BALIWAG
Bakit ka nga ba dapat ipagmalaki?
Ang Baliwag ay isang bayan sa Bulacan na napakaraming maipagmamalaki. Lugar, pagkain, mga bagay at mga masasayahing tao. Kaya naman maski ako, taas noo kong ipinagmamalaki ang ating bayan. Hitik sa kultura at masasarap na pagkain.
Naimbitahan para pumunta sa ating bayan ang isang grupo na binubuo ng local media, bloggers at photo journalists. Sinamahan sila sa paglilibot ng Baliuag Tourism Office. Natuwa ako ng mabasa ko na mayroon ding mga manunulat na nabighani sa ating bayan, at iyon ngayon ang aking ibabahagi sa inyong lahat.
Mula sa article na "Savoring Baliwag's Culinary & Heritage", isinulat ni Rence Chan na isang Heritage advocate at manunulat ng Lakad Pamana.
Mababasa ang article dito:
Ano-ano ang mga magagandang gawin kapag nasa Baliwag? "10 Things You Need to Do When in Baliwag Bulacan" na isinulat naman ni Vance Madrid ng www.purpleplumfairy.com
Mababasa ang kanyang article dito:
Nai-feature din sa PSST.Ph ang article na "8 Important ways to explore Baliwag, Bulacan" ni Rence Chan.
Mababasa ang kanyang article dito:
Sila ay ilan lang sa mga nakapagpatunay na ang Bayan ng Baliwag ay hitik sa kultura, pasyalan at masasarap na pagkain. Kaya, biyahe na sa Baliwag at nang makita nyo mismo ang ganda ng aming bayan. Ang bayan na maipagmamalaki ng may mga Dugong Baliwag, Pusong Baliwag.
No comments:
Post a Comment