Wednesday, November 30, 2016

Tilapia Fingerlings, Ipinamahagi sa mga mangingisda

Ano-ano nga ba ang masarap na luto sa Tilapya? Inihaw, Pritong Tilapia, Steamed Tilapia, Ginataang Tilapia na may pechay, Sweet and Sour Tilapia. Ano pa ang alam ninyong putahe mula sa Tilapia? Bakit ko nabanggit ang mga lutuin mula sa tilapia? Narito na ang magandang balita ko sa inyo mga Baliwagenyo.



Ipinahamagi ang mga Tilapia fingerlings pati na rin ang mga sako-sako na feeds o pakain sa mga tilapya ng ating Mayor Ferdie V Estrella kasama sina Konsehal Manny Balicanta at Konsehal Dingdong Nicolas, sa mga mangingisda ng bayan ng Baliwag. 



Isa-isang tinawag ni PIO Chief Bong Sablan ang mga representatives na mga mangingisda upang tanggapin ang handog na tulong mula sa munisipyo na pinangungunahan nina, Ginoong Joel Coronel, Ginoong Renato dela Cruz, Ginoong Ariel Aquino, Ginoong Nemencio Francisco, at Ginoong Artemio Veneracion.



Masayang masaya ang limampung (50) mangingisda na napili ng pamahalaan upang maging benepisyaryo ng 500 libo ng Tilapia fingerlings na nagmula sa National Government. Ang mga tilapyang ito ay inaasahang maalagaan at mapalaki upang maging tulong sa kanilang hanapbuhay. Isipin na lamang ninyo kung lumaki ang 500 libo ng tilapya, ibig sabihin ay mas malaking kita para sa ating mga mangingisda hindi ba? Mayroon na silang pagkain para sa pamilya nila, at mayroon pa silang maibebenta para sa kanilang pangkabuhayan. 


Ang trak na naglalaman ng mga Tilapia Fingerlings

Sako-sako na mga feeds o pakain para sa mga tilapya
Isa na namang Serbisyong may Malasakit mula sa pamahalaan ng Baliwag. 


Tuesday, November 29, 2016

Centenarians ng bayan ng Baliwag, Pinarangalan!

Centenarians ng bayan ng Baliwag, Pinarangalan!


Sa ating kasalukuyang panahon ay bibihira na lamang ang mga tao na umaabot sa kanilang ika-100 taon o higit pa. May kilala ba kayo na ganito? Ano kaya ang kanilang sikreto para sa mahabang buhay? 


Nobyembre 28, 2016 (Lunes) matapos ang Flag Ceremony sa munisipyo ng Baliwag ay pinarangalan ang tatlong centenarians ng ating bayan. Isa isang tinawag ni PIO Chief Bong Sablan ang ating mga wonder lola na sina Lola Felipa Calma Flores, 100 yrs old na taga barangay Virgen delas Flores, Lola Felisa De Guzman, 106 yrs old na taga barangay Subic, at si Lola Pacita Barcelona na 104 yrs old na taga barangay Paitan. Pinagkalooban ni Mayor Ferdie V Estrella, kasama sina Konsehal Dingdong Nicolas at Konsehal Manny Balicanta ng tig sampung libong piso (10,000) ang tatlo nating mga lola.





Ang dalawang lola ay kinatawan ng kanilang mga anak. Ngunit para sa isang lola na nakarating sa munisipyo at nagawaran ng parangal, aaminin ko na bahagya akong naluha sa kasiyahan para sa lola na ito. Habang kinukuhanan ng litrato ay nag signature pose pa nga ng "Dugong Baliwag, Pusong Baliwag" kasama ang ating mayor at mga konsehal.


Katulad ng ating mga wonder lola, sana ay dumami pa ang mga tao na aabot sa kanilang ika-100 taon. Mabuhay po kayo mga lola! 

