Friday, December 30, 2016

Paggunita sa ika-120 Anibersaryo ng Kabayanihan ni Gat Jose Rizal


Disyembre 30, 2016 ay nagtipon ang lahat sa bantayog ni Gat Jose Rizal sa Plaza Naning, Baliwag, Bulacan upang gunitain ang kanyang ika-120 anibersaryo ng kabayanihan. Si José Protacio Rizal Mercado y Alonso Realonda ay ipinanganak noong June 19, 1861 sa Calamba, Laguna at binaril sa Bagumbayan, Maynila noong Disyembre 30,1896. Marami sa atin ang nakakaalam ng mga kabayanihan na kanyang nagawa. Kung hindi pa, narito ang kanyang talambuhay. (Talambuhay ni Gat Jose Rizal)

Trivia: Alam ba ninyo na ang ina ng lola ni Jose Rizal ay taga Baliwag, Bulacan din? Siya si María Alejandro (Florentina). Sinasabing ang kanyang mga angkan din ay nanggaling sa Baliwag. 

Nagumpisa ang programa sa pagtataas ng watawat ng Pilipinas at sabayang pag-awit ng Pambansang Awit ng Pilipinas na tinugtugan ng Baliwag Polytechnic College Band at Baliuag University Band.




Baliwag Polytechnic College Band at Baliuag University Band
Pinangunahan ni Mayor Ferdie V Estrella, kasama sina P/Supt., Froilan Uy (Hepe ng Kapulisan) at G. Giovanni Labao (Pangulo ng Baliwag Historical Association) ang pagbibigay pugay at pag-aalay ng bulaklak sa bantayog ni Gat Jose Rizal. Dinaluhan rin ito ng iba't ibang mga grupo, guro at estudyante. 


Ayon sa talumpati ni Mayor Ferdie, "Ang hamon sa atin, paano tayo magiging bayani sa makabagong panahon?" "Let us do ordinary things, extraordinarily" na ang ibig sabihin ay paghusayan natin ang ating mga ginagawa sa kahit anong paraan na atinng makakaya. Maglingkod ng may malasakit sa kapwa.  


Bilang pagpupugay, nagdonate si G. Benjamin V. Concepcion ng painting ng batang Jose Rizal at tinanggap naman ito ni Mayor Ferdie Estrella. Si G. Concepcion ay naging estudyante ni Jose D. Castro o "JD Castro", isang sikat na pintor mula sa ating bayan ng Baliwag. Ito ay masasaksihan ng lahat sa Museo ng Baliwag. Sa ngalan ni G. Concepcion, tinanggap ng kanyang pamilya ang pagkilala para sa kanyang obra. 




Narito ang obra ni Ginoong Benjamin V. Concepcion








Monday, December 26, 2016

#MMFF2016 : Sunday Beauty Queen ni Baby Ruth Villarama

#MMFF2016
Sunday Beauty Queen 
ni Baby Ruth Villarama


     Isang "dokyu" o dokumentaryo na paiiyakin ka dahil may kurot sa puso ang mga kwento ng bawat OFW na nagtratrabaho sa HongKong. Matutuwa dahil sa maraming dahilan kung bakit angat ang mga Pinoy sa larangan ng pagtratrabaho. Patatawanin ka dahil minsan pipilitin nila na lumabas para makasama ang mga kapwa OFW para aliwin ang mga sarili nila tuwing day-off nila gaya ng pagsali sa mga beauty pageant. May parte rin na maiinis ka dahil sa kakulangan ng suporta at proteksyon ng gobyerno para sa mga Overseas Filipino Workers. 

Cinema 4, SM City Baliwag
     Magandang pelikula ni Direk Baby Ruth Villarama na ang focus ay ang mga OFW na nagtratrabaho sa HongKong bilang mga Domestic Helpers. Istorya ng mga Domestic Helpers na trabaho mula Lunes hanggang Sabado at Rampa kapag Linggo. Makikita ang iba't ibang kwento ng mga Pinay na nagtitiis na malayo sa kanilang pamilya para mabigyan sila ng magandang buhay. Hindi nagiging pare-pareho ang kapalaran ng ilan nating mga OFW roon. May napupunta sa mga mabubuting mga employers, ang iba naman ay hindi at kung minsan pa nga ay minamaltrato ng kanilang mga amo. Sana lang ay mabigyan sila ng proteksyon ng ating gobyerno. 

     Nakatutuwa ang ilang pamilya na kanilang napagtrabahuhan dahil sobrang na-appreciate nila ang malaking tulong na naibibigay ng mga domestic helpers sa kanila. Ang isang employer pa nga ang nagsabi "if there are no Filipina/foreign workers here, HongKong will be in trouble, who will take care of their families and their kids..." Nakakataba rin ng puso ang isang employer na halos ayaw paalisin ang isang Filipina domestic helper sa kanilang tahanan dahil napamahal na ito sa kanila. Naging inspirasyon ni Direk Baby Ruth ang kanyang ina na minsang naging Domestic Helper rin. 

     Dahil sa pelikulang Sunday Beauty Queen at sa natatanging galing ni Direk Baby Ruth Villarama na tubong Baliwag, Bulacan ay ginawaran siya ng parangal at pagkilala ng pamahalaang bayan ng Baliwag, December 26, 2016 sa Cinema 4 ng SM City Baliwag. Tunay na maipagmamalaki na nabigyan ng pagkakataon ang pelikulang ito na makapasok sa Metro Manila Film Festival. Isang pelikulang kukurot at aantig sa puso ng bawat Pilipino at hindi dapat palampasin kaya nood na! 


