Nasasabik ako na maikwento sa inyo kung ano ang mga nakita ko roon. Hindi ito pangkaraniwan na pang bakuran na taniman. Bakit? Dahil ang mga itinanim nila rito ay yung mga halaman, gulay at prutas gaya ng pili, mabolo, kasoy, dayap, at iba pa na hindi ko pa nakikita. Ngayon ko lamang natutunan na may mga klase palang halaman na pwedeng ipang luto, at gamit sa iba't ibang bagay. Kung wala kang pang asim para sa iyong sinigang, may dahon na pwedeng ipamalit sa nakaugalian na natin na sampalok, bayabas o kamias. Mga halaman na ginagawang tsaa, halaman na nagbibigay ng kulay sa mga ulam at tsaa, hindi na kailangan ng mga artipisyal na pang kulay sa pagkain. Mayroon ding mga halaman na nakagagamot ng mga sakit ng ating katawan. Mayroon silang mga herbs and spices at mga halaman na maaring mabili sa kanilang farm. Hayaan ninyong ipakita ko sa inyo ang mga natuklasan ko roon.
Nakakatuwa pa nga dahil ngayon lang ako nakakita ng puno ng paminta. Sigurado ako na ang ilan sa inyo ay iniisip kung paano at saan nakukuha ang paminta na ginagamit nating pang luto.
Ito pala ang paminta, Oo, paminta ito. Kahit kulay berde palang siya, ay pwede na itong gamitin na pang luto. |
Ito ang puno kung saan nanggagaling ang paminta. Ilan sa inyo ang nakakita na ng ganito? |
May mga hayop rin sila rito, wild pigs, bibe, native na mga manok, at rabbits! May mga isda rin silang inaalagaan rito, at ito pa, hindi ito pangkaraniwang tilapia o hito lamang. Cream Dory! Unang pumapasok sa isip natin kapag cream dory na ang binabanggit ay yung mga ginagawang fish fillet. Kamukha pala ng mga isdang kanduli ang mga ito ngunit mas malalaki at pati ang kanilang mga nguso ay naglalakihan rin. Alam nyo ba na lumalaki ang mga ito ng hanggang sampung kilo? Kaya naman pala mahal ang mga ito sa palengke o grocery.
May mahigit 200 silang rabbit dito sa ngayon na kanilang ginawa ring negosyo. Bawat kulay pala ng rabbit ay ibang lahi. Hindi lang pala pets ang mga rabbit. Magandang negosyo rin. Alam nyo ba na kinakain ang laman ng rabbit? Nagkaroon ako ng pagkakataon na ma-interview ang mga may-ari ng farm. Sina Mr. Art Veneracion na Presidente ng Association of Rabbit Meat Producers at ang kanyang maybahay na si Mrs. Angie Veneracion ay contributor sa isang magazine tungkol sa agrikultura. Sabi nila ay mas malinamnam ang mga ito at mababa ang kolesterol. Maaring maibenta ang karne ng rabbit sa halagang 400 pesos bawat kilo nito. Ipinakita nila sa akin kung ano ang itsura ng mga ito kapag nabalatan na at handa na lutuin. Kapag ang rabbit ay naabot na ang dalawang kilong timbang nito, ay maari na silang i-harvest, linisan at mailagay sa freezer para maibenta.
Ito ang rabbit meat na handa nang maibenta at lutuin |
Nagbibigay rin sila ng seminars tungkol sa pag-aalaga at pagpaparami ng mga rabbit. Gusto nyo bang matuto? Nagbebenta rin naman sila ng mga pares ng rabbit para alagaan sa bahay. Nito lamang taon na ito ay nagkaroon sila ng 17 na seminars dito sa Luzon. Nagsimula ang lugar nila bilang isang AVEN Pavillion noong 2007. Taong 2010 naman noong naglagay na sila ng mga hayop na kanilang aalagaan. 2012 noong nagkaroon ng mga rabbit at nagsimula silang magkaroon ng seminars pagpasok ng taong 2014. Sa ngayon maaaring makapasok ng libre sa kanilang farm mula 8am hanggang 5pm. Marami talaga akong natutunan sa pagpunta ko. Sana ay marami pa ang makakita nitong lugar na ito. Mga Baliwagenyo, ano pang hinihintay ninyo, mag nature-trip na sa Baliwag!
Maraming salamat po Sir Art and Ma'am Angie sa pagpapatuloy po sa akin sa inyong farm.
I-follow na ang kanilang page: https://www.facebook.com/AVENNaturesFarm/
No comments:
Post a Comment