A Magical Christmas
The Municipal Employees Christmas Party
Serbisyong may malasakit ang inihandog ni Mayor Ferdie V Estrella magmula pa noong unang araw ng kanyang panunungkulan bilang Mayor ng Bayan ng Baliwag. Lahat ng mamamayan ay nakaranas ng serbisyong may malasakit. At ngayon naman ay binigyan niya ng kakaibang Christmas Party ang mga kawani ng pamahalaan. Isang party na hindi makakalimutan ng lahat. Ang Christmas party ay may temang "A Magical Christmas". Naghanda ang lahat. Mula sa costume hanggang sa mga presentasyon ng bawat departamento na hinati sa apat. Ang Admin Cluster, Economics and Finance Cluster, Health and Social Services at kasama ang Baliwag Polytechnic College.
Nag-umpisa sa mga pa-raffle, kung saan marami ang nag-uwi ng premyo mula kay Mayor Ferdie, Congressman, at mga konsehal ng bayan. Nagsalo-salo rin ang lahat sa hapunan na ipinahanda para sa lahat. May mga nagperform na stage, kumanta ng mga awit pamasko ang Municipal Choir habang kumakain ang lahat, may banda rin na umaliw sa mga empleyado at nakisayaw pa sila. Ang buong Baliwag Star Arena ay napuno ng kasiyahan.
Isa-isang nagperform ang apat na grupo. Nagpagandahan sila ng presentasyon. Talagang pinaghandaan dahil ang mananalong grupo ay may cash prize. Nahirapan din ang mga hurado. Narito ang ilan sa mga kuha ko.
Nagpabonggahan naman sa kanilang costumes ang ilan. At narito ang mga nagwagi Bilang MegaStar of the Night at SuperStar of the Night na ginawaran ng cash prize.
At dumating na ang oras na pinakahihintay ng lahat, ang malaman ang mga nagsipagwagi sa ginawang presentasyon. Narito ang mga nanalo.
3rd Place: Health and Social Services Cluster
2nd Place: Economics and Finance Cluster
1st Place: Baliwag Polytechnic College
Grand Champion: Admin Cluster
Health and Social Services Cluster |
Economics and Finance Cluster |
Baliwag Polytechnic College |
Admin Cluster |
Hindi man pinalad ang ilan na magkaroon ng premyong gamit o cash prize ay umuwi ang lahat ng masaya. Isa ito sa hindi makakalimutang event ng mga empleyado sa taong 2016. maraming salamat po at Maligayang Pasko po Mayor Ferdie V. Estrella.
No comments:
Post a Comment