Monday, December 26, 2016

#MMFF2016 : Sunday Beauty Queen ni Baby Ruth Villarama

#MMFF2016
Sunday Beauty Queen 
ni Baby Ruth Villarama


     Isang "dokyu" o dokumentaryo na paiiyakin ka dahil may kurot sa puso ang mga kwento ng bawat OFW na nagtratrabaho sa HongKong. Matutuwa dahil sa maraming dahilan kung bakit angat ang mga Pinoy sa larangan ng pagtratrabaho. Patatawanin ka dahil minsan pipilitin nila na lumabas para makasama ang mga kapwa OFW para aliwin ang mga sarili nila tuwing day-off nila gaya ng pagsali sa mga beauty pageant. May parte rin na maiinis ka dahil sa kakulangan ng suporta at proteksyon ng gobyerno para sa mga Overseas Filipino Workers. 

Cinema 4, SM City Baliwag
     Magandang pelikula ni Direk Baby Ruth Villarama na ang focus ay ang mga OFW na nagtratrabaho sa HongKong bilang mga Domestic Helpers. Istorya ng mga Domestic Helpers na trabaho mula Lunes hanggang Sabado at Rampa kapag Linggo. Makikita ang iba't ibang kwento ng mga Pinay na nagtitiis na malayo sa kanilang pamilya para mabigyan sila ng magandang buhay. Hindi nagiging pare-pareho ang kapalaran ng ilan nating mga OFW roon. May napupunta sa mga mabubuting mga employers, ang iba naman ay hindi at kung minsan pa nga ay minamaltrato ng kanilang mga amo. Sana lang ay mabigyan sila ng proteksyon ng ating gobyerno. 

     Nakatutuwa ang ilang pamilya na kanilang napagtrabahuhan dahil sobrang na-appreciate nila ang malaking tulong na naibibigay ng mga domestic helpers sa kanila. Ang isang employer pa nga ang nagsabi "if there are no Filipina/foreign workers here, HongKong will be in trouble, who will take care of their families and their kids..." Nakakataba rin ng puso ang isang employer na halos ayaw paalisin ang isang Filipina domestic helper sa kanilang tahanan dahil napamahal na ito sa kanila. Naging inspirasyon ni Direk Baby Ruth ang kanyang ina na minsang naging Domestic Helper rin. 

     Dahil sa pelikulang Sunday Beauty Queen at sa natatanging galing ni Direk Baby Ruth Villarama na tubong Baliwag, Bulacan ay ginawaran siya ng parangal at pagkilala ng pamahalaang bayan ng Baliwag, December 26, 2016 sa Cinema 4 ng SM City Baliwag. Tunay na maipagmamalaki na nabigyan ng pagkakataon ang pelikulang ito na makapasok sa Metro Manila Film Festival. Isang pelikulang kukurot at aantig sa puso ng bawat Pilipino at hindi dapat palampasin kaya nood na! 


Municipal Admin Eric Tagle, Bokal Buko Dela Cruz, Direk Baby Ruth Villarama,
Mrs Sonia Estrella at Konsehal Pechay Dela Cruz
Mayor Ferdie V. Estrella, Direk Baby Ruth Villarama at Bokal Buko Dela Cruz
Photo Credits: Mayor Ferdie Estrella


No comments:

Post a Comment