Municipal Admin Eric Tagle, Bokal Buko Dela Cruz, Direk Baby Ruth Villarama,
Mrs Sonia Estrella at Konsehal Pechay Dela Cruz
Mayor Ferdie V. Estrella, Direk Baby Ruth Villarama at Bokal Buko Dela Cruz
Photo Credits: Mayor Ferdie Estrella


Thursday, December 22, 2016

A Magical Christmas - The Municipal Employees Christmas Party

A Magical Christmas
The Municipal Employees Christmas Party  
 

     Serbisyong may malasakit ang inihandog ni Mayor Ferdie V Estrella magmula pa noong unang araw  ng kanyang panunungkulan bilang Mayor ng Bayan ng Baliwag. Lahat ng mamamayan ay nakaranas ng serbisyong may malasakit. At ngayon naman ay binigyan niya ng kakaibang Christmas Party ang mga kawani ng pamahalaan. Isang party na hindi makakalimutan ng lahat. Ang Christmas party ay may temang "A Magical Christmas". Naghanda ang lahat. Mula sa costume hanggang sa mga presentasyon ng bawat departamento na hinati sa apat. Ang Admin Cluster, Economics and Finance Cluster, Health and Social Services at kasama ang Baliwag Polytechnic College. 




   Nag-umpisa sa mga pa-raffle, kung saan marami ang nag-uwi ng premyo mula kay Mayor Ferdie, Congressman, at mga konsehal ng bayan. Nagsalo-salo rin ang lahat sa hapunan na ipinahanda para sa lahat. May mga nagperform na stage, kumanta ng mga awit pamasko ang Municipal Choir habang kumakain ang lahat, may banda rin na umaliw sa mga empleyado at nakisayaw pa sila. Ang buong Baliwag Star Arena ay napuno ng kasiyahan. 




     Isa-isang nagperform ang apat na grupo. Nagpagandahan sila ng presentasyon. Talagang pinaghandaan dahil ang mananalong grupo ay may cash prize. Nahirapan din ang mga hurado. Narito ang ilan sa mga kuha ko. 








     Nagpabonggahan naman sa kanilang costumes ang ilan. At narito ang mga nagwagi Bilang MegaStar of the Night at SuperStar of the Night na ginawaran ng cash prize.




At dumating na ang oras na pinakahihintay ng lahat, ang malaman ang mga nagsipagwagi sa ginawang presentasyon. Narito ang mga nanalo.

3rd Place: Health and Social Services Cluster
2nd Place: Economics and Finance Cluster
1st Place: Baliwag Polytechnic College
Grand Champion: Admin Cluster

Health and Social Services Cluster

Economics and Finance Cluster

Baliwag Polytechnic College

Admin Cluster
Hindi man pinalad ang ilan na magkaroon ng premyong gamit o cash prize ay umuwi ang lahat ng masaya. Isa ito sa hindi makakalimutang event ng mga empleyado sa taong 2016. maraming salamat po at Maligayang Pasko po Mayor Ferdie V. Estrella. 

PaSaKalye2016 - Pasko Sa Kalye!


     Disyembre 14, 2016 - Pinaghandaan ng mga mag-aaral at mga guro sa bawat paaralan na nakapalibot sa bayan ng Baliwag ang isang napaka engrandeng selebrasyon sa kalye na tinawag na PaSaKalye2016 o ang Pasko Sa Kalye. Literal, sapagkat sa kalye ng Baliwag makikita ang kasiyahan na hatid ng kapaskuhan. Mula elementarya hanggang kolehiyo ay naghanda ng kani-kanilang pasabog hindi lamang sa kanilang sayaw, maging ang kanilang mga costume at props ay bonggang bongga! Kung ang Baguio City ay may parada ng mga makukulay na float tampok ang mga bulaklak, dito naman sa Baliwag ay mga kabataan na suot ang makukulay na costumes at talaga namang nagpahanga sa mga manonood. 















     Nagumpisa ang street dancing o ang pagparada ng kanilang mga costumes habang sumasayaw sa saliw ng tugtog na "Kumukuti-kutitap" na kantang komposisyon ni Maestro Ryan Cayabyab. Ang kalye ng Baliwag ay napakasaya, makikita ang ngiti kahit sa mga manonood. Wala pang alas-tres ng hapon ay inabangan na ng mga manood ang kakaibang kasiyahan na ito. Walo (8) na paaralan sa Elementarya at Labindalawa (12) mula sa High School at College and kalahok sa pinakamasayang Pasko Sa Kalye. 










     Sa pangunguna ni Mayor Ferdie V Estrella kasama ang mga konsehal ng bayan ng Baliwag, ay nag-imbita ng mga hurado na tiyak na mahihirapan na pumili ng mga mananalo. Kabilang sa mga napiling maging hurado ay sina Mr. Paulo Recto, Direk Ryan Dulay, Dr. Eliseo Dela Cruz, Dr. Cecilia Custodio, Rev. Andres Valera at Mr. Rob Sy. May tig-tatlong magwawagi para sa Elementary at High School / College level. Ang 2nd Runner-up ay mananalo ng 50,000 worth of school projects. Ang 1st Runner-up naman ay 75,000 worth of school projects at ang Grand Champion ay mananalo ng 100,000 worth of school projects.

Narito ang mga nanalo sa PaSaKalye2016:


Elementary Level:
Champion - Engr. Vicente Cruz Memorial School 
1st Runner-up - Sta. Barbara Elementary School
2nd Runner-up - Sabang Elementary School

High School / College Level:
Champion - ACLC College of Baliuag
1st Runner-up - STI Baliuag
2nd Runner-up - Sto Nino High School







Masaya ang lahat lalo na nang nagtapos ang programa sa isang engrandeng fireworks display! Maligayang Pasko Baliwagenyo!