magdulot ng malaking epekto sa pagbabago sa buong mundo.

Sa Sabado, March 25, 2017, makiisa tayo sa gaganaping Earth Hour. Sabay sabay nating patayin ang ating mga ilaw dakong 8:30 ng gabi. 

Alam nyo bang ang mga tanyag na mga Landamarks sa buong mundo, ay magpapatay rin ng ilaw? Ilan rito ang Empire State Building, Eiffel Tower sa Paris, Sydney Opera House sa Australia, at Shanghai Skline. Ngayong taon naman na ito ay makikiisa ang Buckingham Palace, The Gherkin, London Eye, Big Ben at marami pang iba.

Akala nyo ba magpapahuli ang ating landmark? Syempre makikisa rin ang ating Baliwag Clock Tower! Kaya tandaan ang araw at petsa. Magpatay na ng ilaw at makiisa sa Earth Hour!






Sunday, March 19, 2017

Tanging hiling ni ROMMEL

Tanging hiling ni ROMMEL...

Photo Credits : TV Patrol

Isang mag-aaral mula sa ating bayan (Baliwag, Bulacan) ang kamakailan lamang naibalita sa telebisyon sa programang TV Patrol (Channel 2). Tungkol ito sa isang bata na taga Baliwag, si Rommel Ramos.

Mahirap ang kanilang buhay, labing tatlong taong gulang pa lamang si Romel Ramos ngunit siya ang nag-aalaga sa kanyang kapatid na ipinanganak na may Cerebral Palsy* Kasabay sa kanyang pag-aaral ay ang araw-araw na pagaalaga sa kanyang kapatid. Minsan ay hindi na siya nakakapaglaro dahil dito, ngunit hindi nya ito iniinda dahil ang tanging hiling nya ay maalagaan at mapasaya lamang ang kanyang kapatid na may sakit.

- *Ang Cerebral Palsy ay isang grupo ng mga sakit kung saan nagkakaroon ng iba’t-ibang abnormalidad sa pag-galaw ang mga batang mayroon nito. Ang sakit na ito ay resulta ng malpormasyon ng utak na maaring nangyari habang ang sanggol ay nasasinapupunan pa lamang ng ina, habang siya ay ipinapanganak, o kaya’y ilang buwan matapos ipanganak ang sanggol.

Ang kanilang ina ay maagang namayapa dahil sa sakit na Tuberculosis o TB. Sng kanyang ama naman na si Richard ay nangangalakal ng mga basura para sila ay magkaroon ng pagkain sa araw-araw. Nakakamagha ang batang ito dahil masikap mag-aral at gusto niyang maging Engineer balang araw. Maraming salamat sa 
kaniyang guro na si Mam Cynthia at ginagabayan rin siya sa kanyang pagaaral.

Kaya naman ang programang TV Patrol ay umaksyon at binigyan ng simpleng kahilingan ang batang si Rommel --- ang mapasaya ang kanyang kapatid na may sakit. 

Narito ang nasabing video ng TV Patrol. 
Video Credits: TV Patrol


Tunay nga na ang batang ito ay marapat lamang ikarangal hindi lamang ng kanyang magulang kundi ng bayan. Sana ay matulungan rin siya at ang kanyang pamilya ng ating pamahalaan. Saludo kami sa iyo, Rommel!

Photo Credits: TV Patrol


Monday, March 13, 2017

Lilian Corigal, Matapat na Traffic Enforcer

Lilian Corigal,
Matapat na Traffic Enforcer


     Muli na namang pinatunayan ng mga Baliwagenyo ang pagiging matapat, hindi lamang sa kanilang tungkulin kundi pati na rin sa kapwa. Kaninang umaga lamang ay binigyan ng parangal ang isang matapat na Trafic Enforcer na nagsauli ng wallet na may laman na nagkakahalagang humigit kumulang 10,000 pesos.

Ang matapat na Traffic Enforcer na ito ay si Lilian Corigal. Araw-araw ko siyang nakikita sa kalye at tumutulong sa pag-aayos ng trapiko. Kahit sa kainitan ng araw ay hindi umaalis sa kanilang puwesto. Hanggang sa isang araw ay nakakuha siya ng wallet na naglalaman ng pera. Para sa hindi naman kalakihan ang sweldo, ano ang kanyang ginawa? Namayani pa rin ang kanyang pagiging matapat.

Ang kanyang nakuhang pera ay isinurrender kay BTMO Head "Konsi Tisoy" Santos. Agad naman itong naibalik sa may-ari dahil sa lamang Identification Card. Napagalamang pagmamay-ari ng isang Senior Citizen na si Mr. Vicente Co na taga barangay Sto Cristo, Baliwag ang nasabing wallet. 