Monday, November 28, 2016

BALI Ayurveda Spa and Wellness Center


     Marami sa atin ay subsob sa trabaho nitong mga nakaraang buwan ng taon. Ang iba ay kumakayod ng todo upang mabuhay ang kani-kanilang pamilya, ang iba naman ay nagsunog ng kilay sa pag-aaral. Hindi ba't masaya at masarap sa pakiramdam kung paminsan minsan ay makapag relax at maikundisyon muli ang sarili para sa panibagong sabak sa pagtratrabaho o pagaaral sa panibagong taon na darating? Paano natin bibigyan ng reward ang ating sarili at makapag recharge?
     Nakakita ako ng isang lugar kung saan ay pwedeng mag relax, at mabawasan ang stress. Ang lugar na sinasabi ko ay nasa 2nd floor ng Rinaliza Bldg sa San Jose, Baliwag. Bali Ayurveda Spa and Wellness Center ang pangalan ng lugar na pinuntahan ko. Nagbukas ito noong November 28, 2015. Pagpasok ko pa lang ay narinig ko na ang maganda at sobrang nakaka relax na music, amoy peppermint pa ang kanilang spa. Ang amoy at music pa lang dito, alam ko na magiging sulit ang pagpunta ko. Isinama ko ang aking asawa dahil gusto kong makapag relax din siya kahit paminsan minsan dahil pagod sa pagtratrabaho. Isa itong kakaibang bonding, alamin ninyo sa kwento ko kung bakit. Narito muna ang aking video kung ano ang mga makikita sa loob. 

     Dinala kami ng kanilang staff sa foot washing area. Matapos ay binigyan kami ng robe para iyon ang isuot namin, may locker sila kaya hindi mo iintindihin ang mga gamit mo. Pinapuwesto na nila kami sa magkatabi na kama at ito na nga, ready na kami! 

Dressing Room


     Sinimulang lagyan ng Keratin ang buhok ko para maibabad na at maisabay kapag sumalang na kami sa Sauna (isang maliit na kuwarto na ang mga dingding ay kahoy, mainit sa loob nito na umaabot sa 50 degrees na init). Nilagyan na kami ng Organic Body Scrub mixture. Ang pinili ko na ilagay sa akin ay Dead Sea variant nila. Sa paghagod pa lamang nito sa katawan ko, ramdam ko na parang naaalis ang mga dumi sa katawan ko. Coffee variant naman ang inilagay sa katawan ng aking asawa. 

     Buong katawan nila nilagyan ng ganitong mixture ang katawan namin hanggang sa paa. Sumunod naman ang pagpasok namin sa Sauna, sa una, lalo na yung mga hindi sanay ay maninibago sa init ng temperature dito. Pagpapawisan ka talaga sa loob nito pero wag magalala dahil may nakahandang tubig na malamig at may yelo na pwedeng inumin. May nakahanda rin na bimpo na nakababad sa tubig na may yelo, Ipinupunas ito sa mukha pati narin sa batok para hindi masyado uminit ang pakiramdam. Ang sarap pagpawisan at lumabas ang mga toxins sa katawan. 30 minutes kami sa loob nito at umabot mula 40 hanggang 48 degrees ang init sa loob ng Sauna room. Maasikaso rin ang mga staff nila lalo na si Ms. Piper. Inaalam mabuti ang aming pangangailangan. Kaya naman naging relaxing talaga ang aming pagpunta rito.

