Monday, February 27, 2017

Mga Pinarangalan sa Larangan ng Sining

Mga Pinarangalan sa 
Larangan ng Sining


     Pebrero 27, 2017 matapos ang Flag Raising Ceremony sa Munisipyo ng Bayan ng Baliwag, ay pinarangalan ang mga nagwaging Baliwagenyo sa larangan ng Sining. Kung sa galing at husay rin lang naman ang paguusapan ay hindi magpapahuli riyan ang mga Baliwagenyo. 

     Para sa Poster Making ng Civil Registration Month na may temang "Lehitimong Pilipino", nagwagi sa Ikatlong pwesto (3rd Place) si JOSHUA GREFALDO. Grade 10, mag-aaral ng Virgen De Las Flores High School. Ang nasabing contest ay nilahukan ng mga mag-aaral ng buong lalawigan ng Bulacan. 



     Kamakailan lang ay ginanap ang "Pitik Silip Baliwag" - isang On-The-Spot photography contest na pinagunahan ng Baliuag Tourism Office. Narito ang mga nagwagi sa nasabing contest.

3rd Place : Bryan Hipolito
2nd Place : Joy DC Victorino
1st Place : Emmanuel Mutuc



     Pinarangalan din si Ginoong Rogelio Buzon --- solo exhibitor para sa kanyang mga obrang nagmula sa mga recycled materials na may temang "Simbahan at Bayan". Hanggang bukas (Pebrero 28, 2017) ay makikita pa ang kanyang mga obra sa Lumang Minisipyo ng bayan ng Baliwag.


Sa inyong lahat na nagsipagwagi, maraning salamat sa inyong kontribusyon sa ating bayan. Ang inyong galing at husay ay ipinagmamalaki naming mga Baliwagenyo.

Thursday, February 23, 2017

BALIWAG : Bakit ka nga ba dapat ipagmalaki?

BALIWAG
Bakit ka nga ba dapat ipagmalaki?

Ang Baliwag ay isang bayan sa Bulacan na napakaraming maipagmamalaki. Lugar, pagkain, mga bagay at mga masasayahing tao. Kaya naman maski ako, taas noo kong ipinagmamalaki ang ating bayan. Hitik sa kultura at masasarap na pagkain. 

Naimbitahan para pumunta sa ating bayan ang isang grupo na binubuo ng local media, bloggers at photo journalists. Sinamahan sila sa paglilibot ng Baliuag Tourism Office. Natuwa ako ng mabasa ko na mayroon ding mga manunulat na nabighani sa ating bayan, at iyon ngayon ang aking  ibabahagi sa inyong lahat. 

Mula sa article na "Savoring Baliwag's Culinary & Heritage", isinulat ni Rence Chan na isang Heritage advocate at manunulat ng Lakad Pamana.



Mababasa ang article dito: 

Ano-ano ang mga magagandang gawin kapag nasa Baliwag? "10 Things You Need to Do When in Baliwag Bulacan" na isinulat naman ni Vance Madrid ng www.purpleplumfairy.com


Mababasa ang kanyang article dito:

Nai-feature din sa PSST.Ph ang article na "8 Important ways to explore Baliwag, Bulacan" ni Rence Chan.


Mababasa ang kanyang article dito:


Sila ay ilan lang sa mga nakapagpatunay na ang Bayan ng Baliwag ay hitik sa kultura, pasyalan at masasarap na pagkain. Kaya, biyahe na sa Baliwag at nang makita nyo mismo ang ganda ng aming bayan. Ang bayan na maipagmamalaki ng may mga Dugong Baliwag, Pusong Baliwag.


  

Monday, February 20, 2017

Mayor Ferdie V Estrella : Most Outstanding Mayor of the Philippines 2017

Mayor Ferdie V Estrella 
Most Outstanding Mayor 
of the Philippines 2017

Dahil sa kanyang hindi matatawarang husay sa pagpapalakad at pagsasaayos ng bayan ng Baliwag. Programa na lalong nakapagpabuti ng bayan. Ginawarang ng award na "Most Outstanding Mayor of the Philippines 2017" ng Superbrands Marketing International Inc. ang mayor ng Bayan ng Baliwag na si Mayor Ferdie V Estrella.


Ang Superbrands Marketing International Inc. o SMI ay ang bukod tanging international award giving body sa larangan ng Marketing at Branding sa Pilipinas. Isang karangalan hindi lamang para kay Mayor Ferdie kung hindi para narin sa buong bayan ng Baliwag.


Kung maaalala ninyo na sandaang araw pa lamang siyang nanunungkulan ay marami na siyang nagawa. Ang lahat ng ito ay dahil sa kanyang tatak Ferdie Estrella na "Serbisyong May Malasakit". Ang Mayor na minahal ng lahat dahil sa kanyang mabuting puso at malasakit sa kapwa. Ipinagmamalaki ka ng buong Bayan ng Baliwag, Mayor Ferdie V Estrella!

Para sa mga gustong balikan ang kanyang mga nagawa sa sandaang araw pa lamang... mababasa po ito sa article ko na ito: http://www.baliwagenews.info/2016/10/fve-100-days.html

Hindi ko makakalimutan ang kanyang binitawang panghuling salita sa kanyang talumpati noon. At magpahanggang sa ngayon ay kanyang walang sawa at buong pusong ginaganpanan. 

"Sa inyo na naniwala at nakikiisa, at hangad ang ating pagbabago, maraming salamat. Sana po ay 'wag kayong mapagod sa pagtulong, at kung mapagod man kayo, sana po ay 'wag kayong susuko. Dahil ang inyong lingkod po, handang tapusin ang ating nasimulan. Sa hanggang ngayon ay nagdududa pa, sa mga nagaatubili at mga hindi pa naniniwala, maghihintay po kami sa inyo. Wala na pong puwang ang galit sa aking administrasyon laban sa mga taong walang ibang nakikita kung hindi ang mali, ang problema at ang kahinaan ng iba. Mas masarap po ang tulog sa gabi ng isang taong walang kaaway at masamang hangarin sa iba. Mas panatag ang buhay ng mga taong handang mag-abot ng kamay para makatulong. Mas payapa ang kalooban ng mga taong walang inggit sa puso. Ang pagkakapit kamay natin ay hindi para maghilahan pababa, sa halip ay para sama samang umangat sa pamamagitan ng sama samang paglilingkod at pagmamalasakit. Iyan po ang tunay na diwa ng "Dugong Baliwag, Pusong Baliwag", may dugo ng tunay na bayani, may puso para maging mahusay sa lahat ng larangan. At mga kababayan, ang hinihiling ko sa inyo ay sana po ay patuloy ninyo akong suportahan. mahirap po ang magig isang Punong Bayan, at hihilingin ko na rin po sa pagkakataong ito na patuloy po ninyo akong ipagdasal na sana lahat ng aking magiging desisyon, lahat ng aking gagawin ay para sa higit na mas nakararaming taga-Baliwag..." 
- Mayor Ferdie V. Estrella

Mabuhay po kayo Mayor Ferdie Estrella
Mabuhay ang Bayan ng Baliwag!