Clean Up GO!
National Clean-up Day
Kamakailan lang, Setyembre 17, 2016 (Sabado) ika-6 ng umaga ay muling ginanap ang National Clean-up Day. Kung may Pokemon GO na ang hanap ay mga Pocket Monsters, ang bayan ng Baliwag ay may Clean Up GO naman na ang pangunahing layunin ay ang paghahanap at palilinis ng mga basura sa mga irrigation canal, drainage canal at mga tapat ng ating bahay. Nakatuon din ito sa paglilinis ng ilog at mga tabing ilog. Ang kahabaan ng tabing-ilog ay tatamnan ng fire tree upang maging atraksyon pagdating ng panahon.
(Photo Credits to Mayor Ferdie V Estrella)
Nakatutuwang pagmasdan na ang mga Baliwagenyo ay nagtutulungan para sa pagpapaganda at pagpapanatili ng kalinisan sa ating bayan. Ang trabaho ay gumagaan kung nagtutulungan, kaya't sa mga susunod pa na National Clean-Up Day ay makiisa tayo dahil hindi lang naman para sa atin ang paglilinis na ito kung hindi para sa susunod pang mga henerasyon. Hindi ba't isang magandang pamana ito sa ating susunod na henerasyon? Ituro rin natin sa ating mga anak ang kahalagahan ng paglilinis. Alamin ang lugar at schedule ng mga susunod pang paglilinis ng ating bayan. I-like ang Facebook page ng BaliwageKnow para sa susunod pang kaganapan dito sa ating bayan. www.Facebook.com/BaliwageKnow dahil ang Baliwagenyong may alam ay Baliwagenyong may pakialam.
No comments:
Post a Comment