     Binigyan ng kaunting pabuya ng munisipyo ng bayan ng Baliwag ang nasabing Traffic Enforcer sa pangunguna ni Municipal Administrator Eric Tagle at Konsehal Dingdong Nicolas. 

Salamat Traffic Enforcer Lilian, nawa ay maging inspirasyon ka sa lahat ng mamamayan, hindi lamang sa Baliwag, kundi sa buong bansa. Tunay na ikinararangal ka ng bayan, Traffic Enforcer Lilian Corigal. Saludo kami sa 'yo!



Friday, March 10, 2017

Mga Natatanging Kababaihan, Binigyan ng Parangal!

Mga Natatanging Kababaihan
Binigyan ng Parangal!


     Hindi kaila sa inyong lahat na ngayong buwan ng Marso ay ating ipinagdiriwang ang buwan ng mga kababaihan. At hindi lang dito sa ating lugar ito ha, kundi sa buong mundo. Binibigyan ng parangal ang mga kababaihan na umangat sa iba't ibang larangan. 

May temang #WomenMakeChange para sa buwang ito ang National Women's Month. Narito ang mga natatanging kababaihan na pinarangalan noong Lunes, March 6, 2017 matapos ang Flag Ceremony sa munisipyo ng Baliwag. 

Bb. Kyle Charlene G. Duya

Nominado sa Gawad Medalyang Ginto 2017 ng Panlalawigang Komisyon ng Kababaihan sa Bulacan (PKKB) sa katagoryang - "Huwarang Kabataang Babae sa Pamumuno".


Gng. Narcisa M. Diongzon

Nominado sa Gawad Medalyang Ginto 2017 ng Panlalawigang Komisyon ng Kababaihan sa Bulacan (PKKB) sa katagoryang - "Matagumpay na Ginang na OFW".


Gng. Valerie S. Pancho

Nominado sa Gawad Medalyang Ginto 2017 ng Panlalawigang Komisyon ng Kababaihan sa Bulacan (PKKB) sa katagoryang - "Matagumpay na Babaeng Mangangalakal".


Gng. Evelyn C. Salvador

Nominado sa Gawad Medalyang Ginto 2017 ng Panlalawigang Komisyon ng Kababaihan sa Bulacan (PKKB) sa katagoryang - "Matagumpay na Babaeng Maka-Kalikasan".


Ilan lamang sila sa napakaraming kababaihan na marapat lamang na bigyan ng parangal. Magmula kay Mayor Ferdie V Estrella at ang kinatawan ng sangguniang bayan ng Baliwag, ang buong bayan ng Baliwag ay sumasaludo sa inyong husay at galing! 
Mabuhay po kayo!


Tuesday, March 7, 2017

Grand ZumBALIWAG Marathon

Grand ZumBALIWAG Marathon


     Ang Marso ay buwan ng kababaihan, kaya naman binibigyang parangal ang mga kababaihan sa programang ito. Ang mga kababaihan ay marapat lamang na irespeto at mabigyan ng pagkakataon na iangat ang sarili at maging malusog ang pangangatawan. 

Patuloy na isinasagawa ang Libreng Zumba sa Munisipyo ng Baliwag at sa Glorietta Park. Narito ang schedule ng Libreng Zumba:

Lunes at Miyerkules - 5pm hanggang 6pm sa Munisipyo ng Baliwag
Sabado - 5pm hanggang 6pm sa Glorietta Park, Baliwag

Zumba sa Glorietta Park
Photo Credits: Cristina Dimaano Cordero

Zumba sa Munisipyo ng Baliwag
Photo Credits: Cristina Dimaano Cordero
Narito ang isang halimbawa ng isang masayang Zumba na ginaganap tuwing araw ng Lunes at Miyerkules sa Munisipyo ng Baliwag.
Video Credits: Cristina Dimaano Cordero



Kaya naman mga Baliwagenyo at Baliwagenya, inaanyayahan ang lahat na maki-ZumBALIWAG Marathon na Bukas, Marso 8, 2017 sa Glorietta Park, Baliwag para sa pagdiriwang ng International Women's Month kasama ang ating Zumba Instructress na si Ms. Cristina Dimaano Cordero! Tara na at magkita kita tayo bukas!

Labeling at Packaging Kit para sa mga Negosyante, Ipinamahagi!

"Labeling at Packaging Kit" 
para sa mga Negosyante...
Ipinamahagi!


     March 6, 2017 matapos ang Flag Ceremony sa munisipyo ng bayan ng Baliwag ay ipinamahagi ang "Labeling at Packaging kit" sa mga nagsipagtapos ng seminar ukol sa maayos na pagnenegosyo. 

     Ang mga kagamitan na ito ay mula sa DTI o Department of Trade and Industry, sa tulong ng PESO o Public Employment Service Office.  

Narito ang ilan sa mga nabigyan ng katibayan para sa kanilang Labeling at Packaging Kit.

