Thursday, September 15, 2016

Baliwag Tower Clock, Inilawan na!

Baliwag Tower Clock, 
Inilawan na!


     Nasubukan nyo na bang dumaan at madalas rin ba kayong napapatingin sa Baliwag Tower Clock na nasa Glorietta Park? Isa rin ba kayo sa mga Baliwagenyo na kung minsan ay walang dalang relo o orasan kung kaya't dito tumitingin ng oras? Ang Baliwag Clock Tower sa napaka habang panahon ay naging saksi sa lahat ng kaganapan sa bayan ng Baliwag. Maraming magagandang alaala ang dito nabuo. Ito ay ang mga ginaganap na parada, paligsahan sa gitna ng Glorietta park, ang parada ng mga Santo at isama narin ang mga ingay ng mga sasakyang araw araw na dumaraan at umiikot sa Glorietta Park at Tower Clock.

(Photo Credits to the owner)



     Kaya naman sa pangunguna ng butihing mayor ng bayan ng Baliwag na si Mayor Ferdie V. Estrella ay nilinis at inayos ang nakagisnan na nating tower clock. Nito lamang Setyembre 6, 2016 ay pormal nang pinailaw ang Baliwag Tower Clock. Nagkaroon ng isang programa at ang lahat ay nag-abang sa pagpapailaw ng Tower Clock. Namangha ang lahat dahil ang Baliwag Tower Clock ay nagiiba iba ng kanyang kulay. Kung ang New York sa Estados Unidos ay may Empire State Building, at ang Paris ay may ipinagmamalaking Eiffel Tower, ang mga Baliwagenyo naman ang hindi magpapahuli. Heto at tignan ang mga litrato ng pagpapailaw na naganap.

(Photo Credits to the owner)



     Hindi ba't napakaganda? Sabi nga ng ibang naka kita at nakasaksi sa pagpapailaw ay maihahalintulad nga ito sa ibang bansa! Isa na namang matagumpay na #HappyKaarawanGoals ni Mayor Ferdie V. Estrella ang Baliwag Tower Clock, ang mapaganda, makapagbigay serbisyo at kasiyahan sa mga Baliwagenyo. Kaya mga kababayan, ano pang hinihintay nyo? Nakapag "Selfie" na ba kayo sa Baliwag Tower Clock? kung hindi pa, tara na sa Glorietta Park!


No comments:

Post a Comment