Marami sa atin ay subsob sa trabaho nitong mga nakaraang buwan ng taon. Ang iba ay kumakayod ng todo upang mabuhay ang kani-kanilang pamilya, ang iba naman ay nagsunog ng kilay sa pag-aaral. Hindi ba't masaya at masarap sa pakiramdam kung paminsan minsan ay makapag relax at maikundisyon muli ang sarili para sa panibagong sabak sa pagtratrabaho o pagaaral sa panibagong taon na darating? Paano natin bibigyan ng reward ang ating sarili at makapag recharge?
Nakakita ako ng isang lugar kung saan ay pwedeng mag relax, at mabawasan ang stress. Ang lugar na sinasabi ko ay nasa 2nd floor ng Rinaliza Bldg sa San Jose, Baliwag. Bali Ayurveda Spa and Wellness Center ang pangalan ng lugar na pinuntahan ko. Nagbukas ito noong November 28, 2015. Pagpasok ko pa lang ay narinig ko na ang maganda at sobrang nakaka relax na music, amoy peppermint pa ang kanilang spa. Ang amoy at music pa lang dito, alam ko na magiging sulit ang pagpunta ko. Isinama ko ang aking asawa dahil gusto kong makapag relax din siya kahit paminsan minsan dahil pagod sa pagtratrabaho. Isa itong kakaibang bonding, alamin ninyo sa kwento ko kung bakit. Narito muna ang aking video kung ano ang mga makikita sa loob.
Dinala kami ng kanilang staff sa foot washing area. Matapos ay binigyan kami ng robe para iyon ang isuot namin, may locker sila kaya hindi mo iintindihin ang mga gamit mo. Pinapuwesto na nila kami sa magkatabi na kama at ito na nga, ready na kami!
Dressing Room
Sinimulang lagyan ng Keratin ang buhok ko para maibabad na at maisabay kapag sumalang na kami sa Sauna (isang maliit na kuwarto na ang mga dingding ay kahoy, mainit sa loob nito na umaabot sa 50 degrees na init). Nilagyan na kami ng Organic Body Scrub mixture. Ang pinili ko na ilagay sa akin ay Dead Sea variant nila. Sa paghagod pa lamang nito sa katawan ko, ramdam ko na parang naaalis ang mga dumi sa katawan ko. Coffee variant naman ang inilagay sa katawan ng aking asawa.
Buong katawan nila nilagyan ng ganitong mixture ang katawan namin hanggang sa paa. Sumunod naman ang pagpasok namin sa Sauna, sa una, lalo na yung mga hindi sanay ay maninibago sa init ng temperature dito. Pagpapawisan ka talaga sa loob nito pero wag magalala dahil may nakahandang tubig na malamig at may yelo na pwedeng inumin. May nakahanda rin na bimpo na nakababad sa tubig na may yelo, Ipinupunas ito sa mukha pati narin sa batok para hindi masyado uminit ang pakiramdam. Ang sarap pagpawisan at lumabas ang mga toxins sa katawan. 30 minutes kami sa loob nito at umabot mula 40 hanggang 48 degrees ang init sa loob ng Sauna room. Maasikaso rin ang mga staff nila lalo na si Ms. Piper. Inaalam mabuti ang aming pangangailangan. Kaya naman naging relaxing talaga ang aming pagpunta rito.
Matapos ang 30 minutes ay nagbanlaw na kami ng katawan pati ang buhok ko na ibinabad sa Keratin ay sobrang lambot na! wow all in one nga talaga! Naghanda naman kami para sa aking Balinese massage at Balinese Hot Stone massage naman para sa aking asawa. Buong katawan ang minasahe sa akin, ang Balinese pala ay kasamang ginagamit sa pagmamasahe ang kanilang braso para mas may puwersa. Pwede naman ipa-adjust kung soft lang o hard ang masahe mo, depende sa kaya ng katawan mo. Ang Hot Stone massage naman, ginagamit ang mga makikinis na bato na bahagyang pinainitan at siyang ginagamit sa pagmamasahe. Sa buong katawan din ito ginagamit. Talaga namang nakakawala ng mga sakit sa katawan at nakakaalis ng stress.
Hot towelette at Green Tea
Matapos ang aming masahe ay binigyan nila kami ng hot towelette at Green Tea. Masarap ang green tea nila at ang lahat ng kanilang ginawa sa amin, iisipin mo na para ka na ring nakapunta sa Bali, Indonesia. Panahon naman para paminsan-minsan ay i-pamper ang sarili lalo na kung masyadong napagod sa pagtratrabaho. Nakapag bonding din kami ng aking asawa. Kayo rin pwede ninyo isama ang inyong "special someone," mga kaibigan o katrabaho. Kaya punta na sa Bali Ayurveda Spa at i-experience na ang kakaiba nilang paraan para maalis ang iyong stress at makapag relax. Ang Bali Ayurveda Spa ay bukas mula 11 ng umaga hanggang 9:30 ng gabi.
Ang aming rating para sa Bali Ayurveda Spa ay : 5 Stars ⭐⭐⭐⭐⭐
No comments:
Post a Comment