Thursday, March 23, 2017

EARTH HOUR, Makiisa na!

EARTH HOUR, Makiisa na!



     Ano nga ba ang "EARTH HOUR" at paano tayo makikiisa rito? Sa mga hindi pa nakakaalam kung ano ito, ito ay ang pagpatay ng mga ilaw at kasangkapan na de kuryente sa loob ng 60 minuto o isang oras. Nilalahukan ito ng milyon milyong tao sa buong mundo.

Sa pamamagitan nito, lahat sila ay nagpapakita kung gaano nila pinapangalagaan ang ating planeta sa pamamagitan ng pagpatay ng ilaw sa takdang oras sa loob ng 1 sang oras.

Ang Earth Hour ay isang movement o kilusan na binuo ng WWF o World Wide Fund. Ang unang Earth Hour ay ginanap sa Sydney, Australia dahil gusto nilang maging aware ang mga tao sa Climate Change o Global Warming. Para ito sa kalikasan, makakatulong na makabawas sa nararanasan natin klima o pagbabago ng panahon. 

Bakit kailangan natin magpatay ng ilaw sa Earth Hour?

Ang Earth Hour ay hindi lamang patungkol sa pagtitipid ng kuryente. Binibigyang pansin rin nito ang mga issue na nagdudulot ng climate change, gaya ng polusyon, paggamit ng mga kemikal na nakakasira sa kalikasan at iba pa. Ang lahat ng layunin nito ay iisa lamang ang may dahilan... ang Climate Change o pagbabago ng klima. Ito ay ang pagbabago sa karaniwang panahon na dapat sana ay mangyari sa isang lugarMaaari ring ito ay ang pagdami o pagkabawas ng pagdagsa ng ulan kadata-on sa isang lugar. O maaaring ito ay isang pagbabago sa karaniwang temperatura ng isang lugar para sa isang buwan o season. Ayon sa mga eksperto, ang klima ng mundo ay laging nagbabago. Sa kanilang pag-aaral, ang temperature ng mundo ay tumaas ng halos 1 degree Fahrenheit sa nakalipas na 100 taon. Mukha man itong maliit lang, pero maari itong magdulot ng malaking epekto sa pagbabago sa buong mundo.

Sa Sabado, March 25, 2017, makiisa tayo sa gaganaping Earth Hour. Sabay sabay nating patayin ang ating mga ilaw dakong 8:30 ng gabi. 

Alam nyo bang ang mga tanyag na mga Landamarks sa buong mundo, ay magpapatay rin ng ilaw? Ilan rito ang Empire State Building, Eiffel Tower sa Paris, Sydney Opera House sa Australia, at Shanghai Skline. Ngayong taon naman na ito ay makikiisa ang Buckingham Palace, The Gherkin, London Eye, Big Ben at marami pang iba.

Akala nyo ba magpapahuli ang ating landmark? Syempre makikisa rin ang ating Baliwag Clock Tower! Kaya tandaan ang araw at petsa. Magpatay na ng ilaw at makiisa sa Earth Hour!






No comments:

Post a Comment