     Matapos ang 30 minutes ay nagbanlaw na kami ng katawan pati ang buhok ko na ibinabad sa Keratin ay sobrang lambot na! wow all in one nga talaga! Naghanda naman kami para sa aking Balinese massage at Balinese Hot Stone massage naman para sa aking asawa. Buong katawan ang minasahe sa akin, ang Balinese pala ay kasamang ginagamit sa pagmamasahe ang kanilang braso para mas may puwersa. Pwede naman ipa-adjust kung soft lang o hard ang masahe mo, depende sa kaya ng katawan mo. Ang Hot Stone massage naman, ginagamit ang mga makikinis na bato na bahagyang pinainitan at siyang ginagamit sa pagmamasahe. Sa buong katawan din ito ginagamit. Talaga namang nakakawala ng mga sakit sa katawan at nakakaalis ng stress.  
Hot towelette at Green Tea
Matapos ang aming masahe ay binigyan nila kami ng hot towelette at Green Tea. Masarap ang green tea nila at ang lahat ng kanilang ginawa sa amin, iisipin mo na para ka na ring nakapunta sa Bali, Indonesia. Panahon naman para paminsan-minsan ay i-pamper ang sarili lalo na kung masyadong napagod sa pagtratrabaho. Nakapag bonding din kami ng aking asawa. Kayo rin pwede ninyo isama ang inyong "special someone," mga kaibigan o katrabaho. Kaya punta na sa Bali Ayurveda Spa at i-experience na ang kakaiba nilang paraan para maalis ang iyong stress at makapag relax. Ang Bali Ayurveda Spa ay bukas mula 11 ng umaga hanggang 9:30 ng gabi.

Ang aming rating para sa Bali Ayurveda Spa ay : 5 Stars ⭐⭐⭐⭐⭐


I-Like ang kanilang Facebook page:
BALI Ayurveda Spa and Wellness Center
2nd Floor Rinaliza Bldg. Rizal Street, San Jose
Baliuag, Bulacan

Contact number: 0942 481 7287

Saturday, November 26, 2016

Baliwag Pasalubong Center


     Nobyembre 25, 2016 ay pormal na binuksan ang Baliwag Pasalubong Center. Isang bagong building na magagamit upang maitampok ang mga produkto ng mga Baliwagenyo at ng ilang karatig bayan. Layon nito na mabigyan pagkakataon at puwesto ang mga maliliit na negosyo na nagnanais kumita ng extra at upang makilala ang kanilang mga produkto. Sa pakikiisa ng DTI (Department of Trade and Industries), PESO (Public Employment Service Office), BSMPC, mga kooperatiba at iba pa, ay naisakatuparan ang isa na namang oportunidad para sa mga mamamayan bayan ng Baliwag. Ang Baliwag Pasalubong Center ay matatagpuan sa Farmer's Trading, DRT Highway na katapat lamang ng Home Depot at malapit ng kaunti sa SM City Baliwag.






Nagkaroon ng misa, ribbon cutting at pagbebendisyon sa bagong gusali. Sa pagsasakatuparan ng proyekto tulad nito, ay higit na masaya ang ating punong bayan na si Mayor Ferdie V Estrella dahil kasama ito sa kanyang ipinangako na "Serbisyong May Malasakit." Nais niyang makatulong sa mga naguumpisa at maliliit na negosyo upang magkaroon ng sapat na pangtustos sa kani-kanilang mga pamilya. Nagbigay rin ng mensahe sina Ms. Betty Samonte na Vice Chairman ng BSMPC, Mr. Antonio Meloto na Founder ng Gawad Kalinga, at si Mr. Nedy Roxas na siyang kasalukuyang PESO consultant. Sa paglalagay ng ganitong Pasalubong Center, magiging atraksyon o lugar na puntahan ito ng mga turista at mga Baliwagenyo kung nais nilang makabili ng mga pang-pasalubong, souvenir, o pangregalo para sa kanilang mga pamilya o kaibigan. Bukas ito mula Lunes hanggang Linggo, 9am - 9pm. Narito ang ilan sa mga produkto sa loob ng Baliwag Pasalubong Center.      


