Sunday, September 18, 2016

Go WiFi! Libre ito sa Baliwag!

Go WiFi! 
Libre ito sa Baliwag!


      Setyembre 6, 2016 ay inilunsad para sa mamamayan ng bayan ng Baliwag ang libreng internet access o mas kilala sa tawag na GO WIFI. Alam ng ating butihing mayor na ang ilang kabataan ay kailangan pang magrenta sa mga computer shops para lamang makapag research sa kanilang mga takdang aralin sa eskwela. Ang mga kababayan natin ay may mga mahal sa buhay na nasa ibang lugar o ibang bansa na kailangan makausap. At madalas kailangan pa rin na magbayad sa mga computer shop para makagamit at makapag-access ng internet. Hindi na ngayon mga Baliwagenyo dahil may magandang balita!

    


      Sa pakikipagtulungan ng Globe, ang bayan ng Baliwag ay ang kauna-unahang LGU (Local Government Unit) na napili upang mabigyan ng mabilis na internet service. Isa ito sa #HappyKaarawanGoals ni Mayor Ferdie V. Estrella, ang mapasaya rin ang mga mamamayang kanyang nasasakupan. Ngayon, hindi na problema na walang internet sa pagre-research ng mga estudyante, makakausap ang mga mahal sa buhay at kaibigan sa pamamagitan ng inyong mga cellphone o ibang gadgets.
Kailangan lamang pumunta sa Glorietta Park at buksan ang WiFi settings ng inyong cellphone o ibang gadget at kumonekta sa BALIWAG_GoWiFi. Libre ito mga Baliwagenyo!


  




     O hindi ba happy ang lahat pag libre ang WiFi ??? Kitang kita naman na masaya ang mga Baliwagenyo lalo na ang mga kabataan. Salamat po kay Mayor Ferdie Estrella at Globe sa isang matagumpay na proyekto.



(Photo credits to Mayor Ferdie V. Estrella)

I-Follow ang Facebook page ng BaliwageKnow para sa iba pang balita tungkol sa ating bayan.

Thursday, September 15, 2016

Elsabel's Catering Services

Elsabel's Catering Services

     Tayong mga Baliwagenyo ay mahilig sa mga handaan, salo-salo at mga pagdiriwang. Tuwing darating ang kaarawan, kasal, binyag, debut, graduation at pati narin kung may namayapa na kamag-anak. Ang ilan sa atin ay abala sa paghahanda. Marahil nakagawian na natin ang pagtanggap at mabuting pag-estima sa ating mga bisita. Minsan sa paghahanda palang ng ihahain na pagkain, pag gayak ng lugar ay hindi maiwasan na may nakakaligtaan na gawin. Madalas pa nga ay hindi mo na naiaayos ang sarilis mo sa pagharap sa bisita dahil sa dami ng gawain.


     Upang mas magkaroon ng panahon para sa pag-estima ng bisita at makipaghalubilo, bakit hindi kumuha ng mga tao na gagawa nito para sa iyo hindi ba? May alam ako na gagawa ng mga ito para sa iyo. Problema sa paghahanda ng pagkain, pag-aayos ng lugar? Ang Elsabel's Chairs and Tables ang sagot sa problema mo. Kayang kaya nilang ayusin at pagandahin ang lugar na pagdarausan mula sa simple hanggang sa pinaka engrade na tema, ito man ay birthday, kasal, binyag, graduation o debut, wala ka nang iinitindihin pa. Mga upuan at lamesa ay narerentahan din sa knila. Mayroon din silang catering na ikaw mismo ang makakapili kung ano at ilan ang mga putahe na ihahain.

Narito ang ilan sa mga pictures ng kanilang mga gawa:











Kaya wag nang mamrublema pa, hayaan nang sila ang magasikaso ng mga pangangailangan nyo sa paghahanda. Tawagan na sila ngayon!

Contact:

Ms. Elsa Salas
Cellphone number: 09432460820 
337 A. Mabini St., Tibag, Baliuag, Bulacan

Baliwag Tower Clock, Inilawan na!

Baliwag Tower Clock, 
Inilawan na!


     Nasubukan nyo na bang dumaan at madalas rin ba kayong napapatingin sa Baliwag Tower Clock na nasa Glorietta Park? Isa rin ba kayo sa mga Baliwagenyo na kung minsan ay walang dalang relo o orasan kung kaya't dito tumitingin ng oras? Ang Baliwag Clock Tower sa napaka habang panahon ay naging saksi sa lahat ng kaganapan sa bayan ng Baliwag. Maraming magagandang alaala ang dito nabuo. Ito ay ang mga ginaganap na parada, paligsahan sa gitna ng Glorietta park, ang parada ng mga Santo at isama narin ang mga ingay ng mga sasakyang araw araw na dumaraan at umiikot sa Glorietta Park at Tower Clock.

