Setyembre 10, 2016 ay naganap ang pagbubukas at "Dedication" o pagtatalaga sa Diyos ng isang branch ng Choobi Choobi dito sa SM City Baliwag (Bulacan). Ang Choobi Choobi ay nanggaling sa Chinese word na ang ibig sabihin ay "Enjoy enjoy lang" o happy happy lang. Ito ang kanilang ika-21 na branch at magbubukas din ang ika-22 nilang branch sa Dasmarinas, Cavite. Kasama ang may-ari ng Choobi Choobi na si Mr. Stan Tanchan, naganap ang "Dedication" ng kanilang restaurant na pinangunahan ni Pastor Ben (Greenhills Christian Fellowship). Dinaluhan ng butihing mayor ng Baliwag na si Mayor Ferdie V. Estrella at mga konsehal ng bayan ang nasabing pagbubukas.
Si Mr. Stan Tanchan ay naniniwala at kinikilala na dapat unahin ang Panginoon sa pagtatayo ng negosyo. Dumami ang mga branches ng Choobi Choobi dahil sa pagiging faithful ni Sir Stan sa Panginoon. Sabi nga sa Proverbs 3:5-6 na itinuro din ni Pastor Ben, "Trust in the Lord with all your heart and lean not on your own understanding; in all your ways submit to him, and he will make your paths straight." na siya ring pinanghahawakan na salita ng Diyos ni Sir Stan. At iyan ang isang sikreto nya sa kanyang pagnenegosyo.
Ang mga pagkain na ihinahain sa Choobi Choobi ay si Sir Stan mismo ang gumawa ng recipe. Ang mga hipon na kasama sa kanilang specialty ay hango mismo sa kanilang farm sa Cebu kaya makaka siguro ang mga kumakain dito na fresh at malinis ang kanilang mga ihinahain.
Narito ang ilan sa mga specialty ng Choobi Choobi.
Shrimp in a Bag (Butter Garlic flavor)
Their house special - Salted Egg Shrimp in a Bag (Singaporean Style)
Stan's Fried Black Pepper Shrimp
Choobi Pata
Lola Pepang's Fried Manok, a family recipe passed on for four generations.
Cha Tao Miao - Stir Fried Snow Pea Sprouts
Pancit Canton
Nakakatakam at talaga namang napakasarap ng kanilang mga pagkain. Hindi pa natatapos diyan dahil ipapasilip ko sa inyo ang mga naganap sa kanilang pagbubukas at dedication day.
Kaya ano pang hinihintay nyo mga Baliwagenyo? Tara na at lingaw lingaw kaon sa Choobi Choobi SM City Baliwag! (Ground floor)
No comments:
Post a Comment