Monday, January 30, 2017

BALIUAG UNIVERSITY : #127 sa Top Universities sa Pilipinas

BALIUAG UNIVERSITY 
#127 sa Top Universities sa Pilipinas

     Pagdating sa edukasyon, talaga namang hindi magpapahuli ang mga Baliwagenyo. Ngayong 2017, ay nakakuha tayo ng puwesto bilang ika-127 sa buong Pilipinas. Ito ay ayon sa www.4ciu.org (UniRank University Ranking) na ibinase sa limang "web metrics" at ito ay ang mga sumusunod:
  1. Moz Domain Authority
  2. Alexa Global Rank
  3. SimilarWeb Global Rank
  4. Majestic Referring Domains
  5. Majestic Trust Flow


Tunay ngang maipagmamalaki ng buong bayan ng Baliwag. Pati namang ang Bulacan State University sa bayan ng Malolos, Bulacan ay maipagmamalaki dahil naka-kuha ito ng ika-91 puwesto, sa buong Pilipinas ito ha! Isa ito sa patunay na kayang makipagsabayan ng mga Bulakenyo. 



Ikaw, maghahanap ka pa ba ng ibang unibersidad? Tangkilikin at ipagmalaki ang sariling atin. Taas noo, Baliwagenyo!


No comments:

Post a Comment