Galing ng Galing Baliwag
Food Expo
Setyembre 5 hanggang 9, 2016 ay naganap ang isa sa #HappyKaarawanGoals ng butihing Mayor ng bayan ng Baliwag na si Mayor Ferdie V. Estrella ang pagsasama sama ng mga produkto na gawa ng mga Baliwagenyo. Tinawag itong "Galing ng Galing Baliwag Food Expo". Isang matagumpay na proyekto upang maipagmalaki ang mga masasarap na pagkain at kultura dito sa bayan ng Baliwag.
Sa aking pag-iikot sa Heroes Park kung saan naka display ang mga booth ng iba't ibang produkto, ilan sa mga ito ay naging kilala na pag sinabi mo pa lang na "Galing Baliwag" ito. Ilan sa mga ito ang Ortega's Best na gumagawa ng mga masasarap na frozen food gaya ng tocino, longanisa at tapa. Naroon din ang Linmer's na kilala sa kanilang "Inipit", ensaymada at marami pang iba. Ang Kalahi - na kilala sa kanilang masarap na Pastillas de Leche. Tia Elena's na kilala dahil sa knilang eat-all-you-can na setup sa kanilang restaurant. Geamm's na naging tanyag sa kanilang iba't ibang kukutin at sitserya gaya ng Spicy Pusit, Spicy Dilis, Chichacorn, at iba pa. Fernando's Bakeshop para sa napaka gandang nilang mga designs ng cakes. Julie's Bakeshop na kilala rin sa kanilang Bitso-bitso. Mary's Baked Good na gumagawa ng masasarap na Puto. RedBuck's na kayang tapatan ang mga malalaking pangalan ng coffee shops. At siyempre dahil "ber" months na naman, makakalimutan ba ang mga nagluluto ng Puto Bumbong sa plaza ng Baliwag? Inaabangan ito pag-apak pa lang ng buwan ng Setyembre. Ilan sa mga tindahan na tumatak na sa larangan ng pag gawa ng puto bumbong at bibingka ay ang Marilou's, Marissa's at Ka Resty's. Hindi ko malilimutan ang kanilang libreng Tsaa at Salabat, pag upo mo pa lang sa kanilang mga tindahan ay agad ka nang bibigyan nito habang inaantay ang mainit at bagong luto na bibingka at puto bumbong.
Narito ang ilan sa mga litrato na kuha ko sa aking paglilibot.
|
Ortega's Best |
|
LinMer's Bakeshop |
|
Kalahi |
|
Tia Elena's |
|
Geamm's |
|
Fernando's Bakeshop |
|
Mary's Bake Goods |
|
Julie's Bakeshop |
At ang mga institusyon na sa pagtitinda ng masarap na bibingka at puto bumbong.
|
Marilou's |
|
Marissa's |
|
Ka Resty's |
Tunay nga na dito pa lang sa ating bayan ay marami na tayong produkto na nakilala at gumawa ng pangalan sa larangan ng pagkain. Maraming salamat po Mayor Ferdie Estrella sa paniniwala sa Galing ng Galing Baliwag! Mabuhay po kayo!
No comments:
Post a Comment