Honey Bee ng Emrey Trading 
- Ms. Mutya "Em" Hernandez
Contact numbers: (044) 233-4825 / 09234630019 / 09978324259
Email: emreytrading@gmail.com

Savourlife Organic Mushroom & Growing Supplies 
- Ms. Diwata Bautista
Contact number: 09233976564 / 09163416419
(Mayroon silang mushroom farm at pwedeng mag training patungkol sa mushrooms)



Mary's Baked Goods (Special Puto)
Buttered Puto, Puto Pao, Puto Yema at Puto Flan
- EHM RIZAL
(044)3080638 / 09162881693 / 09424263893
Sabang, Baliwag, Bulacan

DALS Collection
- Ma. Arlene Tadeo
Contact number: 09228431789 / 09175764391
Email: arltadeo@yahoo.com

CRISELDA'S
Cassava chips, Banana chips, Camote chips, Taro chips 
Contact number: 09059600996 / 09268270858 / 09225054784
Tel. No. (044) 769-1202

KALAHI
Pastillas De Leche
Contact number: (044) 761-0050 / 09328697947 / 09231631309
Sto Cristo, Baliwag

DRAGONFRUIT Farm
Dragon fruit, Cuttings, Dragon Fruit Ice Cream
- Mr. Edilberto Marcos
Contact Number: 09175327041 / 09199913325

DANDA'S DELIGHT
Buttered Polvoron, Cookies & Cream Polvoron
- Ms. Riza Vergel de Dios
Contact number: 09235902190









Aw! Aw! Chili Flakes

Bitoy's Chili Garlic

Casechcom Foods - Pili Coco Jam


Pansamantala ko muna kayong bibitinin dahil marami pang produkto ang inyong makikita sa Baliwag Pasalubong Center, halina at suportahan ang mga produktong sarili atin!






Friday, November 25, 2016

Baliwag Christmas Bazaar 2016 - Nagbukas na!


Tunay ngang ang nga Pinoy ang may pinaka mahabang selebrasyon ng kapaskuhan. Bakit ko ito nasabi? Nakapasyal ka na ba sa bayan ng Baliwag? Kung hindi pa, hayaan ninyong ilarawan ko sa inyo. 


Magmula sa munisipyo hanggang sa St. Augustine church ay napapalamutian ng mga makukulay na parol ang bawat poste ng street light. Ramdam ang pasko sa tuwing iilawan ito pagkagat ng dilim. Sa Heroes Park naman ay naroon ang bilihan ng mga bibingka at puto bumbong na may libre pang tsaa o salabat, naroon din ang mga nagtitinda ng bitso-bitso na may maraming gatas at asukal, mas masarap kung ito ay may palaman na keso hindi ba? Sa pagtawid naman ay makikita ang mga nagtitinda ng mga inihaw na isaw, barbeque, at iba pa. Naroon rin ang pritong chi-chaw na masarap isawsaw sa suka. At sino ang hindi nakakaalam ng "day-old" o piniritong 1 day old na sisiw, ang mga itlog na kulay orange, dito masarap ang mga iyan sa Baliwag.




Narito ang maikling video na ginawa ko para maipakita sa inyo na buhay na buhay ang bayan ng Baliwag kahit sa gabi.


Lalong nagpasabik sa parating na kapaskuhan ang pagbubukas ng Baliwag Christmas Bazaar, nagsama-sama rito ang mga nagtitinda ng mga laruan, damit, sapatos, Christmas decors at marami pang iba. Binibigyang pagkakataon rito ang marami nating kababayan na nais madagdagan ang kanilang kinikita para makatulong sa pangkabuhayan ng kani-kanilang mga pamilya. Maayos na nakasalansan ang kanilang mga produkto at inilagay sa kani-kanilang booth upang sa ganoon ay maging maginhawa makapamili ang mga kababayan natin. Hindi na kailangang lumayo pa dahil narito na lahat ng kailangan mo para sa "Christmas Shopping" mo. 



Hindi nga naka-aircon ang pamilihang ito pero ang maganda rito ay makakatawad ka pa at makakamura sa mga bibilhin mo. Nakahanda na ba ang listahan ng mga bibilhin mo? Tangkilikin natin ang may mga maliliit na negosyo dahil makakatulong tayo sa pag-unlad ng bawat isang Baliwagenyo. Isa na namang Serbisyong may malasakit ni Mayor Ferdie V. Estrella.