Wednesday, November 2, 2016

Zoobic Safari : Ang Tiger Safari ng Pilipinas

Zoobic Safari
Ang Tiger Safari ng Pilipinas



     Maaring karamihan sa inyo ay nakapunta na sa mga kilalang Zoo. Ngunit itong byahe ko ngayon ay kakaiba dahil nalapitan ko ang mga Tiger, Lion at iba pang mga hayop na madalas nating nakikita na nakakulong sa kanilang mga cage. Ang sinasabi kong pasyalan ay ang Zoobic Safari sa Ilanin Forest na nasa loob ng Subic, Zambales.


     Araw- araw ay bukas ang Zoobic Safari. Maeenjoy rin ito ng maghapon. Nakarating na ako rito noon pero binuksan ulit nila ngayon ang kanilang "Zoobic Night Safari" na ginaganap tuwing Sabado ng gabi simula Oktubre 29 hanggang Enero 7, 2017 lamang. Ano ang kakaiba sa Night Safari? Isinakay kami sa kanilang Tram na umiikot sa buong parke. 



     Ibinaba kami sa Tiger Safari kung saan lumipat kami ng sasakyan (Jeep na may bakal na grills) Ito ang mag-iikot sa amin sa loob ng Tiger Safari, Hindi naman dapat matakot at mag-alala dahil may kasama kami na driver at isang zoo keeper na siyang magbibigay ng pagkain na hilaw na manok sa mga tigre para lumapit sila sa aming sasakyan. Nung una ay kinabahan ako sa paglapit ng mga tigre sa sasakyan namin pero noong nakalapit na ito at tanging bakal na grills na lamang ang pagitan namin ay na-enjoy ko ito kasi naman ay napaka-cute ng mga tigre! Para ko naring nakita ang isang malaking tigre na stuffed toy sa harapan ko. Parang masarap siyang yakapin dahil sa magandang balat at balahibo nya. Parang ang lambot lambot! Pero hindi rin naman nawala sa isip ko na totoong tigre ang nasa harapan ako at kung ilalabas ko ang daliri o kamay ko sa bakal na grills ay agad niya itong susunggaban. Malayang nakakagala ang mga tigre na ito sa Tiger Safari kaya naman malulusog ang mga ito.



     Sumakay ulit kami sa Tram at sumunod na pinuntahan ang bagong atraksyon dito na ang tawag ay Greyhound Walk. (Trivia: Ang mga Greyhound ay ang isang uri ng mga aso na pinaka mabilis tumakbo.) Pinahawak kami ng mga Greyhound upang i-walk o ilakad namin sila sa loob ng gubat. May mga sulo sa gilid ng aming nilalakaran, medyo madilim ngunit hindi naman nakakatakot dahil kasama namin ang mga Greyhound. Hanggang sa narating namin ang isang lugar sa gitna ng gubat kung saan namangha kaming lahat, Isang gubat na punong puno ng maliliit at iba't ibang kulay na ilaw. Animo'y maraming makukulay na firefly sa paligid. Ang ganda! at kahit saan ako tumingin ay pakiramdam ko nasa isa akong "Fairy Tale" kung saan nagsabog ang mga diwata ng mga "Magic Dust" nila! May mga umiilaw na fairies din! Pakiramdam ko para akong panandaliang bumalik sa aking pagkabata,




     Pagkatapos noon ay ang Croco Loco kung saan may napakaraming Crocodile ang nag-aabang na pakainin sila ng hilaw ng manok. Nakakagulat kapag nahuhuli nila ang pinapakain na manok sa kanila. Sa laki ba naman ng kanilang bibig at ngipin, sino ba naman ang hindi matatakot man lang.


     Isang magandang night show ang naghihintay sa amin kaya nagpunta na kami at pumwesto sa harapan ng kanilang stage. May isang pagsasadula kung paano natin dapat ingatan ang ating kalikasan, nagpakitang gilas rin at pumarada ang iba't ibang hayop sa aming harapan. May fire dancers din at iba pang kahanga hangang talento. Ang gagaling nila para silang mga propesyonal. Ngunit nagulat ako noong sinabi na ang mga nagsipag ganap at nagpakita ng kanilang talento ay mga tauhan ng Zoobic Safari! Wow! Talagang ipinapakita nila na hindi lamang sila magaling sa kani-kanilang trabaho ngunit mayroon din silang mga talento. Ang galing ng production at magaling rin sila mag-train sa mga hayop. Nakakatuwa pagmasdan ang mga hayop na sabay sabay na pumaparada sa aming harapan. Narito mapapanood ninyo ang mga sinasabi ko.



     Noong gabing iyon ay nakasama pa namin ang may ari ng Zoobic Safari na si Mr. Robert L. Yupangco, SBMA Chairman Martin Dino at si Ms Grace Bondad - Nicolas na COO ng TAG Media and Public Relations. Marami akong natutunan sa aking biyahe dahil tinuruan kami ni sir Robert Yupangco ng tungkol sa 5R's para sa kalikasan. Reduse, Reuse, Refuse, Recycle at Respect. Ingatan at respetuhin natin ang kalikasan, para naman makita pa ito ng susunod na henerasyon. 

Grupo ng blogger kasama si Sir Robert L. Yupangco at TAGMedia COO Grace Bondad-Nicolas

SBMA Chairman Martin Dino at COO ng TAGMedia and PR, Engr. Grace Bondad-Nicolas

Punta na at i-experience ang Zoobic Night Safari sa nag-iisang Tiger Safari ng Pilipinas!


Maraming salamat po at abangan ang mga susunod pang Biyahe ni BaliwageNews!


Zoobic Safari
Group1 Ilanin Forest, Forest Adventure Park, 
Subic Bay Freeport Zone, Philippines 2200
Call (047)2522272, (02)899-9595 loc 344, (02)899-9824, 09185033399
http://www.zoobic.com.ph/
https://www.facebook.com/pg/zoobicsafariofficial/







No comments:

Post a Comment