Saturday, April 8, 2017

Magandang buhay para sa pamilya ni ROMMEL

Magandang buhay para sa pamilya ni ROMMEL

     Naalala nyo ba ang batang c Rommel? Para bigyan kayo ng kaunting background, siya yuong batang may kapatid na may Cerebral Palsy at lagi niyang kasa-kasama ang kanyang kapatid kahit sa kanyang pagpasok sa eskwelahan na ang tanging hiling lamang ay mapasaya ang kanyang kapatid at siya rin ay napanood nating lahat sa isang segment ng TV Patrol noong isang buwan lamang. 

Narito ang aking article noong isang buwan:
 http://www.baliwagenews.info/2017/03/tanging-hiling-ni-rommel.html


     Good news! Dinalaw ng butihing Mayor ng Baliwag, Bulacan - Mayor Ferdie V. Estrella ang nasabing bata at ang kanyang pamilya. Walang pagsidlan ang kagalakan ng pamilya ni Rommel ng sila ay puntahan sa kanilang bahay at bigyan ng tulong na pinansiyal, ilang makakakin ng pamilya, at ipagpapagawa pa ng maliit na bahay sa kanilang lupa. Nagsama rin ng Doktor upang matignan ang kalusugan ng dalawang bata. 

Photo Credits: Cruz Luke Andrew
Photo Credits: Cruz Luke Andrew
     Hanggad ni Mayor Ferdie Estrella na mapabuti ang bawat mamamayan ng bayan ng Baliwag. Ganun din naman ay dinadalaw nya rin ang mga may sakit at iba pang nangangailangan ng tulong. Magandang buhay hindi lamang sa pamilya ni Rommel kundi sa lahat nng Baliwagenyo ang hanggad ni Mayor Ferdie. Tunay na ang serbisyong may malasakit ay hindi lamang para sa iilan, kung hindi sa higit na nakararami. 

Photo Credits: Cruz Luke Andrew



Wednesday, April 5, 2017

ALAB Pilipinas vs Singapore Slingers

ALAB Pilipinas vs Singapore Slingers

     Muling magbabalik ang koponan ng ALAB Pilipinas sa ating bayan - Baliwag para sa kanilang laro laban sa koponan ng Singapore. Handa na ba kayo Baliwagenyo? Sa April 7, 2017... 8pm na ang laban sa Baliwag Star Arena!

Photo credits: ABL's official page
Kagaya ng nauna nilang laro, mainit ang pagtanggap ng mga Baliwagenyo sa ALAB Pilipinas. Kung larong basketball rin lang ang paguusapan, hindi magpapahuli ang mga Pinoy, hindi ba? 

Gusto mo bang makanood ng LIBRE? Paano? --- Sa Huwebes, April 6, 2017 pumila na sa Baliwag Star Arena mula alas 2 hanggang alas 4 ng hapon. Mamimigay na ng libreng tiket. Magmadali dahil limited lamang ito at isa lamang kada isang manonood ang ibibigay na ticket. 



Paalala lamang po, bilang pagpapakita ng ating suporta sa koponan ng Pilipinas, ang mga manonood po ay kung maaari lamang po ang magsuot ng kulay PUTI na damit. Lakasan na ang hiyawan at sigawan para i-cheer ang team ALAB Pilipinas!


Thursday, March 23, 2017

EARTH HOUR, Makiisa na!

EARTH HOUR, Makiisa na!



     Ano nga ba ang "EARTH HOUR" at paano tayo makikiisa rito? Sa mga hindi pa nakakaalam kung ano ito, ito ay ang pagpatay ng mga ilaw at kasangkapan na de kuryente sa loob ng 60 minuto o isang oras. Nilalahukan ito ng milyon milyong tao sa buong mundo.

Sa pamamagitan nito, lahat sila ay nagpapakita kung gaano nila pinapangalagaan ang ating planeta sa pamamagitan ng pagpatay ng ilaw sa takdang oras sa loob ng 1 sang oras.

Ang Earth Hour ay isang movement o kilusan na binuo ng WWF o World Wide Fund. Ang unang Earth Hour ay ginanap sa Sydney, Australia dahil gusto nilang maging aware ang mga tao sa Climate Change o Global Warming. Para ito sa kalikasan, makakatulong na makabawas sa nararanasan natin klima o pagbabago ng panahon. 

Bakit kailangan natin magpatay ng ilaw sa Earth Hour?

Ang Earth Hour ay hindi lamang patungkol sa pagtitipid ng kuryente. Binibigyang pansin rin nito ang mga issue na nagdudulot ng climate change, gaya ng polusyon, paggamit ng mga kemikal na nakakasira sa kalikasan at iba pa. Ang lahat ng layunin nito ay iisa lamang ang may dahilan... ang Climate Change o pagbabago ng klima. Ito ay ang pagbabago sa karaniwang panahon na dapat sana ay mangyari sa isang lugar. Maaari ring ito ay ang pagdami o pagkabawas ng pagdagsa ng ulan kadata-on sa isang lugar. O maaaring ito ay isang pagbabago sa karaniwang temperatura ng isang lugar para sa isang buwan o season. Ayon sa mga eksperto, ang klima ng mundo ay laging nagbabago. Sa kanilang pag-aaral, ang temperature ng mundo ay tumaas ng halos 1 degree Fahrenheit sa nakalipas na 100 taon. Mukha man itong maliit lang, pero maari itong magdulot ng malaking epekto sa pagbabago sa buong mundo.