(Photo Credits to the owner)



     Kaya naman sa pangunguna ng butihing mayor ng bayan ng Baliwag na si Mayor Ferdie V. Estrella ay nilinis at inayos ang nakagisnan na nating tower clock. Nito lamang Setyembre 6, 2016 ay pormal nang pinailaw ang Baliwag Tower Clock. Nagkaroon ng isang programa at ang lahat ay nag-abang sa pagpapailaw ng Tower Clock. Namangha ang lahat dahil ang Baliwag Tower Clock ay nagiiba iba ng kanyang kulay. Kung ang New York sa Estados Unidos ay may Empire State Building, at ang Paris ay may ipinagmamalaking Eiffel Tower, ang mga Baliwagenyo naman ang hindi magpapahuli. Heto at tignan ang mga litrato ng pagpapailaw na naganap.

(Photo Credits to the owner)



     Hindi ba't napakaganda? Sabi nga ng ibang naka kita at nakasaksi sa pagpapailaw ay maihahalintulad nga ito sa ibang bansa! Isa na namang matagumpay na #HappyKaarawanGoals ni Mayor Ferdie V. Estrella ang Baliwag Tower Clock, ang mapaganda, makapagbigay serbisyo at kasiyahan sa mga Baliwagenyo. Kaya mga kababayan, ano pang hinihintay nyo? Nakapag "Selfie" na ba kayo sa Baliwag Tower Clock? kung hindi pa, tara na sa Glorietta Park!


Wednesday, September 14, 2016

HighFVE sa Barangay Caravan, nagtungo sa Barangay Sulivan

HighFVE sa Barangay Caravan, 
nagtungo sa Barangay Sulivan
 



     Mula sa pamahalaang bayan ng Baliwag ay buong pwersang ibinaba ang mga serbisyo na karaniwang nakukuha lamang sa tanggapan ng munisipyo. Sa pangunguna ni Mayor Ferdie V. Estrella dinayo ang barangay Sulivan na ika-12 barangay na napuntahan na at naabot ng pamahalaang bayan. Layon ni Mayor Ferdie na mapuntahan ang 27 na barangay hanggang katapusan ng Setyembre.


     Ilan sa mga serbisyo na dinala ng pamahalaang bayan ay ang libreng Birth Registration o pagpapatala ng kapanganakan. Libreng konsultasyon para sa may mga problema sa kanilang birth certificate. Hindi na kailangang pumunta pa sa munisipyo upang maka kuha ng Cedula na ginagamit sa paglalakad ng anumang papeles. Ito ay makukuha lamang sa halagang bente pesos (20 pesos). "Palit Basura Store" kung saan ipinapalit ang inyong basura sa mga grocery items tulad ng kape, instant noodles, asukal, bigas at kung ano ano pa. May booth din ang mga Solo Parents, PWD at Senior Citizens. Mula naman sa tanggapan ng Nutrition and Population Office, nagbibigay sila ng libreng konsultasyon ukol sa family planning at gayon din ang pagpapatala ng mga batang underweight o kulang sa timbang. 


     Kung may problema sa kalusugan, ang Municipal Health Office o MHO ay may libreng medical at dental consultation, libre din ang kanilang mga gamot at pati na ang pagpapatingin sa mga espesyalista sa mata. Isinasagawa rin ang libreng door-to-door delivery ng mga maintenance na gamot para sa mga senior citizen upang hindi na sila mahirapan pa na bumili o kumuha sa mga health centers ng kanilang gamot. Pati naman ang Municipal Agricultural Office o MAO ay nagbigay ng libreng anti-rabies na bakuna para sa inyong mga alagang aso o pusa. Nagpamigay din sila ng mga libreng buto at punla ng mga gulay na pananim. May problema ba sa inuming tubig? kasama rin nila ang mga taga Baliwag Water District upang tugunan ang mga problema sa tubig, maaari ding magpa asikaso ng inyong application para magkaroon ng tubig ang inyong sambahayan. Ang mga kababaihan naman ay lubos na nagalak sa libreng manicure at pedicure, pati naman ang foot spa at pa-facial ay libre ring ibinigay sa mga mamamayan.













Nagpagamigay din ng Relief Supplies sa mga mamamayan mula naman sa DSWD at kitang kita ang taos pusong pasasalamat at ngiti ng mga taga barangay Sulivan.
 
 

Narito ang isang maikling video ng HighFVE sa Barangay Caravan sa Barangay Sulivan


     Ito ang serbisyong may malasakit. Sa pakikiisa at pagtutulungan ng pamahalaang bayan at kapitan ng bawat barangay ay naging matagumpay ang proyektong HighFVE sa Barangay. May labing lima (15) pa na nalalabing barangang ang pupuntahan at aabutin ng pamahalaang bayan kaya't alamin sa inyong barangay ang petsa ng Caravan sa inyong lugar.


