Thursday, September 8, 2016

Texas Fried Chicken, patuloy na gumagawa ng pangalan sa Baliwag

Texas Fried Chicken
patuloy na gumagawa ng pangalan 
sa bayan ng Baliwag


     Nobyembre 16, 2015 mula ng aking unang isinulat at inilathala ang paggawa ng ingay ng Texas Fried Chicken sa bayan ng Baliwag, Bulacan. Mula sa isang branch nito sa bayan ng Baliwag ay nagbukas ang kanilang ika-limang branch sa bayan ng Pulilan (Bulacan) kamakailan.




Patunay na tinatangkilik ang kanilang produkto dahil sa sarap ng kanilang piniritong manok at ang kakaibang paraan ng pagluluto nito. Sila na ngayon ay may mga sangay na sa Bustos, Sapang Palay (SJDM), Pulilan, at dalawa sa bayan ng Baliwag kung saan una itong minahal ng mga taga-Baliwag.



Sa pagsikat ng kanilang produkto, nanatili ang masarap na lasa ng kanilang manok na mas pinasarap pa ng tatlong klase nilang sawsawan (Gravy, Sweet Chili, at Barbeque sauce). Kapag iyong nasubukan na mapadaan sa knilang tindahan ay bubungad agad sa iyo ang masarap na amoy ng kanilang nilutong manok kahit na malayo.



Talagang dadalhin ka ng iyong pang amoy sa kung saan ito niluluto. Subukan mo at siguradong maeengganya ka rin na tikman at malasahan ang pagkakaiba ng kanilang piniritong manok sa ibang nakasanayan na natin. Ako man ay napahanga sa paraan ng kanilang pagluluto at talaga namang nanunuot ang lasa sa manok. Maaring ang iba sa inyo ay natikman na ang sinasabi kong produkto. Hindi ba't maipagmamalaki natin ang produkto na ang sariling kababayan natin ang may gawa? Tangkilikin natin at ipagmalaki natin ang sariling atin mga Baliwagenyo!


Basahin ang aking pinakaunang blog: http://www.switirohsays.com/2015/11/texas-fried-chicken.html 

I-Like ang knilang Facebook page: Texas Fried Chicken Facebook Page
 

No comments:

Post a Comment