Strawberry de Cantipla
Eco Farm
Byahe na tayo! Alam nyo ba na hindi lang sa Benguet tumutubo ang mga strawberries? Yes! May ilang malalamig na lugar kung saan pwede na sila tumubo at maparami. Nung mga nakaraang buwan ay akin nang napuntahan ang Strawberry farm sa Dalaguete, Cebu. Ngayon naman ay sa Busay, Cebu ko ito nakita. Ito ang Strawberry de Cantipla Eco Farm. Malamig ang klima sa Busay, Cebu kaya naman hindi nakapagtataka na maaring mabuhay dito ang mga strawberries.
Nakilala ko ang may-ari ng farm na si Mr. Ariel Ugsimar. Nagumpisa syang marapami ang kanyang strawberries sa isang parte ng lupain sa Brgy. Cantipla. Hindi lang strawberries ang kanyang mga pananim kundi mga "Guapple" (guava-apple), bell peppers, at iba pa. Ipinakita nya rin sa amin ang dalawang puno ng mansanas na kanya nang napalaki mula lamang sa buto. Tunay nga na napaka ganda at mataba ang lupa na maaring matamnan sa lugar na iyon. Nagsimulang buksan sa publiko ang kanyang farm noong April 2018. Sa ngayon, may entrance fee ito na 40 pesos for adults at 20 pesos para sa mga bata na gustong pumunta rito at mamasyal.
Mula sa kayang Strawberry Farm ay patok din ang kanyang Strawberry Snack Hauz. Maraming specialty snacks na syempre pa ay gawa mula sa Strawberries! Mayron silang Strawberry Ice Cream, Strawberry-Mango Float, Strawberry Leche Flan, Strawberry Shake, at marami pang iba pati na rin ang Burger with Strawberry?!?! Yes! Mayroon sila nyan!
Strawberry Mango Float |
Strawberry Leche Flan |
Natakam ba kayo? Abot kaya ang mga presyo ng kanilang mga inihahain dito. Napakasarap din dahil hindi tinipid sa lasa ng strawberries lalo na ang kanilang Strawberry Shake. Kakaibang lasa na kahit medyo malayo sa syudad ang lugar na ito ay babalik-balikan.
Exact location: Sitio Cantipla, Brgy. Tabunan, Cebu City (National Transcentral Highway) - about 1 hour away from Cebu City
Para sa tour package dito sa Cebu, visit our page:
https://www.facebook.com/3ZAffordableCebuPackageTour/
https://www.facebook.com/3ZAffordableCebuPackageTour/
No comments:
Post a Comment