Friday, December 30, 2016

Paggunita sa ika-120 Anibersaryo ng Kabayanihan ni Gat Jose Rizal


Disyembre 30, 2016 ay nagtipon ang lahat sa bantayog ni Gat Jose Rizal sa Plaza Naning, Baliwag, Bulacan upang gunitain ang kanyang ika-120 anibersaryo ng kabayanihan. Si José Protacio Rizal Mercado y Alonso Realonda ay ipinanganak noong June 19, 1861 sa Calamba, Laguna at binaril sa Bagumbayan, Maynila noong Disyembre 30,1896. Marami sa atin ang nakakaalam ng mga kabayanihan na kanyang nagawa. Kung hindi pa, narito ang kanyang talambuhay. (Talambuhay ni Gat Jose Rizal)

Trivia: Alam ba ninyo na ang ina ng lola ni Jose Rizal ay taga Baliwag, Bulacan din? Siya si María Alejandro (Florentina). Sinasabing ang kanyang mga angkan din ay nanggaling sa Baliwag. 

Nagumpisa ang programa sa pagtataas ng watawat ng Pilipinas at sabayang pag-awit ng Pambansang Awit ng Pilipinas na tinugtugan ng Baliwag Polytechnic College Band at Baliuag University Band.




Baliwag Polytechnic College Band at Baliuag University Band
Pinangunahan ni Mayor Ferdie V Estrella, kasama sina P/Supt., Froilan Uy (Hepe ng Kapulisan) at G. Giovanni Labao (Pangulo ng Baliwag Historical Association) ang pagbibigay pugay at pag-aalay ng bulaklak sa bantayog ni Gat Jose Rizal. Dinaluhan rin ito ng iba't ibang mga grupo, guro at estudyante. 


Ayon sa talumpati ni Mayor Ferdie, "Ang hamon sa atin, paano tayo magiging bayani sa makabagong panahon?" "Let us do ordinary things, extraordinarily" na ang ibig sabihin ay paghusayan natin ang ating mga ginagawa sa kahit anong paraan na atinng makakaya. Maglingkod ng may malasakit sa kapwa.  


Bilang pagpupugay, nagdonate si G. Benjamin V. Concepcion ng painting ng batang Jose Rizal at tinanggap naman ito ni Mayor Ferdie Estrella. Si G. Concepcion ay naging estudyante ni Jose D. Castro o "JD Castro", isang sikat na pintor mula sa ating bayan ng Baliwag. Ito ay masasaksihan ng lahat sa Museo ng Baliwag. Sa ngalan ni G. Concepcion, tinanggap ng kanyang pamilya ang pagkilala para sa kanyang obra. 




Narito ang obra ni Ginoong Benjamin V. Concepcion








No comments:

Post a Comment