Wednesday, September 14, 2016

HighFVE sa Barangay Caravan, nagtungo sa Barangay Sulivan

HighFVE sa Barangay Caravan, 
nagtungo sa Barangay Sulivan
 



     Mula sa pamahalaang bayan ng Baliwag ay buong pwersang ibinaba ang mga serbisyo na karaniwang nakukuha lamang sa tanggapan ng munisipyo. Sa pangunguna ni Mayor Ferdie V. Estrella dinayo ang barangay Sulivan na ika-12 barangay na napuntahan na at naabot ng pamahalaang bayan. Layon ni Mayor Ferdie na mapuntahan ang 27 na barangay hanggang katapusan ng Setyembre.


     Ilan sa mga serbisyo na dinala ng pamahalaang bayan ay ang libreng Birth Registration o pagpapatala ng kapanganakan. Libreng konsultasyon para sa may mga problema sa kanilang birth certificate. Hindi na kailangang pumunta pa sa munisipyo upang maka kuha ng Cedula na ginagamit sa paglalakad ng anumang papeles. Ito ay makukuha lamang sa halagang bente pesos (20 pesos). "Palit Basura Store" kung saan ipinapalit ang inyong basura sa mga grocery items tulad ng kape, instant noodles, asukal, bigas at kung ano ano pa. May booth din ang mga Solo Parents, PWD at Senior Citizens. Mula naman sa tanggapan ng Nutrition and Population Office, nagbibigay sila ng libreng konsultasyon ukol sa family planning at gayon din ang pagpapatala ng mga batang underweight o kulang sa timbang. 


     Kung may problema sa kalusugan, ang Municipal Health Office o MHO ay may libreng medical at dental consultation, libre din ang kanilang mga gamot at pati na ang pagpapatingin sa mga espesyalista sa mata. Isinasagawa rin ang libreng door-to-door delivery ng mga maintenance na gamot para sa mga senior citizen upang hindi na sila mahirapan pa na bumili o kumuha sa mga health centers ng kanilang gamot. Pati naman ang Municipal Agricultural Office o MAO ay nagbigay ng libreng anti-rabies na bakuna para sa inyong mga alagang aso o pusa. Nagpamigay din sila ng mga libreng buto at punla ng mga gulay na pananim. May problema ba sa inuming tubig? kasama rin nila ang mga taga Baliwag Water District upang tugunan ang mga problema sa tubig, maaari ding magpa asikaso ng inyong application para magkaroon ng tubig ang inyong sambahayan. Ang mga kababaihan naman ay lubos na nagalak sa libreng manicure at pedicure, pati naman ang foot spa at pa-facial ay libre ring ibinigay sa mga mamamayan.













Nagpagamigay din ng Relief Supplies sa mga mamamayan mula naman sa DSWD at kitang kita ang taos pusong pasasalamat at ngiti ng mga taga barangay Sulivan.
 
 

Narito ang isang maikling video ng HighFVE sa Barangay Caravan sa Barangay Sulivan


     Ito ang serbisyong may malasakit. Sa pakikiisa at pagtutulungan ng pamahalaang bayan at kapitan ng bawat barangay ay naging matagumpay ang proyektong HighFVE sa Barangay. May labing lima (15) pa na nalalabing barangang ang pupuntahan at aabutin ng pamahalaang bayan kaya't alamin sa inyong barangay ang petsa ng Caravan sa inyong lugar.


No comments:

Post a Comment