Mahilig ba kayong kumain ng mushroom o kabute? Maaring ang ilan sa atin ay kumakain ng kabute ngunit hindi alam kung ano-ano ang makukuha nating sustansya mula dito. Alam ninyo bang mayroong mahigit na 10,000 na uri ng kabute sa buong mundo. Ang ilan sa mga ito ay maaring kainin at ang iba ay nakalalason.
Sa aking paglilibot sa bayan ng Baliwag ay nakita ko sa Baliwag Pasalubong Center and isang booth na pumukaw ng aking paningin. Ang booth ng SavourLife (Organic Mushroom and Growing Supplies). Sa unang tingin ay hindi ko maiwasan na hindi usisain ang nagmamay-ari ng mga ito tungkol sa mga mushroom na nasa kanyang display. Si Ma'am Diwata Manguerra - Bautista ang nagbigay sa akin ng kaunting kaalaman patungkol sa mga kabute o mushroom.
Nabitin ako sa aming pagkukuwentuhan, kaya naman nagsadya ako sa kanyang mushroom farm sa Parulan, Plaridel, Bulacan upang makita kung paano niya ito inaalagaan at pinaparami. Naabutan ko siya na naghahanda para magtanim ng kanyang mga kabute. At siyempre kinuha ko na ang oportunidad upang maipakita nya sa akin ang pinaglalagyan ng mga ito. Pinatuloy nya ako sa isang animo'y kamalig kung saan naroon ang mga taniman ng kabute na napakaayos na nakasabit ng naka hilera sa mga lubid. Bawat lugar sa loob nito pala ay may mga stages ng pagpapalaki ng mga kabute upang malaman niya kung gaano na ka-mature ang mga ito. Napapalibutan ng mga screen at makapal na katsa ang lugar na ito. Alam nyo ba kung bakit? Hindi pala pwede na sobrang mahangin sa loob ng kanyang taniman. Inaalagaan nya rin ang tamang temperatura sa loob nito. Kapag sobrang mainit ang panahon, kanya daw binabasa ang paligid ng taniman nya para mapanatili ang humidity. Dalawang klase ang kanyang pinapatubo rito, ang Oyster mushroom at ang Milky mushroom.
Maraming proseso ang pagpaparami ng mga kabute pero sa tingin ko ay napakasaya at magiging accomplishment ito kapag naging maganda ang mga bunga nito. Ano-ano nga ba ang makukuha natin mula sa pagkain ng mga kabute? Ang mga kabute ay mabisang panlunas sa mga Cancer at Diabetes. Nakakapagpababa rin ito ng kolesterol sa katawan. Pwede rin sa mga gustong mag diet at nakakapaglakas ng ating immune system laban sa mga sakit. Kaya naman lalo ako namangha at gusto kong matutunan kung paano ako makakapagsimula sa pagpapalaki ng mga kabute.
Nagkakaroon ng seminar si Ma'am Diwata tungkol sa pagpaparami at pagaalaga ng mga kabute. Isang araw ng hands-on na training kung paano gumawa ng binhi, paramihin at kung paano maaaring kumita sa pamamagitan ng mga kabute. Narito ang mga detalye:
SAVOURLIFE
Organic Mushroom & Growing Supplies
Hands-on Training on Home Grown Mushroom
Date: December 10, 2016
Time: 9:00am to 5:00pm
Venue: KLIR Waterpark Resort
(Kabilang Bakood, Sta. Rita, Guiguinto, Bulacan)
Para magpa-reserve ng inyong slot para sa training na ito, tumawag o magtxt lamang:
Ms. Diwata Manguerra-Bautista
0923-3976564 / 0923-4630019
Matuto at magkaroon ng pangkabuhayan galing sa mga mushroom o kabute.
No comments:
Post a Comment