Tea Chino Cafe
Milktea mula sa Taiwan at Singapore
Milktea mula sa Taiwan at Singapore
Sa aking pag-iikot sa Bagong Nayon sa bayan ng Baliwag, aking napansin ang isang tindahan ng milktea. Sa una ako ay nagdalawang isip na pumasok at bumili dahil noong nkaraang taon lamang ay nabalita sa telebisyon (TV) ang tungkol sa dalawang customer na nalason ng milktea sa Maynila. At ganun din ang may-ari ng tindahan nito. Buhat ng lumabas ang balitang ito ay naging usap usapan na ang paginom o pagtikim ng ganitong klaseng inumin. Ngunit sabi ko nga sa aking sarili, sadyang hindi maiiwasan o dala nadin ng maling paghahawak at preparasyon ng mga pagkain.
Nakaka lungkot na dahil sa isang napabalitang iyon at humina ang industriya ng mga gumagwaga at nagbebenta ng"milktea" kahit na ang iba ay wala namang intensyon o hindi ginusto na makalason sila ng kapwa. Ang tanong tuloy ng iba, ligtas pa ba ang pag inom ng mga milktea na galing sa ibang bansa? Maayos ba ang pagkaka timpla ng mga ito? Malinis ba ang mga gamit sa paggawa ng mga ito? Para bigyang kasagutan ang mga katanungan ko, pumunta ako sa isang tindahan ng milktea sa Bagong Nayon, Baliwag para malaman kung ligtas nga ba ito at malinis.
Tea Chino Cafe ang pangalan ng aking napuntahang tindahan ng milktea. Nag-order ako ng “Toffee Caramel Milktea”. Tinanong ako ng crew kung anong "level" ng tamis ang gusto ko para sa milktea ko. Kung matamis na matamis, katamtaman lang o mejo matabang. Habang ginagawa nya ang order ko, hindi ko maiwasang tumingin sa paligid. Maganda ang kanilang lugar, tahimik, malinis at bagay na bagay sa mga estudyante o mga gusto ng tahimik na lugar para makapagbasa. Meron rin silang mga libro na pwedeng hiramin habang ikaw ay nagpapahinga at nagmemeryenda.
Hindi lang nmn milktea ang mayroon sila sa kanilang tindahan. May nachos, tacos, Belgian waffle, Tuna penne pasta, Carbonara, Siopao, Siomai at French Fries na bagay na bagay sa mga inumin nila.
Kung isang lugar na tahimik ang hanap mo para makapagbasa o makipag-kwentuhan sa iyong mga kaibigan, sigurado ako magugustuhan nyo ang lugar na ito. Kaya huwag nang matakot sa mga balita tunngkol sa milktea dahil nakasisiguro ako na anng tindahan nila ay malinis at ang itinitinda nila ay ligtas kainin o inumin.
No comments:
Post a Comment