Friday, December 2, 2016

PRINTS CHARMING - Print Shop


Gusto nyo ba ng personalized na gamit? Sarili mong design at logo sa damit at iba pa? Gusto mong mag-design, pero hindi ka marunong? May solusyon na dyan mga Baliwagenyo!

Maski naman ako ay nahihirapan rin na pagandahin ang napaka simple kong logo. Nagpunta ako sa PRINTS CHARMING print shop na nasa #6 Lyon Arcade, Plaza Naning, Baliwag (sa loob ng pasillo na napapagitnaan ng Jollibee at Greenwhich Baliwag-bayan) at nagpatulong ako pagandahin ang logo ko para mailagay ko sa aking t-shirt at iba pang gamit na maari kong ipang regalo sa mga kaibigan at mga followers ko. Nakita nyo na ba ang simpleng logo ni BaliwageNews? Kung hindi pa, ito po iyon.. at tignan ninyo kung paano nila napaganda ito.
Ohh hindi ba at napaka simple?

Pagdating ko roon ay nakita ko na maraming nagpapagawa sa kanila, mga t-shirts, imbitasyon sa kasal, birthday, mug, bags, mga tatak sa uniporme at iba pa. Dalawa naman ang kanilang Graphic Artist / Designers na nakilala kong sina Marc at Marlowe kaya naman ang mga nagpapagawa rito ay kadalasan na maari na lang hintayin ang kanilang ipinapagawa (depende sa dami). 



May iba-iba silang paraan kung papaanong ang mga gusto mong design ay mailalagay sa mga paborito mong gamit. Transfer, Sublimation, at Vinyl. Sinubukan kong ipalagay ang aking logo sa kulay puti na Tshirt at ginamitan nila ito ng "Sublimation". At ito ang kinalabasan! 

Para naman sa de kolor na t-shirt ay Transfer ang inirekomenda nila, at ganito naman ang kinalabasan. Hindi ba't maganda? Ang simple kong logo ay talaga namang napaganda nila.


May nakita ako sa kanilang shop na kulay itim na mug, at sabi nila ay magic mug raw ito. Hmmm gusto ko masubukan at makita kung pano nila ito ginagawa, Hindi ako nabigo, namangha ako, ang ganda ng pagkakagawa, magic nga talaga! Tignan nyo ang video ko.



Nakilala ko ay may ari ng shop na si Ms. Aleli Canoza. Nagsimula ang kanyang print shop noong August 8, 2016. Ipinagmalaki nya sa akin na sa kanila ginawa ang mga uniporme ng mga traffic enforcers, ibang sangay ng munisipyo, mga miyembro ng TODA at iba pa. Sa sobrang dami nga ng mga bagay na pwede nila malagyan ng print at hindi ko na maisip kung ano ang gusto ko. Parang gusto ko lagyan lahat ng personalized na tatak ang gamit ko. May iba-ibang klase sila ng bag, keychain, mug, bottle opener, tumblers, pamaypay, sumbrero, at marami pang iba. Kaya magiisip ka pa ba ng ipang reregalo o giveaways para sa mga birthday, kasal, binyag, debut at iba pang okasyon? Magsadya lamang sa shop nila. Tutulungan ka nilang gawing espesyal ang mga gamit mo. Maraming salamat Prints Charming sa pagpapaganda ng aking logo at mga personalized kong gamit. 


09226110100 (SUN) 09057039916 (TM/GLOBE)

No comments:

Post a Comment