Wednesday, May 31, 2017

ChiChaRooms : A healthy snack alternative!



Sa mga mahilig magmerienda, healthy ba ang kinakain nyo? Sa panahon ngayon, conscious na ang mga tao dahil nga ang mga sakit ngayon ay hindi lang namamana o sa genes. Mas mataas na dahilan nito ay dahil sa mga kinakain natin. Pansin nyo ba na marami nang naglalabasan na mga produkto na organic? Isa sa mga ipapakilala ko sa inyo ang isang alternative na snack! Chicharooms!

Chicharooms or chicharon? Parehong tama! Chicharon na Mushrooms nga ito kaya tinawag na "Chicharooms" ng gumagawa nito. Si Ms. Geline Manlapaz mula Bulacan ang kilalang gumagawa ng kanyang original na "ChiCharooms". Mula sa organic at freshly harvested na mushroom ay ginagawa niyang malutong at katakamtakam na snack.

Worry free! Dahil ang chicharooms na galing sa organic mushroom ay di gaya ng nakasanayan na natin na chicharon mula sa pork skin ay certified sobrang healthy. Nagresearch ako kung gaano ang benefits ng mushroom. Ayon sa https://www.organicfacts.net/ mayroong 11 interesting benefits ang mushroom. Isa-isahin natin:

1. Low cholesterol, fats, and carbohydrates.
2. Mushrooms are a good source of iron to prevent anemia.
3. Mushrooms are effective in preventing breast and prostate cancers.
4. Mushrooms are an ideal low-energy diet for diabetics.
5. Mushrooms are a rich source of calcium, that is good for the bones.
6. Rich in Vitamin D for proper metabolism and nutrient absorption.
7. Ergothioneine is a powerful antioxidant present in mushrooms, providing protection from free radicals and boosting the immune system.
8.  High in Potassium content reducing blood pressure.
9. Copper is also present in mushrooms. Can regulate and stimulate the proper absorption of iron in food.
10. Selenium content with is good for the bones.
11. Weight Loss. Mushrooms have good source of fiber.

Mula Bulacan ay nag-order ako ng ChiCharooms para makarating rito sa Cebu. Sobrang thankful at mabilis makarating rito ang order ko sa tulong ng #LBC. Di na ako nakapaghintay na mabuksan ang aking package!

Panoorin ang video review ko tungkol dito:



Magandang alternative din sa inyong mga ulam ang chicharooms, sinubukan ko rin itong ilagay sa aking Ginisang Munggo. Imbis na chicharon, syempre para healthy, Chicharooms nalang hindi ba? Guilt-free at sobrang sarap! Indeed, this is a healthy snack alternative!

Ginisang munggo topped with crispy chicharooms!

Subukan nyo na din! Magpadeliver na! For other inquiries and orders,  i-follow na ang kanilang Facebook fanpage:



Monday, May 22, 2017

HeySugar, Your #SummerPamperingDestination

 HeySugar, Your #SummerPamperingDestination


     Patapos na ang Summer vacation, nakapag-enjoy ka na ba sa mga beaches at iba pang summer destination? Ibang Summer Destination naman ang ipapakita ko sa inyo ngayon... ito yung destination mo bago ka pumunta sa mga beaches, resorts, tourist spots at iba pa. Pampering muna dapat after long months of school or work! 

     Pampering at its best sa HeySugar mga bes! May waxing and threading to get all those unwanted hairs gone! Meron din silang eyelash extensions and perming. Gumagamit din sila ng mga organic materials kaya siguradong safe ang skin mo. Here is my recent vlog, at the #SummerPamperingDestination, HeySugar!



Nagpa Eyebrow threading, upper lip threading, Brazilian waxing ako. Tolerable ang pain at syempre medjo tiis ganda ang kailangan bago ma-achieve di ba! Mabilis ilang natanggal ang mga unwanted hair, sabi ko nga, dumadaldal pa lang ako, natanggap na pala ng aesthetician ang hair sa eyebrows at upperlip ko. Hindi lanng yan, may complimentary massage pa! Super pampering na talaga ito! Bago ako umuwi, hindi ko pinalampas na bumili at subukan ang kanilang mga products. Super smooth at sobrang effective ng mga products nila at syempre organic kaya safe gamitin. 


Kaya bago na naman magpasukan sa school o matapos ang inyong summer outing, pasyal na sa HeySugar! Waxing Salon sa kahit saang branch na malapit sa inyo.

#SummerPamperingDestination

*Not a paid post



Monday, May 15, 2017

Celebrate Mother's Day For A Cause


     Hindi pa huli ang lahat para makapag celebrate ng Mother's day kasama ang inyong Mommy, mama, momshies, tita, lola at iba pang friends mo! Sali na sa isang event kung saan makakatulong ka pa para sa mga single moms, solo parents, mga nakatatanda, at mga bata sa pamamagitan ng fund raising.

Layon ng event na ito na makapagbigay saya at tulong para mapabuti ang iba. Magshare ng natatanggap nating blessings sa ating kapwa. Paano? Alamin.

