Monday, December 5, 2016

KALAHI : Pastillas de Leche


     Nagkaroon na ba kayo ng mga bagay o gamit na naipamana sa inyo ng inyong mga magulang o kaanak? Paano ninyo ito pinahahalagahan? Maari itong itago o pagyamanin hindi ba? Bakit ko nasasabi ito? Sa aking paglilibot sa bayan ng Baliwag ay isang produkto na ipinamana o ipinasa ang natuklasan ko. Narito na ang kwento ng KALAHI Pastillas de Leche.

     Narinig nyo na ba ang "Dugong Baliwag, Pusong Baliwag" song? Halos lahat ng maipagmamalaki at naging tatak na ng bayan ng Baliwag ay inilagay sa kanta na iyon. Ito ay upang ipaalala sa ating lahat ang ating mayaman na kultura at kasaysayan. Isa sa nabanggit ang KALAHI Pastillas. Natikman nyo na ba ito? Narito ang ilan sa linya ng kantang iyon.


     Pumunta ako sa kanilang tindahan Balagtas St., sa barangay Sto. Cristo, Baliwag, kung saan, doon narin nila niluluto at binabalot. Ang tanging sangkap ng kanilang masarap na pastillas ay purong gatas ng kalabaw at asukal lamang. Ilang beses ko na ito natikman at hindi nakakasawa ang lasa, hindi masyadong matamis at hindi ito madaling masira. Matagal itong niluluto para tumagal ng sampung araw (10 days) ang Pastillas kahit na hindi nailagay sa refrigerator. Habang pinapanood ko ang kanilang paggawa at pagbalot ng mga masarap na pastillas, hindi ko mapigilang mag-usisa sa may ari na si Ma'am Emelita Canasa o "Tita Aga" sa mga malalapit sa kanya. Ang paggawa ng pastillas ay minana pa niya sa kanyang ama na magmula 1950's pa nagluluto at nagbebenta nito. Lumuluwas pa ang kanyang ama para lamang maibenta ang mga pastillas sa sa tindahan sa Maynila. Hanggang sa ituro ito sa kanilang magkakapatid ang paraan ng paggawa nito. 




     Magpa hanggang ngayon ay ganoon pa rin ang recipe at paraan ng paggawa nila ng masarap na pastillas de leche. Wala naman silang tindahan noon at nagrarasyon lamang sa mga tindahan at paaralan. Pero ang tatak KALAHI ay nakilala dito sa ating bayan. Bakit Kalahi? Ipinangalan ito ng kanyang ama sa kanilang pastillas dahil naniniwala ang kanyang ama na ang kanilang produkto ay magpapasalin-salin ng lahi at henerasyon hanggang sa mga apo ninyo ay matitikman pa rin ang sarap ng pastillas de leche ng Kalahi. 


     Sa aking pag-interview kay Tita Aga ay naging isang inspirasyon ito para sa akin, at sana sa inyo rin, na kahit gaano man kaliit ang pinag-umpisahan na nagosyo, kapag ito ay inyong inalagaan ay siguradong makikilala at magpapasalin-salin hanggang sa susunod na henerasyon. Sa kasalukuyan, ang kanilang produkto ay mabibili sa Balastas, St., Sto Cristo, Baliwag at sa Baliwag Pasalubong Center.  



KALAHI Pastillas de Leche
  • Balagtas St., Sto Cristo, Baliwag, Bulacan
             (044)761-0050
             09328697947 / 09231631309
  • Baliwag Pasalubong Center (Farmers Trading Center - near SM City Baliwag



No comments:

Post a Comment