Sa Sabado, March 25, 2017, makiisa tayo sa gaganaping Earth Hour. Sabay sabay nating patayin ang ating mga ilaw dakong 8:30 ng gabi. 

Alam nyo bang ang mga tanyag na mga Landamarks sa buong mundo, ay magpapatay rin ng ilaw? Ilan rito ang Empire State Building, Eiffel Tower sa Paris, Sydney Opera House sa Australia, at Shanghai Skline. Ngayong taon naman na ito ay makikiisa ang Buckingham Palace, The Gherkin, London Eye, Big Ben at marami pang iba.

Akala nyo ba magpapahuli ang ating landmark? Syempre makikisa rin ang ating Baliwag Clock Tower! Kaya tandaan ang araw at petsa. Magpatay na ng ilaw at makiisa sa Earth Hour!






Sunday, March 19, 2017

Tanging hiling ni ROMMEL

Tanging hiling ni ROMMEL...

Photo Credits : TV Patrol

Isang mag-aaral mula sa ating bayan (Baliwag, Bulacan) ang kamakailan lamang naibalita sa telebisyon sa programang TV Patrol (Channel 2). Tungkol ito sa isang bata na taga Baliwag, si Rommel Ramos.

Mahirap ang kanilang buhay, labing tatlong taong gulang pa lamang si Romel Ramos ngunit siya ang nag-aalaga sa kanyang kapatid na ipinanganak na may Cerebral Palsy* Kasabay sa kanyang pag-aaral ay ang araw-araw na pagaalaga sa kanyang kapatid. Minsan ay hindi na siya nakakapaglaro dahil dito, ngunit hindi nya ito iniinda dahil ang tanging hiling nya ay maalagaan at mapasaya lamang ang kanyang kapatid na may sakit.

- *Ang Cerebral Palsy ay isang grupo ng mga sakit kung saan nagkakaroon ng iba’t-ibang abnormalidad sa pag-galaw ang mga batang mayroon nito. Ang sakit na ito ay resulta ng malpormasyon ng utak na maaring nangyari habang ang sanggol ay nasasinapupunan pa lamang ng ina, habang siya ay ipinapanganak, o kaya’y ilang buwan matapos ipanganak ang sanggol.

Ang kanilang ina ay maagang namayapa dahil sa sakit na Tuberculosis o TB. Sng kanyang ama naman na si Richard ay nangangalakal ng mga basura para sila ay magkaroon ng pagkain sa araw-araw. Nakakamagha ang batang ito dahil masikap mag-aral at gusto niyang maging Engineer balang araw. Maraming salamat sa 
kaniyang guro na si Mam Cynthia at ginagabayan rin siya sa kanyang pagaaral.

Kaya naman ang programang TV Patrol ay umaksyon at binigyan ng simpleng kahilingan ang batang si Rommel --- ang mapasaya ang kanyang kapatid na may sakit. 

Narito ang nasabing video ng TV Patrol. 
Video Credits: TV Patrol


Tunay nga na ang batang ito ay marapat lamang ikarangal hindi lamang ng kanyang magulang kundi ng bayan. Sana ay matulungan rin siya at ang kanyang pamilya ng ating pamahalaan. Saludo kami sa iyo, Rommel!

Photo Credits: TV Patrol


Monday, March 13, 2017

Lilian Corigal, Matapat na Traffic Enforcer

Lilian Corigal,
Matapat na Traffic Enforcer


     Muli na namang pinatunayan ng mga Baliwagenyo ang pagiging matapat, hindi lamang sa kanilang tungkulin kundi pati na rin sa kapwa. Kaninang umaga lamang ay binigyan ng parangal ang isang matapat na Trafic Enforcer na nagsauli ng wallet na may laman na nagkakahalagang humigit kumulang 10,000 pesos.

Ang matapat na Traffic Enforcer na ito ay si Lilian Corigal. Araw-araw ko siyang nakikita sa kalye at tumutulong sa pag-aayos ng trapiko. Kahit sa kainitan ng araw ay hindi umaalis sa kanilang puwesto. Hanggang sa isang araw ay nakakuha siya ng wallet na naglalaman ng pera. Para sa hindi naman kalakihan ang sweldo, ano ang kanyang ginawa? Namayani pa rin ang kanyang pagiging matapat.

Ang kanyang nakuhang pera ay isinurrender kay BTMO Head "Konsi Tisoy" Santos. Agad naman itong naibalik sa may-ari dahil sa lamang Identification Card. Napagalamang pagmamay-ari ng isang Senior Citizen na si Mr. Vicente Co na taga barangay Sto Cristo, Baliwag ang nasabing wallet. 


     Binigyan ng kaunting pabuya ng munisipyo ng bayan ng Baliwag ang nasabing Traffic Enforcer sa pangunguna ni Municipal Administrator Eric Tagle at Konsehal Dingdong Nicolas. 

Salamat Traffic Enforcer Lilian, nawa ay maging inspirasyon ka sa lahat ng mamamayan, hindi lamang sa Baliwag, kundi sa buong bansa. Tunay na ikinararangal ka ng bayan, Traffic Enforcer Lilian Corigal. Saludo kami sa 'yo!