Blood Letting
Dugo na Pandugtong Buhay
Naghanda na ang mga taga Red Cross sa pagkuha ng dugo |
Ikaw, nais mo rin bang maging bahagi ng ganitong proyekto? Narito ang mga panuntunan kung nais mong mag-donate ng dugo.
Maaaring mag-donate ng dugo kung ikaw ay:
1. May malusog na pangangatawan.
2. Mula 16 hanggang 65 na taong gulang (ang mga 16 at 17 yrs old ay kinakailangan ng parental consent)
3. Tumitimbang ng 110 pounds pataas
4. Blood pressure na hindi bababa sa 100 / 70
5. Nakapasa sa Physical and Health history assessment.
Paghahanda bago mag-donate ng dugo
1. Magkaroon ng sapat na tulog at pahinga.
2. Hindi dapat naka-inom ng anumang uri ng alak 24 oras bago sumailalim sa pagkuha ng dugo.
3. Huwag uminom ng gamot 24 oras bago nag donate ng dugo.
4. Kumain ng sapat, huwag kumain ng pagkain na matataba o mataas sa kolesterol.
5. Uminom ng maraming tubig o juice.
Mga hakbang sa pag-donate ng dugo
1. Pag fill-up ng form na may mga tanong tungkol sa iyong kalusugan.

3. Pagkuha ng timbang at blood pressure.
4. Pag-eksamen ng doktor sa iyong kalusugan
5. Pagkuha ng dugo - (kadalasang 350cc o 450cc ng dugo ang kinukuha depende timbang at blood pressure ng donor. Isinasagawa ito sa loob ng 10 minuto)
Mga dapat gawin matapos ang pag-donate ng dugo:
1. Uminom ng maraming tubig o juice.
2. Iwasan ang paggawa nng mga mabibigat ng trabaho.
3. Iwasang gamitin ang braso na pinagkunan ng dugo upang magbuhat ng bagay.
4. Kung sakaling mahilo, humiga lamang ng bahagyang naka taas ng mga paa.
Maaring ang karamihan ay nagtatanong kung ano nga ba ang benepisyo ng pagbibigay ng dugo. Una, para sa ating kalusugan, hindi naman ibig sabihin na nakapagbigay ka ng dugo ay mauubos na ang iyong dugo sa katawan. Sa katunayan, ang ating katawan ay may kakayahang magparami ng dugo, kaya mas magiging malusog pa nga raw ang katawan kung mapapalitan ito. Maaaring mag donate ng dugo tuwing ikatlong buwan o tatlo hanggang apat na beses sa isang taon (Ang galing hindi ba?) Pangalawa, makakakuha ka sa Red Cross ng diskwento sa pagbili ng dugo kung sakaling ikaw ang mangailangan at ikaw ay magiging prioridad nilang mabigyan ng dugo. Ang regular na presyo ng isang bag na dugo ay nagkakahalaga ng 1,800 ngunit kung naging donor ka, ito ay magiging 700 pesos na lamang. "1 is to 1" ang patakaran nila rito. Ibig sabihin kung ikaw ay nakapag bigay ng isang bag ng dugo ay isang bag rin ang maaari mong mabili ng may diskwento. Kapag umabot ka ng hanggang siyam (9) na bag ng dugo na naibigay mo, ikaw ang bibigyan nila ng pagkilala o Recognition.
Ang mga naging donor ay binibigyan ng "Donor Card" at tag na nagpapatunay na ikaw ay nakapag-bigay ng dugo |
Hindi ba't masaya at masarap sa pakiramdam na ang iyong dugo ay naging pansagip buhay o pandugtong sa isa o marami pang buhay? Kaya makibalita na sa inyong lugar kung kailan ang susunod na schedule ng pag-donate ng dugo. Maraming salamat po kay Kapitan Ariel Cabingao at sa mga tao na sumusuporta sa ganitong layunin.
No comments:
Post a Comment