BeanLeaf
Coffee, Tea and Sausages
Taste the Difference
Mga Baliwagenyo! Hindi ba't masarap magkape kapag maulan? at napapadalas ang pag inom ng kape ngayon kasi malapit na dumating ang tag-lamig dahil sa simoy Pasko ika nga ng karamihan. Maaring kagaya nyo rin ako na mahilig magpunta sa mga coffee shop para makapag relax, nagbabasa habang iniinom ang mainit na kape o nakikipag kwentuhan sa mga kaibigan habang umiinom ng malamig na milktea o frappe. Madalas ay hindi nawawala na magkaka-yayaan ng mga kaibigan o kaklase, mga kasamahan sa trabaho at siyempre ang magpapamilya. Simple ngunit isa lang ang layunin, na makapag "bonding" o makipaghalubilo kahit paminsan minsan. Ganyan tayong mga Pinoy.
Kaya naman naghanap pa ako ng mga mapupuntahan ko na coffee shop sa Baliwag at natagpuan ko nga ang BeanLeaf. Hindi lang kape at mga frappe ang mayroon sila. Natikman ko ang kanilang masarap at healthy na sandwhich. Ang Tuna Kani Sandwhich na may hiniwang crab sticks, tuna lettuce at relished pickles. Mas pina sustansya pa ng kanilang tinapay na ang tawag ay Ciabatta Bread. Sa pagtikim ko palang ay ramdam ko nga na nakaka busog ito agad. At hindi nga ako nagkamali, dahil nakakalahatian ko pa lang ang aking sandwhich ay busog na agad ako. Pakiramdam ko ay hindi na ako kakain ng hapunan dahil siksik ang kanilang tinapay at bagay na bagay ang ipinalaman dito. Pati naman ang kanilang Veal Bratwurst Sausage ay panalo ang lasa, tamang tama lang ang alat at eksakto ito na kasama ng Mashed Potato. Pwede rin naman itong palitan ng kanin kung iyong ire-request. Dahil sa sobrang malasa ang kanilang sausage, malamang ay maka-ilang order ka ng kanin. Pero huwag mag-alala dahil unlimited ang kanilang kanin! Natikman ko rin ang kanilang Squid Fries. May kasamang nachos ito na hindi kagaya ng iba na matabang at bagay lamang kung may kasamang sawsawan o sauce dip. Nagustuhan ko ang Squid Fries dahil malutong ang breading pero malambot ang squid sa loob nito. Hindi naman magpapahuli ang lasa ng kanilang Carbonara. Ito palang ang mga kinain ko pero pakiramdam ko ay talagang busog na busog na ako. Marami pa akong dapat matikman sa BeanLeaf.
Itinanong ko sa kanila kung ano ang kanilang specialty sa mga Milktea, at ito nga daw ang kanilang ipinagmamalaking "Okinawa Milktea". Masasabi ko na napakasarap ng kanilang Okinawa Milktea dahil consistent o hindi nagbabago ang lasa kahit matunaw na ang yelo nito. Tama lang din ang lambot ng kanilang sago o black pearl. Hindi nakakasawa kainin at hindi rin masakit sa panga dahil sa kaka-nguya! Isa pang ipinagmamalaki nila at tanging ang BeanLeaf lang ang mayroon ay ang kanilang "Nutella Overload". Tiyak na magusustuhan pati na ng mga bata... at batang puso! Sino ba ang hindi magkaka gusto sa lasa ng "Nutella"? May mahigit na 40 na klase ng inumin ang kanilang tinitimpla sa BeanLeaf. Ang mga susunod na ipapakita ko sa inyo ay tiyak ko na matatakam kayo.
Tuna Kani Sandwich |
Squid Fries |
Veal Bratwurst Sausage |
Carbonara |
Okinawa Milktea |
Nutella Overload |
Tara at samahan ninyo ako sa maikling video ng aking pagpunta sa BeanLeaf!
Sa BeanLeaf masarap na, mura at may WiFi pa na libre! Heto ang kanilang Menu. Tara at nang matikman nyo rin ang pagkakaiba ng kanilang mga pagkain sa ibang coffee shop.
Pinaunlakan ako ni Ms Madel Nazar, may ari ng BeanLeaf Baliuag Branch ng isang interview. Nalaman ko na ang kanilang coffee shop ay ang ika-42 branch na ng BeanLeaf. Nagbukas ang kanilang coffee shop noong Pebrero 10, 2016. Siya ay nagtapos sa kursong HRM (Hotel and Restaurant Management). Dati ang magkaroon ng ganitong coffee shop ay pangarap lamang hanggang sa pinagaralan nya mabuti ang pagpapatakbo ng ganitong negosyo. Ayon sa kanya, kailangan lang na i-enjoy mo kung ano yung ginagawa mo dahil kung hindi, walang mararating ang iyong negosyo.
Ang BeanLeaf Baliuag branch ay matatagpuan sa:
268 C J.P. Rizal Street, Brgy. San Jose, Baliuag, Bulacan
Delivery Service: 0922 7322393 / 0932 5057728
I-follow na sila sa kanilang Facebook page: BeanLeaf Coffee, Tea & Sausages
I-follow na sila sa kanilang Facebook page: BeanLeaf Coffee, Tea & Sausages
No comments:
Post a Comment