Friday, April 21, 2017

BITOY's CHILI GARLIC, namamayagpag!

BITOY's CHILI GARLIC, 
namamayagpag!



     Kamakailan lamang, isa nating kababayan ang naimbitahan upang mainterview sa isang programang pang telebisyon na kung tawagin ay "TAUMBAHAY" ng NET Channel 25. Tinalakay sa isa nilang segment kung paano kumita habang ikaw ay nasa bahay lamang. At isa sa nabigyang pansin ang ating kababayan na si Ginoong Victor Buenaventura na sikat na imbentor ng BITOY's CHILI GARLIC.

Walang pagsidlan ng kasiyahan si Sir Victor Buenaventura na siya any maanyayahan na mag guest sa channel 25! Paano ba naman, hindi niya akalaing ang kanyang pagsisikap na maitayo ang kanyang negosyo ay aabot sa national  TV!


Photo Credits: Bitoy's Chili Garlic

At ito na nga ang kanyang pinakahihintay, magkahalong kaba at kasihayan ang nararamdaman ni Sir Bitoy bago at habang ginagawa ang kaniyang live interview sa TAUMBAHAY!

Photo credits: Taumbahay Channel 25

Photo credits: Taumbahay Channel 25

     Matatandaan na noong mga huling buwan ng 2016 ay ipinakilala nya ang Bitoy's Chili Garlic dito sa ating bayan ng Baliuag. Masusing pinagaralan ang tamang pagluluto, nagseminar patubgkol sa pagnenegosyo sa tulong ng ating munisipyo, at nabigyan ng pagkakataon na mai-display ang kanyang produkto sa Baliwag Pasalubong Center. Tinangkilik ng mga tao hanggang makarating sa iba't ibang lugar, at pati sa ibang bansa. 



Mayroon na rin siyang mga resellers at mga tindahan na nagdidisplay at tumatangkilik din ng kanyang chili garlic. Patunay nga na kung may tiyaga, samahan ng pananalig sa Diyos ay makakamit ang tagumpay kaya naman namamayagpag ang kanyang Bitoy's Chili Garlic Korean Style.


Isa ka sa ipinagmamalaki ng ating bayan Mr. Victor Buenaventura, aka Bitoy's Chili Garlic! Mabuhay po kayo!


I-follow ang kanilang facebook page: https://www.facebook.com/BitoysChiliGarlic/


Saturday, April 8, 2017

Magandang buhay para sa pamilya ni ROMMEL

Magandang buhay para sa pamilya ni ROMMEL

     Naalala nyo ba ang batang c Rommel? Para bigyan kayo ng kaunting background, siya yuong batang may kapatid na may Cerebral Palsy at lagi niyang kasa-kasama ang kanyang kapatid kahit sa kanyang pagpasok sa eskwelahan na ang tanging hiling lamang ay mapasaya ang kanyang kapatid at siya rin ay napanood nating lahat sa isang segment ng TV Patrol noong isang buwan lamang. 

Narito ang aking article noong isang buwan:
 http://www.baliwagenews.info/2017/03/tanging-hiling-ni-rommel.html


     Good news! Dinalaw ng butihing Mayor ng Baliwag, Bulacan - Mayor Ferdie V. Estrella ang nasabing bata at ang kanyang pamilya. Walang pagsidlan ang kagalakan ng pamilya ni Rommel ng sila ay puntahan sa kanilang bahay at bigyan ng tulong na pinansiyal, ilang makakakin ng pamilya, at ipagpapagawa pa ng maliit na bahay sa kanilang lupa. Nagsama rin ng Doktor upang matignan ang kalusugan ng dalawang bata. 

Photo Credits: Cruz Luke Andrew
Photo Credits: Cruz Luke Andrew
     Hanggad ni Mayor Ferdie Estrella na mapabuti ang bawat mamamayan ng bayan ng Baliwag. Ganun din naman ay dinadalaw nya rin ang mga may sakit at iba pang nangangailangan ng tulong. Magandang buhay hindi lamang sa pamilya ni Rommel kundi sa lahat nng Baliwagenyo ang hanggad ni Mayor Ferdie. Tunay na ang serbisyong may malasakit ay hindi lamang para sa iilan, kung hindi sa higit na nakararami. 

Photo Credits: Cruz Luke Andrew



Wednesday, April 5, 2017

ALAB Pilipinas vs Singapore Slingers

ALAB Pilipinas vs Singapore Slingers

     Muling magbabalik ang koponan ng ALAB Pilipinas sa ating bayan - Baliwag para sa kanilang laro laban sa koponan ng Singapore. Handa na ba kayo Baliwagenyo? Sa April 7, 2017... 8pm na ang laban sa Baliwag Star Arena!

Photo credits: ABL's official page
Kagaya ng nauna nilang laro, mainit ang pagtanggap ng mga Baliwagenyo sa ALAB Pilipinas. Kung larong basketball rin lang ang paguusapan, hindi magpapahuli ang mga Pinoy, hindi ba? 

Gusto mo bang makanood ng LIBRE? Paano? --- Sa Huwebes, April 6, 2017 pumila na sa Baliwag Star Arena mula alas 2 hanggang alas 4 ng hapon. Mamimigay na ng libreng tiket. Magmadali dahil limited lamang ito at isa lamang kada isang manonood ang ibibigay na ticket. 



Paalala lamang po, bilang pagpapakita ng ating suporta sa koponan ng Pilipinas, ang mga manonood po ay kung maaari lamang po ang magsuot ng kulay PUTI na damit. Lakasan na ang hiyawan at sigawan para i-cheer ang team ALAB Pilipinas!