Monday, September 12, 2016

BeanLeaf Coffee, Tea and Sausages

BeanLeaf 
Coffee, Tea and Sausages
Taste the Difference


     Mga Baliwagenyo! Hindi ba't masarap magkape kapag maulan? at napapadalas ang pag inom ng kape ngayon kasi malapit na dumating ang tag-lamig dahil sa simoy Pasko ika nga ng karamihan. Maaring kagaya nyo rin ako na mahilig magpunta sa mga coffee shop para makapag relax, nagbabasa habang iniinom ang mainit na kape o nakikipag kwentuhan sa mga kaibigan habang umiinom ng malamig na milktea o frappe. Madalas ay hindi nawawala na magkaka-yayaan ng mga kaibigan o kaklase, mga kasamahan sa trabaho at siyempre ang magpapamilya. Simple ngunit isa lang ang layunin, na makapag "bonding" o makipaghalubilo kahit paminsan minsan. Ganyan tayong mga Pinoy.




      Kaya naman naghanap pa ako ng mga mapupuntahan ko na coffee shop sa Baliwag at natagpuan ko nga ang BeanLeaf. Hindi lang kape at mga frappe ang mayroon sila. Natikman ko ang kanilang masarap at healthy na sandwhich. Ang Tuna Kani Sandwhich na may hiniwang crab sticks, tuna lettuce at relished pickles. Mas pina sustansya pa ng kanilang tinapay na ang tawag ay Ciabatta Bread. Sa pagtikim ko palang ay ramdam ko nga na nakaka busog ito agad. At hindi nga ako nagkamali, dahil nakakalahatian ko pa lang ang aking sandwhich ay busog na agad ako. Pakiramdam ko ay hindi na ako kakain ng hapunan dahil siksik ang kanilang tinapay at bagay na bagay ang ipinalaman dito. Pati naman ang kanilang Veal Bratwurst Sausage ay panalo ang lasa, tamang tama lang ang alat at eksakto ito na kasama ng Mashed Potato. Pwede rin naman itong palitan ng kanin kung iyong ire-request. Dahil sa sobrang malasa ang kanilang sausage, malamang ay maka-ilang order ka ng kanin. Pero huwag mag-alala dahil unlimited ang kanilang kanin! Natikman ko rin ang kanilang Squid Fries. May kasamang nachos ito na hindi kagaya ng iba na matabang at bagay lamang kung may kasamang sawsawan o sauce dip. Nagustuhan ko ang Squid Fries dahil malutong ang breading pero malambot ang squid sa loob nito. Hindi naman magpapahuli ang lasa ng kanilang Carbonara. Ito palang ang mga kinain ko pero pakiramdam ko ay talagang busog na busog na ako. Marami pa akong dapat matikman sa BeanLeaf.


     Itinanong ko sa kanila kung ano ang kanilang specialty sa mga Milktea, at ito nga daw ang kanilang ipinagmamalaking "Okinawa Milktea". Masasabi ko na napakasarap ng kanilang Okinawa Milktea dahil consistent o hindi nagbabago ang lasa kahit matunaw na ang yelo nito. Tama lang din ang lambot ng kanilang sago o black pearl. Hindi nakakasawa kainin at hindi rin masakit sa panga dahil sa kaka-nguya! Isa pang ipinagmamalaki nila at tanging ang BeanLeaf lang ang mayroon ay ang kanilang "Nutella Overload". Tiyak na magusustuhan pati na ng mga bata... at batang puso! Sino ba ang hindi magkaka gusto sa lasa ng "Nutella"? May mahigit na 40 na klase ng inumin ang kanilang tinitimpla sa BeanLeaf. Ang mga susunod na ipapakita ko sa inyo ay tiyak ko na matatakam kayo.


Tuna Kani Sandwich
Squid Fries
Veal Bratwurst Sausage
Carbonara
Okinawa Milktea

Nutella Overload
Tara at samahan ninyo ako sa maikling video ng aking pagpunta sa BeanLeaf!


Sa BeanLeaf masarap na, mura at may WiFi pa na libre! Heto ang kanilang Menu. Tara at nang matikman nyo rin ang pagkakaiba ng kanilang mga pagkain sa ibang coffee shop.


     Pinaunlakan ako ni Ms Madel Nazar, may ari ng BeanLeaf Baliuag Branch ng isang interview. Nalaman ko na ang kanilang coffee shop ay ang ika-42 branch na ng BeanLeaf. Nagbukas ang kanilang coffee shop noong Pebrero 10, 2016. Siya ay nagtapos sa kursong HRM (Hotel and Restaurant Management). Dati ang magkaroon ng ganitong coffee shop ay pangarap lamang hanggang sa pinagaralan nya mabuti ang pagpapatakbo ng ganitong negosyo. Ayon sa kanya, kailangan lang na i-enjoy mo kung ano yung ginagawa mo dahil kung hindi, walang mararating ang iyong negosyo.

 
Ang BeanLeaf Baliuag branch ay matatagpuan sa:
268 C J.P. Rizal Street, Brgy. San Jose, Baliuag, Bulacan
Delivery Service: 0922 7322393 / 0932 5057728
I-follow na sila sa kanilang Facebook page: BeanLeaf Coffee, Tea & Sausages