Date: May 19, 2017, FRIDAY
Time: 6:00 - 9:00 PM
Venue: Cafe de Apati, Makinabang, Baliuag, Bulacan


*Ang confirmation ng participation ay magiging base sa registered category
 on or before May 15, Monday. 
Registration at the venue starts at 5:00 PM

Ang Joytrade International Events Management is showing support to the single moms, solo parents, elderly and children by raising funds through its upcoming event, "Celebrate Mother's Day For A Cause" an engaging and entertaining way to bring together the spirit of giving and caring and make the solo parent 'not solo' or 'not alone'.

EARLY BIRD PROMO !!!
Only P550 per person for both Adult & Kids (3 ft below is free)

Ano-ano ang mga kasama rito?

1. Dinner Buffet + Live Acoustic Band from 6:00 - 9:00 PM
2. Body pampering session for 1 hour with drinks & giveaways on a pre-booked appointment (Facial Treatment, Body Massage, Manicure/Pedicure, Hand or Foot Reflex)
3. Raffle entry to a 2D1N Tour adventures in Bataan or to a Volunteer project (community build or social entrepreneurship)
4. Photobooth & Special tokens for mothers
5. Art activities for kids
6. Advertising promotions & engagement for sponsors & traders

Lets's ENJOY while creating JOY for others and make someone's life better. 
“The purpose of life is not to be happy. It is to be useful, to be honorable, to be compassionate, to have it make some difference that you have lived and lived well.” 
― Ralph Waldo Emerson
Join this cause...


Tumawag na at magpa-reserve ng inyong slot!
t: (044) 233.4815
m: 0923 4630019, 0977 832425
e: joytrade.internationalevents@gmail.com

Kita Kits!



Saturday, May 13, 2017

Larsian sa Fuente Osmena, Cebu City


     Kapag napunta ka sa isang lugar ay talagang hahanapin mo kung ano ang mga magandang puntahan, adventure at syempre mawawala ba ang paghahanap ng makakainan? Nag-gala ako sa Cebu City at hinanap ko kung ano ang mga patok na kainan sa kanilang bayan. Nanguna sa aking listahan at hindi dapat mawala sa inyong mga itinerary ang pagpunta sa Larsian! Ano ito? Ikukuwento at ipapakita ko sa inyo. Warning! Sadyang magugutom kayo sa mga ipapakita ko rito! hahaha!

      Dati ko na naririnig mula sa aking mga kasamahang blogger ang tungkol sa Larsian, pero syempre, mas maigi kung ako mismo ang makapunta at mapatunayan na masarap nga ang mga pagkain rito. Mula sa aming lugar sa Mandaue City ay sumakay kami sa isang GrabCar service. Mula sa aming bahay hanggang Larsian ay 142 pesos lang, mga 20-30 minutes mula Mandaue City.

TIP: Gumamit ng mga promo code ng #GrabCar para makatipid syempre. Kaya naman nakatipid ako ng 50 pesos sa aming byahe at binayaran ko lamang ay 92 pesos para sa 4 na tao. Sulit hindi ba!

     Malalaman na malapit ka na sa Larsian kung marating na ang Fuente Osmena Circle at makikita ang Robinson's Cybergate, kumanan lang at makikita na doon ang Larsian sa Fuente Osmena, Cebu City na aking pakay ngayon.



     Pagpasok pa nanlaki ang aking mga mata sa dami ng stalls na makikita sa loob. Barbeque na pork, chicken, laman loob ng baboy, manok, seafood na pwede mong ipa-ihaw o pwede rin namang ipaluto sa kung anong gusto mo. Pwede nila itong lutuin na "SUTUKIL" o pinagsama-samang salita na ang ibig sabihin ay SUgba, TUwa at KIlaw. (Inihaw, Tinola at Kilawin). Lahat sila ay may iba ibang "gimik" para sa kanilang mga suki. Maayos at malinis ang lugar na ito, madalas nga ay may mga foreigners din rito. Isang linya rin ang mga ihawan nila kaya hindi ka mag-aamoy usok o barbecue dahil sa usok na galing sa mga grill.




     Kapag nakapili ka na ng iyong ipapaluto, bibigyan ka na nila ng isang basket na may laman na 20 na piraso ng "PUSO" (hanging rice) o kanin na ibinalot sa dahon. Rattan na pinggan na may dahon ng saging at plastic na hand gloves dahil hindi uso rito ang paggamit ng kubyertos. At sa tingin ko, sa ganoong paraan mas ma-eenjoy ang pagkain rito. Tama nga naman! Mura lamang ang kanilang mga inihaw, narito ang isang sample ng mga itinitinda nila rito. 



     Sinubukan naming mag-order ng pork barbeque (7 pesos at 15 pesos kung may taba), Isaw ng manok (7 pesos), atay ng manok (20 pesos), inihaw na bangus (150 pesos), seaweed (50 pesos) at sinubukan ko rin ang kanilang ipinagmamalaking Chorizo ng Cebu (20 pesos). Narito at panoorin ang aking ginawang Facebook Live video habang kami ay naroon.



     Para sa apat na tao (2 adults at 2 kids), nagastos lamang namin ay 429 pesos kasama na ang aming drinks. Talaga namang mauulit ang pagpunta namin rito! Certified HIT sa mga taga rito, mga turista at pati na rin sa mga foreigners! Tara na sa Larsian sa Fuente Osmena, Cebu City!