Thursday, November 10, 2016

Puerto Princesa : Palawan Wildlife Rescue and Conservation Center

Palawan Wildlife Rescue and 
Conservation Center 
    Sumakay kami ng jeep mula sa bayan ng Puerto Princesa at nakarating kami sa Palawan Wildlife Rescue and Conservation Center o mas kilala bilang Crocodile Farm. Mula 20 pesos sa mga bata at 40 pesos naman para sa mga matatanda ang bayad sa pagpasok rito. May tour guide na siyang magpapaliwanag kung ano-ano ang mga makikita rito. Mababait at maasikaso ang mga tour guide, sa katunayan, sila ang kumuha ng aming litrato sa loob ng Crocodile farm. 



     Educational trip talaga ito hindi lang sa mga bata, pati na sa mga matatanda. Magmula sa mga itlog na buwaya hanggang sa pinakamalaking buwaya ay mayroon sila rito, inaagagaan at pinararami nila ang lahat ng uri ng buwaya na mayroon sila.



     Kung minsan ay may nahuhuli na buwaya sa mga ilog ng Palawan at dito nila ito dinadala at inaalagaan. May nature park din sila na naglalaman ng mga ibang mga hayop at ibon. Sa pagpasok namin sa kanilang nature park, kapansin pansin ang mga naglalakihang mga puno, sa tingin pa lang ay may ilang taon na at tunay na napreserba ang kanilang kagubatan.

      Mayroon ding kainan sa loob na naghahain ng mga putahe mula sa buwaya. Crocodile sisig, Croc Adobo at iba pa. Hindi ko pa natitikman ang mga ito, siguro sa susunod na pagbalik namin ay mayroon na akong lakas ng loob para tikman ito. Kayo, titikman nyo rin ba ang mga ito?

Matatagpuan ang Palawan Wildlife Rescue and Conservation Center sa:
National Highway, San Juan bldg. beside AIM GLOBAL PALAWAN Office
5300 Puerto Princesa City, Puerto Princesa, Palawan, Philippines



Narito ang susunod ko pang kuwento ng aming mga pinuntahan at iisa-isahin ko sa inyo. Maaaring i-click upang makita ang mga nilalaman nito.



1. Palawan Wildlife Rescue and Conservation Center o Crocodile Farm


No comments:

Post a Comment