Friday, September 9, 2016

Gel Polish at Paraffin Wax sa Nail.a.holics

Gel Polish at Paraffin Wax 
sa Nail.a.holics


     Mahilig ba kayo magpa manicure at pedicure? Katulad ko ba kayo na gustong magpa manicure at pedicure pero nag-aalala na baka baka hindi magtagal ang kulay dahil sa madalas na paghuhugas ng mga pinagkainan, paglilinis ng kusina, at lalo na ang paglalaba. Sa tingin ko, halos lahat naman ng mga babae ay ganito ang problema at masasabi pa na sayang lang ang pinangpa-linis ng kuko kung hindi rin naman magtatagal at masisira din. Syempre mas gusto natin na kahit papaano naman ay magtatagal ang ating manicure at pedicure. Kadalasan, importante sa ating mga kababaihan ito lalo na kung tayo ay nagtratrabaho sa isang opisina o may mga kausap na kliyente. Gusto natin na kahit papaano ay presentable tayo sa pagharap sa mga tao. Kaya naghanap ako ng paraan para matagal na manatili ang aking "Nail polish" at ito ngayon ang ikwekwento ko sa inyo. Handa na ba kayo?





     Isang araw ay pumunta kami ng aking anak sa Nail.a.holics na nasa pangalawang palapag ng SM City Baliwag. Mayroon pala silang tinatawag na "Gel Polish" na ayon sa kanila ay tumatagal sa kuko ng hanggang isang buwan! Hindi na natin kailangan magpa manicure at pedicure nang lingguhan lalo na sa mga busy na nanay, estudyante o ung mga nagoopisina. Hindi rin ito madaling "mag-crack", magasgas at kahit pa humaba ang iyong kuko, pwede mo rin naman itong gupitan nang hindi nasisira ang nilagay na "Gel Polish".








     Ang Nail.a.holics ay hindi lamang pang babae, pwede rin sa mga kalalakihan at mga bata. Pwede rin itong magandang "bonding time" ng inyong pamilya, anak, o mga kaibigan. Sa puntong ito, ang anak ko na siyam na taong gulang (9 years old) ay nagpa regular na manicure at pedicure. Habang ako ay nagpa Gel Polish at Paraffin Wax. Ang Paraffin wax pala ay nakaka tulong para mawala ang pagod o "stress" sa kamay at pwede rin sa paa. Makakatulong din para lumambot at maging makinis ang inyong kamay at paa. Para ipakita ko sa inyo.. tignan ang mga pictures.
 



Pati naman ang anak ko ang nag-enjoy sa kanyang manicure at pedicure.



Nilinis ang aking kuko at nilapatan na ng Gel polish! Pagkalapat ng bawat gel polish ng tatlong beses ay inilalagay ang kamay at paa sa Ultraviolet Light o UV Light ng 90 segundo para matuyo. At ito na ang kinalabasan! Ang ganda hindi ba?



Sumunod naman na ipinagawa ko ang Paraffin Wax dahil ang kamay ko ay laging pagod sa pagtratrabaho kaya makakatulong ito para maalis ang stress sa kamay at paa ko. Ibinabad sa katamtaman na init ng paraffin wax ang aking kamay at paa hanggang sa mapuno ito ng wax at mabuo. Tinakpang ng bimpo at "mittens" ang aking kamay ng 15 minuto ganun din sa paa. Matapos ay ramdam ko na napaka kinis at malambot na ng aking kamay at paa.



Napakasarap sa pakiramdam na kahit papaano ay nabawasan ang stress dahil sa araw araw na pagtratrabaho. Salamat din sa mga nagasikaso at naglinis ng aking mga mga kuko  sa Nail.a.holics SM City Baliwag.



Heto ang listahan ng iba pa nilang mga serbisyo na pwede ninyong pagpilian kaya halika na mga Baliwagenyo!


Upang magkaroon kayo ng ideya tungkol sa Nail.a.holics SM Baliwag, narito ang isang maikling video ng aking pagpunta sa roon.



Maraming salamat sa Nail.a.holics SM City Baliwag!

No comments:

Post a Comment