Wednesday, December 14, 2016

All-Star Celebrity Basketball


     May mga hinahangaan ka bang mga gwapong artista? Ano ang mararamdaman mo kung ang mga hinahangaan mong mga artista ay abot tanaw o abot kamay pa nga, nakapag-selfie pa! Madami ang nag-abang na mapanood ito kaya naman bumili sila ng ticket upang makapasok sa Baliwag Star Arena at makapanood ng live! Sa mga hindi nakapanood, narito at ikukuwento ko sa inyo.

     Disyembre 11, 2016 ay inabangan ng mga Baliwagenyo ang laban ng Basketball tampok ang mga hinahangaang artista laban sa koponan ng ating Mayor Ferdie V Estrella. Ito ay isang proyektong handog ng Baliwag Tourism Council para sa mga mamamayan ng bayan ng Baliwag. Katatapos pa lamang ng nakaraang laban ng Alab Pilipinas at Kaohsiung Truth ng Taiwan (malamang ang iba nga ay hindi pa nakaka-get-over sa pagkapanalo ng Alab Pilipinas) ay may bago na namang inabangan ang mga taga Baliwag. Maaga pa lamang ay naglabas na ang Baliwag tourism Council ng mga tickets na nagkakahalagang 100 pesos at 200 pesos para mapanood ng mga fans ang mga nagwagwapuhang bawat miyembro ng dalawang koponan. Paano ka ba namang hindi bibili ng ticket kapag ang mga artistang sina Benjamin Alves, Joseph Bitangcol, Genesis Gomez, Mike Magat, Jay Manalo, Rocco Nacino, Nico Nicolas at Jomari Yllana ang nakapaskil na mga litrato sa poster. Maski naman ako ay na-excite din na makita sila.. sayang at hindi nga lamang nakarating si Jomari Yllana pero... (Aminin mga girls, naexcite din kayo hindi ba? malamang ay hindi pa kayo maka-get-over sa mga selfies ninyo sa mga artista na nabanggit ko!) 



     Hindi naman nagpahuli ang koponan ng ating Mayor FVE na sina, Lowell Tagle, Baldo Torres, Christopher Alvaran, Ambet Jose, Jeffrey Diaz, Rodrigo Baltazar, Randy Bernabe, Ear Justin Antonio, Wendell Centeno, Ronaldo Rivera at iba pa. Pagdating pa lang sa Baliwag Star Arena ay nagwarm-up na agad sila habang hinihintay ang kanilang mga makakalaban. Nag-umpisa nang maghiyawan ang mga fans noong natanaw nila na isa-isa nang lumabas ang mga artistang kanilang hinahangaan. Naghiyawan at tumili pa ang iba! Sa umpisa pa lang ay ramdam na ng lahat na magiging masaya ang laro nila. 


Nico Nicolas, Benjamin Alves, Jay Manalo, Mayor Ferdie V Estrella, Mike Magat, Rocco Nacino, Genesis Gomez at Joseph Bitangcol
MFVE Team



Naging masaya naman talaga ang laro at walang nagkakapikunan. Sige naman ang hiyaw ng mga fans kapag nakaka shoot ang kanilang mga hinahangaan. Magaling ang bawat koponan, iba-iba ang kanilang strategy ng kanilang laro at hindi naglalayo ang mga scores nila. Kahit noong malapit nang matapos ng laro ay di inaasahang nagkaroon ng injury si Benjamin Alves na agad namang sinaklolohan ng ating Rescue group. Sa bandang huli ay nagwagi ang mga All-Star Celebrities sa score na 78-75. 





 Nabigyan ng pagkakataon ang mga fans na makapagpa picture sa mga players matapos ang laro. Kahit halatang pagod na ang mga players ay hindi pa rin sila umalis at nakipag selfie pa sa mga Baliwagenyo. 






Narito ang interview namin kay Rocco Nacino, may mensahe siya para sa mga fans na Baliwagenyo.  



No comments:

Post a Comment