Mary Rose Lyn DC. Flores
Ms. Rosemarie Gonzales 
(ang kanyang kinatawan ang tumanggap ng kanyang katibayan)

Ms. Maribel Maamo 


Ms. Analiza Sumalabe


 CASECHOM


Mr. Victor Buenaventura / Bitoy's Chili Garlic


Ms. Mary Jane Patawaran


Nais ng pamahalaan na matulungan ang mga maliliit na negosyante kaya naman ilan lamang sila sa mga maraming kababayan natin na sinusuportahan ng programa ng ating Mayor Ferdie V Estrella. Isa na namang serbisyong may malasakit para sa bayan ng Baliwag.

Congratulations at GOD Bless you all sa inyong negosyo...


Sunday, March 5, 2017

The Biggest Loser... Nag-umpisa na!

The Biggest  Loser
Nag-umpisa na!


     Pagsipa pa lamang ng taon ay isinusulong na ni Mayor Ferdie V Estrella ang kampanya para sa mas "Healthy" na pamayanan. Kaya naman sa kanyang munisipyo mismo ito sinimulan. Inilunsad ang "The Biggest Loser" na ang ibig sabihin ay magdi-dyeta ang mga sumali at ang may pinakamalaking nabawas sa timbang sa loob ng labindalawang liggo (12 weeks) ay siyang mananalo.


Hindi dapat gumamit ng mga slimming supplements ang mga sumali, bagkus maaari itong ma-achieve sa tulong ng healthy lifestyle, kaunting diet at pag-eehersisyo. Sa munisipyo nga at sa iba't ibang lugar ay ginaganap ang regular na libreng Zumba (magtanong sa munisipyo, tuwing kailan ginaganap ang mga ito at ang lugar).

Mahigit dalawang linggo pa lamang noong ito ay nagumpisa at tinimbang na ang mga kasali sa kanilang ikalawang linggo (para makita kung gaano ang kanilang progress). Ang magkakamit ng pinaka malaking kabawasan sa kaniyang timbang ang hihirangin na mananalo ay magkakaroon ng premyo mula kay Mayor Ferdie V. Estrella. Ipakikilala ko na sila sa inyo. Narito na sila:



Abangan natin sa mga susunod na linggo kung sino ang mananalo! Go go go! 

Friday, March 3, 2017

Baliwag Malasakit Center - Alagang May Malasakit

Baliwag Malasakit Center 
Alagang May Malasakit


    Noong una pa lamang ay naging interesado na ako malaman kung ano ang meron at ano ang ginagawa sa Baliwag Malasakit Center. Sa aking nakikita, (dahil nadadaanan ko ito kung papunta sa Sm Baliwag) ang Baliwag Malasakit Center ay isang Physical Rehabilitation at Multi-Specialty clinic para sa mga Senior Citizens, PWD (Person with Disability), Indigents at para sa mga bata. 

   Nakita at napatunayan ko ito noong ang aking nanay mismo ang nangailangan ng tulong. Kailangan niya ng "therapy" dahil galing siya sa isang major operation sa kanyang kaliwang hita na kinailangang palitan ng bakal ang ball joint nya. Isang Senior Citizen na ang aking nanay at kinuha ko ang oportunidad na iyon para mapasailalaim siya sa therapy na kung sa mga pribadong ospital ay medyo may kalakihan ang halaga kung ilang sessions iyon.



    Maganda ang pasilidad ng Baliwag Malasakit Center, air-conditioned, kumportableng mga upuan, may sapat na kagamitan, maayos na kama para sa mga checkup at therapy kung kinakailangan. Available at may schedule ang mga doktor ayon sa iyong pangangailangan at karamdaman. Mababait rin ang mga staff na mag-aasikaso sa iyo. 



    Pumunta ang aking nanay na nakasaklay, sumunod ay bakal na tungkod na lang. Ika-apat na punta namin ay pinapalakad na siya na walang saklay o gabay. Nakakatuwa, dahil isa sa ginamit ng Diyos ang Malasakit Center para makalakad muli ang aking nanay. Maraming salamat kay Doc Michael Arvin Cruz, iba pang mga doktor at sa mga staff sa pagtityaga. Habang naroon ako ay nakita ko rin ang iba pang mga pasyente. Iba-iba ang kaso. May galing sa pagkaka-stroke, naoperahan, may mga bata pa kahit mga baby na may sakit na Cerebral Palsy ay buong puso nilang tinatanggap rito. At walang bayad ang pagpunta rito, LIBRE po ang lahat ng ito.






    Tunay na mararamdaman ang malasakit sa kapwa sa gusaling ito. Sa aming Mayor Ferdie V Estrella, maraming, maraming salamat po dahil maraming natutulungan ang Baliwag Malasakit Center.