Baliwag Malasakit Center
Alagang May Malasakit
Noong una pa lamang ay naging interesado na ako malaman kung ano ang meron at ano ang ginagawa sa Baliwag Malasakit Center. Sa aking nakikita, (dahil nadadaanan ko ito kung papunta sa Sm Baliwag) ang Baliwag Malasakit Center ay isang Physical Rehabilitation at Multi-Specialty clinic para sa mga Senior Citizens, PWD (Person with Disability), Indigents at para sa mga bata.
Nakita at napatunayan ko ito noong ang aking nanay mismo ang nangailangan ng tulong. Kailangan niya ng "therapy" dahil galing siya sa isang major operation sa kanyang kaliwang hita na kinailangang palitan ng bakal ang ball joint nya. Isang Senior Citizen na ang aking nanay at kinuha ko ang oportunidad na iyon para mapasailalaim siya sa therapy na kung sa mga pribadong ospital ay medyo may kalakihan ang halaga kung ilang sessions iyon.
Maganda ang pasilidad ng Baliwag Malasakit Center, air-conditioned, kumportableng mga upuan, may sapat na kagamitan, maayos na kama para sa mga checkup at therapy kung kinakailangan. Available at may schedule ang mga doktor ayon sa iyong pangangailangan at karamdaman. Mababait rin ang mga staff na mag-aasikaso sa iyo.
Pumunta ang aking nanay na nakasaklay, sumunod ay bakal na tungkod na lang. Ika-apat na punta namin ay pinapalakad na siya na walang saklay o gabay. Nakakatuwa, dahil isa sa ginamit ng Diyos ang Malasakit Center para makalakad muli ang aking nanay. Maraming salamat kay Doc Michael Arvin Cruz, iba pang mga doktor at sa mga staff sa pagtityaga. Habang naroon ako ay nakita ko rin ang iba pang mga pasyente. Iba-iba ang kaso. May galing sa pagkaka-stroke, naoperahan, may mga bata pa kahit mga baby na may sakit na Cerebral Palsy ay buong puso nilang tinatanggap rito. At walang bayad ang pagpunta rito, LIBRE po ang lahat ng ito.
Tunay na mararamdaman ang malasakit sa kapwa sa gusaling ito. Sa aming Mayor Ferdie V Estrella, maraming, maraming salamat po dahil maraming natutulungan ang Baliwag Malasakit Center.
No comments:
Post a Comment