Nagbyahe kami mula Cebu papuntang Iloilo. Unang kita ko pa lang ng SeatSale ng Philippine Airlines, nagbook na agad ako. Wala nang isip isip hahaha. Paano ba naman 784 pesos lang roundtrip ticket! Mag-iisip ka pa ba? Kaya isinama ko ang buong pamilya.
*Tip para makapag book ng murang airline ticket? - kapag nakita mo na super mura at seatsale na sa date na nakita mo, wag na mag-isip! I-book na agad... sa mga walang credit o debit card, pwede nmn payment via remittance centers o ang pinaka madali ay via 7/11 (7-eleven) stores. Screenshot everything and bayaran ang reference number. Ganun lang ka easy, pag walang budget.... ngangaey hahaha sorry next seatsale na lang.
35 minutes lang ang byahe mula Cebu airport hanggang Iloilo airport. Maliit pero malinis ang airport ng Iloilo. Mula naman sa Iloilo City, pwedeng mag jeep o taxi hanggang sa Ortiz Wharf (kung saan sasakay ng ferry/boat papuntang Jordan wharf). Ang pamasahe sa ferry/boat ay 22 pesos para sa regular rate at 18 pesos para sa mga PWD at Senior Citizens. 15 to 20mins lang ay nasa Guimaras Island ka na! Wow! Ang lugar kung nasaan ang sweetest mango. Bakit at paano nila prinoprotektahan ang mga variety nila ng mangga? Malalaman mo sa vlog ko! Watch na dali, may fieldtrip dito at madami kayo matututunan!
Ilan lang yan sa mga magagandang lugar doon, at ito pa nga ang bonus. Mawawala ba naman ang FoodTrip ng Mango Dishes??? Dumayo kami sa THE PITSTOP para kumain ng Mango Pizza, Bulalo with Mango, Mango Spaghetti... wow na wow sulit!
Bulalo with mango
Mango Spaghetti
Mango Pizza!
Sa tingin nyo, magugustuhan nyo ba ang mala-Field trip na hatid ng Guimaras Island? Keri nyo kaya ang mga Pagkain? You may comment para sa magrecommend ako ng tour guide para sa Guimaras Tour nyo!
No comments:
Post a Comment