Monday, March 13, 2017

Lilian Corigal, Matapat na Traffic Enforcer

Lilian Corigal,
Matapat na Traffic Enforcer


     Muli na namang pinatunayan ng mga Baliwagenyo ang pagiging matapat, hindi lamang sa kanilang tungkulin kundi pati na rin sa kapwa. Kaninang umaga lamang ay binigyan ng parangal ang isang matapat na Trafic Enforcer na nagsauli ng wallet na may laman na nagkakahalagang humigit kumulang 10,000 pesos.

Ang matapat na Traffic Enforcer na ito ay si Lilian Corigal. Araw-araw ko siyang nakikita sa kalye at tumutulong sa pag-aayos ng trapiko. Kahit sa kainitan ng araw ay hindi umaalis sa kanilang puwesto. Hanggang sa isang araw ay nakakuha siya ng wallet na naglalaman ng pera. Para sa hindi naman kalakihan ang sweldo, ano ang kanyang ginawa? Namayani pa rin ang kanyang pagiging matapat.

Ang kanyang nakuhang pera ay isinurrender kay BTMO Head "Konsi Tisoy" Santos. Agad naman itong naibalik sa may-ari dahil sa lamang Identification Card. Napagalamang pagmamay-ari ng isang Senior Citizen na si Mr. Vicente Co na taga barangay Sto Cristo, Baliwag ang nasabing wallet. 


     Binigyan ng kaunting pabuya ng munisipyo ng bayan ng Baliwag ang nasabing Traffic Enforcer sa pangunguna ni Municipal Administrator Eric Tagle at Konsehal Dingdong Nicolas. 

Salamat Traffic Enforcer Lilian, nawa ay maging inspirasyon ka sa lahat ng mamamayan, hindi lamang sa Baliwag, kundi sa buong bansa. Tunay na ikinararangal ka ng bayan, Traffic Enforcer Lilian Corigal. Saludo kami sa 'yo!



No comments:

Post a Comment