Sunday, March 19, 2017

Tanging hiling ni ROMMEL

Tanging hiling ni ROMMEL...

Photo Credits : TV Patrol

Isang mag-aaral mula sa ating bayan (Baliwag, Bulacan) ang kamakailan lamang naibalita sa telebisyon sa programang TV Patrol (Channel 2). Tungkol ito sa isang bata na taga Baliwag, si Rommel Ramos.

Mahirap ang kanilang buhay, labing tatlong taong gulang pa lamang si Romel Ramos ngunit siya ang nag-aalaga sa kanyang kapatid na ipinanganak na may Cerebral Palsy* Kasabay sa kanyang pag-aaral ay ang araw-araw na pagaalaga sa kanyang kapatid. Minsan ay hindi na siya nakakapaglaro dahil dito, ngunit hindi nya ito iniinda dahil ang tanging hiling nya ay maalagaan at mapasaya lamang ang kanyang kapatid na may sakit.

- *Ang Cerebral Palsy ay isang grupo ng mga sakit kung saan nagkakaroon ng iba’t-ibang abnormalidad sa pag-galaw ang mga batang mayroon nito. Ang sakit na ito ay resulta ng malpormasyon ng utak na maaring nangyari habang ang sanggol ay nasasinapupunan pa lamang ng ina, habang siya ay ipinapanganak, o kaya’y ilang buwan matapos ipanganak ang sanggol.

Ang kanilang ina ay maagang namayapa dahil sa sakit na Tuberculosis o TB. Sng kanyang ama naman na si Richard ay nangangalakal ng mga basura para sila ay magkaroon ng pagkain sa araw-araw. Nakakamagha ang batang ito dahil masikap mag-aral at gusto niyang maging Engineer balang araw. Maraming salamat sa 
kaniyang guro na si Mam Cynthia at ginagabayan rin siya sa kanyang pagaaral.

Kaya naman ang programang TV Patrol ay umaksyon at binigyan ng simpleng kahilingan ang batang si Rommel --- ang mapasaya ang kanyang kapatid na may sakit. 

Narito ang nasabing video ng TV Patrol. 
Video Credits: TV Patrol


Tunay nga na ang batang ito ay marapat lamang ikarangal hindi lamang ng kanyang magulang kundi ng bayan. Sana ay matulungan rin siya at ang kanyang pamilya ng ating pamahalaan. Saludo kami sa iyo, Rommel!

Photo Credits: TV Patrol


No comments:

Post a Comment